♛Chapter 7♛

53 28 10
                                    


~Annoyed~

•Crystal POV•

Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama ang isang mahanging dragon.

"Hindi ka pa ba oorder ng pagkain?" tanong niya.

"Ayokong kasabay ka!" sagot ko naman saka siya inirapan.

Nakakainis kasi itong lalaking ito e. Badtrip ako dahil sa ginawa niya kanina. Huwaa ayoko na maalala.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko na nasa lamesa.

"Hey, where are you going?!" sigaw niya ngunit hindi ko iyon pinansin. Kailangan ko ng katahimikan ngayon.

Naglakad ako papuntang library para makalayo sa dragon na iyon. Baka bagyuhin ako ng kayabangan niya dun e.

I spend my time reading books that I like. Bakit ang tagal naman magring ng bell?

Kasasabi ko lamang sa utak ko niyon nang biglang magring ang bell. Inayos ko kaagad ang gamit ko at nagtungo na sa cafeteria. Nagchat na rin ako sa kanilang pupunta na ako sa cafeteria.

Naglalakad na ako patungo sa cafeteria nang may tumawag.

*Bestfriend*

"Hey Damian," bati ko rito.

"Asan ka? Kasabay ko na dito sina Kurt," tanong niya.

"Papunta na ako diyan," sabi ko sa kanya saka ibinaba ang tawag. Nagmamadaling tinungo ko ang cafeteria.

Pagkarating ko doon ay kaagad ko silang hinanap. Nakita ko ang pagkaway ni Damian kasama sina Zharm.

"Empress, bakit mukhang badmood ka?" tanong ni Zoren.

"Sino bang hindi mababadmood ha?! E kauna-unahang araw palang napalabas na ako ng klase!!" sigaw ko kaya naman pinagtinginan ako ng mga tao.

"Mind your own business people!" sigaw ko naman sa mga nakikichismis.

"Chill," natatawang sabi ni Damian habang tinatapik ang balikat ko.

"Bakit ka napalabas bee?" tanong naman ni Scarlet.

"Kagagawan iyon ng mahanging dragon," naiiritang sabi ko.

"More like gwapong dragon. I actually like that better."

Lumingon ako at nakita siyang nakangisi habang may hawak na lollipop.

"What are you doing here?" malamig na tanong ko sa kanya.

"What do you think?" nakangisi niyang tanong. Inirapan ko na lang siya at hindi na sinagot ang katanungan niya.

"Master grabe ka naman nangiiwan ka. Oh nandito din si Damian," magiliw na sabi ni Raze.

"Ah guys this is Zayne you already know her. This is her family Scarlet, Kurt, Zoren and Zharm," pagpapakilala ni Damian sa lahat.

"Hi," bati nina Zoren ganon din naman ang ginawa nina Raze at Skie. So it end up magkakasama kaming kumain.

More like sila lang nakakain ng ayos. Naiirita kasi ako sa lalaking nasa kanan ko e. Isang mahanging dragon

Hindi lang iyon, the fact na pinagtitinginan kami ng mga tao dito dahil kausap namin ang hari ng school na ito ay nakakairita.

Kinuha ko ang gamit ko at tumayo.

"Empress, saan ka pupunta?" tanong ni Kurt.

Lumingon ako at tinitigan ang mga mata nito. Sending a message using my eyes that I will go to the library.

=R1=: The Queen's LoveWhere stories live. Discover now