♛Chapter 21♛

15 7 5
                                    

~Her~

•Crystal's POV•

Hindi ko alam kung ano gagawin ko ngayon. Napakapangit ng awra sa bahay. Hindi ko tuloy feel ang pinapanood kong action movie. Hindi ko alam baka any minute makasaksi ako ng patayan, live pa.

"Baby Z gusto mo?" tanong ni Damian.

"Tsk, don't give her that. She like this best."

Kanina pa ako nagtitimpi. Mamaya itong dalawa na ang sasaksakin ko e.

Habang nasa kalagitnaan kami ng panood ng movie ni Lucas. Dumating si Damian na may dalang pagkain. Kinamusta niya rin ako kung okay na ba ang kalagayan ko. Okay na nga sana e kaso naiirita ako sa kanilang dalawa.

"Pwede bang tumahimik kayong dalawa! Nagiinit ulo ko sa inyo!" sigaw ko sa kanila. Mabuti naman at nanahimik nga sila kundi paguumpugin ko talaga sila.

Sama na nga ng pakiramdam ko dadagdag pa sila. Buti na lamang at kaagad na dumating ang Royal'z kasama ang natitirang miyembro ng Dragon Empire.

"Sabi ko sa inyo e nandito silang dalawa," buong pagmamalaking wika ni Raze.

Akala ko pa naman matatahimik na ako. Nadagdagan pa hay...

"Kamusta pakiramdam mo Empress?" tanong ni Kurt.

"Lalo atang lumala," inis na sabi ko saka nilingon ang dalawa. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa kusina kasama ang Royal'z.

Kumuha sila ng makakain habang ako ay nakaupo lamang at pinapanood sila. Kesa naman panoodin ko yung dalawang mag-away doon sa may sala.

"Okay ka na ba talaga Empress? Gusto mo ba tawagin si Doc?" tanong ni bee. Umiling ako, "Hindi na, okay lang ako. Kaya ko pa naman."

"Basta kapag 'di maganda ang pakiramdam mo sabihin mo lang." Tumango lang ako.

Umalis sa kusina ang tatlo at naiwan kaming dalawa ni Zharm.

"Anong ba talaga meron sa inyong tatlo nina Master at kuya Damian, ate?" nagulat ako ng tanungin niya iyon dahil sa totoo lang miski ako hindi ko sigurado kung ano ba talaga ang gustong mapangyari ng dalawang iyon.

"I don't know," nakayukong sabi ko. Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago siya magtanong muli. "Kung papipiliin ka sa kanilang dalawa ate, sino pipiliin mo?" tanong niya.

Muli akong napaisip. Sumasangi naman iyan sa isip kaso hindi ko alam ang sagot kaya sa halip na magpaka-stress ako sa kanila ay mas pinagtutuunan ko ang misyon namin.

"We need to focus more on our mission. I have no time for love in this case," seryosong sambit ko sa kanya.

"Don't just focus on that, ate. Be happy, live your life." Napiling-iling ako sa kanya, "I am happy whenever I accomplish my goals in life and my missions. Besides, I have you guys. That's all I need."

"And how about what you want?" Muling tanong niya. "I want to be successful and powerful."

"O my gosh, you're hopeless," taas kamay niyang wika bago umalis ng kusina.

I want him but this isn't the right time.

Nagulat ako ng tumunog ang aking telepono. Kinuha ko iyon at sinagot.

"How was it?" tanong niya.

"It's fine. I' finish them soon. I just need some time."

"Why? You're faster than that, Empress. Are you distracted?" may tuksong wika niya. Napairap ako sa kawalan, "I am not," sambit ko at saka binaba ang tawag.

=R1=: The Queen's LoveWhere stories live. Discover now