♛Chapter 9♛

37 23 13
                                    

~Why?~

•Crystal POV•

Nagising ako ng may maramdamang isang mabigat na bagay na nakadagan sa akin.

Unti-unti kong minulat ang mata ko.

"What the h*ck!!!" sigaw ko at pinaghahampas si Lucas. Bakit ako nakayakap sa dragon na ito?

"Aray ano ba?! Can you just calm down little brat?!" sigaw rin niya.

"How can I calm down? Pagkagising ko nakayakap ka sa akin!" sigaw ko.

"Ay feeling! You're the one who hug me little brat. Wanna check the cctv?" hamon niya.

Sa pagkakaalam ko mukhang ako nga ang yumakap kaso anong magagawa ko e nakakagulat na pagising ko iyon ang una ko masisilayan kaya ayun nasaktan ko siya pero I won't say sorry hmp.

"Heh! Bahala ka! Labas bili, pagluto mo ako," sabi ko habang pinagtutulakan siya palabas. Siniguro ko munang nakalock ang pinto saka ko nilinis ang pinaghigaan namin.

Nang matapos ako ay nagdiretso ako sa banyo para maglinis ng sarili saka ako nagtungo sa kusina.

"What the h*ll, Lucas!!!!" sigaw ko sa kanya saka napatakip ang mata na ikinatawa naman niya.

T*ngina kasi ibandera ba yung hot na hot niyang katawan. Buti nalang di ako natunaw, nakakahiya.

"Please lang magdamit ka," pakiusap ko sa kanya.

"Why? Is it that intimidating?" tanong niya.

"Lucas!!" sigaw ko sa kanya. Huhu di ko na kaya.

"Okay fine," sabi niya, rinig ko ang pagpunta niya sa kuwarto kaya naman binuksan ko na ang mga mata ko. Hay nakahinga rin ng maluwag.

Maya-maya pa ay bumalik na siya na nakadamit na.

"Ano niluluto mo?" tanong ko sa kanya.

"Just omelette," sabi niya saka inihanda ang pagkain namin sa lamesa.

"You should hurry. We're gonna be late if you don't." napakunot-noo pa ako ng sabihin niya yun not until I realized na second day of school nga pala ngayon.

Sa dami ng nangyari kahapon hindi ko namalayan na second day palang ng school. Hmp akala ko weekends na agad. Masaya yun para hindi ko makita itong dragon na ito.

Nagmadali na kamk kumain at lumigo. Nagpadala na rin siya ng masusuot kong uniform ngayon since wala ako sa bahay. Mamaya talaga isasabay ko na ang Royal'z, nakikidnap ako 'pag wala sila e.

~•~

"Get in my car," utos sa akin ng dragon na kaharap ko.

"Ayaw ko nga! I have my own car you idiot," sabi ko sabay sakay sa loob ng sasakyan ko.

It takes 10 second for me to realize na sira nga pala ang sasakyan ko.

Iritadong lumabas ako sa sasakyan at nakita ko ang dragon na ito na nakasandal sa kotse at nakatingin sa akin na may ngisi sa labi.

"I really hate you!" sigaw ko sa kanya habang lumalapit sa kanya.

"Akala ko ba you have your own car?" tanong niya.

"B*wiset kang lalaki ka. Tara na malelate la tayo e!" sigaw ko. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at ganun din siya.

Buti nalang at maaga kaming nagising kanina sapagkat malayo itong UGO sa school. Inabot kami ng oras sa daan bago marating ang school.

Bumaba na ako ng sasakyan niya nang magpark kami. Kita ko ang mga mata na mga estudyante na tila gulat na nakita kaming magkasabay. Gaano ba ka big deal para sa kanila iyon? I want attention pero ayaw ko na nakukuha ko iyon dahil sa mga gantong issue.

=R1=: The Queen's LoveWhere stories live. Discover now