♛Chapter 5♛

46 33 18
                                    

~Race~

•Crystal POV•

"Good morning Dadi," sabay sabay na sabi namin nina Zoren.

"Good morning mga anak," natatawang sabi ni Dadi kasabay ng pagupo namin sa paligid ng mahabang mesa.

Kanina pa kasi ako gutom. Naalala ko sa sobrang pagiisip ko ng mga pinermahan ko kahapon at pagkukuwentuhan namin kagabi nina Dadi nakalimutan kong kumain.

"Hmm bacon," nakangiting sabi ni Zharm. Siya talaga pinakamatakaw sa amin. Kasiyahan niya yan e, ang kumain.

"Nga pala, kailangan niyo pumunta sa school niyo bukas hindi na kayo masasamahan ni Alex dahil may sakit si ate. Si butler homer na ang bahala sa inyo," anunsyo ni Dadi sa hapag kainan.

"Okay po Dadi, pero ano daw po sakit ni tita?" tanong ni Scarlet na punong puno ng kuryosidad.

"May sakit sa puso si ate simula bata pa siya. Akala namin humaling na siya ngunit nagulat kami ng mabalitaang bumalik pala ito," pagpapaliwanag ni Dadi.

Ilang linggo pagkarating sina Zharm pumunta dito ay pinakilala sila ni Dadi sa ibang kamag-anak nito.

Sumang-ayon naman sila na magapon pa si Dadi dahil nakikita daw nilang masaya ito sa kabila ng pagkamatay ng kaniyang mag-ina.

Hindi naman pati sila mahirap tanggapin at pakisamahan e. Mababait sila

"Dadi, ano po iyong sinasabi ninyong gagawin naming lima sa hapon," tanong kong muli nang matapos kaming kumain.

Nakita ko ang pagtango ni Dadi kasabay ng pagporma ng ngiti sa kanyang mga labi.

Isa lang ang ibig sabihin noon. Ito na ang pinakahihintay namin.

"YES!" sigaw ni Kurt na ikinatawa naming lahat.

Mukhang exciting ito.

Pagkatapos naming mag-usap at kumain ay sabay sabay kaming nagtungo sa taas upang maghanda.

Mapunta kami ng school ngayong umaga e.

Nagmadali na akong maligo at saka nagbihis upang makarating kami roon ng mas maaga.

Nagtungo na ako sa labas nang matapos na ako sa pag-aayos. Naabutan ko sila sa may sala. Mukhang ako nalang pala ang iniintay e.

"Queen tara na po," pagyayakag ni butler homer maging sa mga kasama ko.

Sumakay na kami sa van at saka tinahak ang daan patungo sa aming eskuwelahan.

Nagsasound-trip sina Scarlet at Zoren. Nagsecellphone naman si Kurt at Zharm. Habang ako ay nakatitig sa bintana.

Sinasaulo ang daang tinatahak namin. Dapat kong makabisado ang daan sapagkat mabili na ako nang aking sariling kotse next week.

Pinagipunan ko iyon kahit kinukumbinsi ako ni Dadi na siya na ang bibili ng lahat ng kakailanganin namin pero sa huli ay hinayaan niya lang din ako.

"Nandito na po tayo," nakangiting sabi ni butler homer.

May isang malaking gate na kung saan nakalagay ang pangalan ng naturing na eskuwelahan.

Red Empire Academy

Ano namang klaseng pangalan ng school yan? Tsk.

Bumaba kami ng sasakyan at namangha sa nakita. Ay bumawi, ang ganda ng lugar yung pangalan lang ang hindi ko gusto. Bakit kasi red? Pwede bang blue nalang? Tsk

Nandito kami para libutin ang lugar. Para kapag ayaw daw namin ieenrol daw kami sa ibang school.

Kaibigan daw kasi ni Dadi ang may ari ng eskuwelahan na ito. Though may share si Dadi, mas malaki pa rin 'yung sa kanila.

=R1=: The Queen's LoveWhere stories live. Discover now