CHAPTER 1

68K 1.4K 838
                                    

Yen



Seryoso at puno ng concentration akong nakikinig sa instruction ni chef uno mula sa pinanood kong cooking show mula sa aking lumang cellphone. Mag-tatatlong oras na'ko dito sa loob ng culinary kitchen ng unibersidad dahil gusto ko maging perpekto ang resulta ng niluluto ko.


"For the final step, we will be using four eggs, one half cup of milk, one half cup of all-purpose flour, one half tablespoon of baking powder, a little bit of lemon zest, and finally, add it with salt & pepper."


Mabilis kong inalagay isa-isa ang mga sangkap na kailangan sa malaking bowl saka yun hinalu-halo gamit ang wooden spoon.


"Be sure to throughly mix all the ingredients together to create a perfect batter mix." dagdag ni chef uno. "Now in a separate bowl, we will combine our marinated shrimp with onion paste before coating it with our batter mix and put it straight into the frying basket."


Agad kong sinunod ang instructions nito. Kumuha muna ako ng dalawang marinated na hipon bilang sample at saka yun nilagyan ng kaunting onion paste bago sinawsaw sa batter-mix at nilunod sa kumukulong mantika.


"Cook it for about 3 to 4 minutes in the temperature of 356°F until it became golden brown."


Sinet ko ang timer sa eksakto nitong oras saka nag-hintay.


"While waiting for our crispy tempura to cook, let's now make our dipping sauce." ani chef uno. "In a small bowl, add one cup of Mayo, 1 tablespoon of tomato paste, 3 tsp wine vinegar, 2 tsp white granulated sugar, 2 tbsp melted butter, 1/2 tbsp paprika and 1/2 tbsp garlic powder."


Hindi ko na sinunod ang sinabi nito dahil may sarili na akong sauce na ginawa.


After 4 minutes, luto na yung Japanese style tempura na ginaya ko. Kinuha ko ito mula sa frying basket saka inilagay sa plato. I let it cooldown for a while bago sinubo para tikman.


"Hmmm." sambit ko nang matikman ang sarili kong luto, in-fairness ang sarap. Nilagyan ko yun ng sauce at muling kinagat. "Hmmm perfect!" pumalakpak ako sa saya, it taste exactly what i wanted it to be, yes! another achievement unlocked.


Niluto ko na yung ibang natirang marinated na hipon habang may malawak na ngiti. I feel so proud of myself, may bago na naman akong natutunan ngayong araw. Nung isang linggo Lasagna Bolognese ang ginawa ko, kahapon naman ay Spaghetti Alla Carbonara, tapos ngayon naman etong Japanese style crispy tempura, o diba ang galing ko?


Isa akong Hotel and Restaurant Management student na may major sa Culinary Management. Passion ko talagang magluto simula nuong bata pa lang ako, namana ko ito sa nanay at lola ko. Pangarap kong maging isang magaling na chef balang araw at ultimate dream ko ring magkaroon ng sarili kong restaurant. Kaya naman heto, nag se-self practice akong magluto sa iba't-ibang putahi na mostly ay mga Italian at Japanese cuisines. Alam ko na kasi halos lahat kung paano luto-in ang mga pinoy recipes kaya ibang recipes naman ang gusto kong matutunan. I learned it through watching videos on youtube.


Inilagay ko sa tupperwear ang niluluto kong tempura saka naglinis sa buong kusina. Paglabas ko, timing naman ang pagdating ng manliligaw kong engineering student na si Spencer. Naka-ugalian na nitong sundoin ako tuwing patapos na yung practice session ko dito sa kusina ng HRM department.


"Hi Yen." bati niya sakin.


"Hello." nakangiting tugon ko.


"Anong lutong natutunan mo ngayon?" he asked habang kinuha sakin ang bagpack ko at siya na mismo ang bumitbit, how sweet.


A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon