CHAPTER 15

31.2K 1.1K 937
                                    


"Nak, sino pala yung naghatid sayo dito 'nong nakaraang gabi?" eto ang salubong na tanong sakin ni nanay pagpasok ko sa kusina.

"Jowa niya 'yon, tiyang. Nakita ko nga silang naghahalikan sa labas ng gate e." sumbong ni Rivah.

"Talaga? Eh ba't hindi nyo pinapasok dito para makilala namin ng lola nyo?"

"'Nagmamadali na kasi 'yon, nay. May flight pa kasi yung hinahabol papuntang states kaya wala ng oras." sagot ko saka umupo sa tabi ni Rivah.

"Ay sayang naman. Gwapo ba, nak?"

"Syempre naman po. Ako pa? kailan pa ba ako jomowa ng panget?"

"Yung ex boyfriend mo." sagot ni Rivah. "Panget 'yon e."

"Hoy, kung maka-lait ka naman dyan. May hitsura din 'yon noh, ugali lang ang panget 'non."

"Sus automatic na 'yan, aanohin mo ang gwapo kung pangit naman ang ugali?"

Sa bagay may point siya. I take it back, pangit pala ex ko. Eww.

"Sa susunod nak, imbitahin mo dito boyfriend mo para matikman niya yung mga luto namin ng lola mo ha?"

"Sure nay, walang problema. Iimbitahin ko siya dito next time."

"Naku, tiyang. Di yan sila magtatagal. Walang forever e." hirit ni Rivah.

"Pwede ba, Riri, huwag mo akong idamay dyan sa ka-bitteran mo? Kahapon ka pa, panira ka talaga ng araw."

Tumawa lang ito saka lumantak ng kanin.

"O ba't ka kumakain dyan? Akala ko ba ramadan season nyo ngayon? Diba bawal sa inyong mga muslim ang kumakain tuwing ramadan?"

"Yen, hindi porke't may dugong arabo ako at taga marawi ako, e muslim agad. Hindi ko pinapractice ang islam noh."

"Ay ganon? pero diba islam yung mga kapatid mo sa father side saka yung dalawang half brothers mo sa mother side?"

"Sila, oo. Ako, hindi."

"Luh, di ba haraam 'yon? Ikaw lang hindi muslim sa inyo?"

"Hindi naman haraam 'yon kasi hindi naman ako parte ng religion nila, saka kay nanay ako lumaki at christian siya kaya walang problema."

"Ah so ibig sabihin, pwede kang kumain ng pork?"

"Pwede, kaso ayoko. Halos kasi lahat ng mga tao sa Marawi ayaw kumakain ng baboy, kaya kahit hindi ako parte ng islam, hindi na rin ako kumakain. Nakatatak na kasi sa isip ko na malaking kasalanan 'yon. Saka bilang respeto na rin sa mga kapitbahay naming muslim 'don."

Na-curious ako. "Pero marunong kang mag arabic diba?"

"Oo naman syempre."

Binuksan ko ang cellphone ko saka ipinakita sa kanya ang isang video. "May trending na kanta ngayon sa tiktok pero wala akong maintindihan kasi arab song siya. Anong ibig sabihin ng Habibi?"

Ngumisi si Rivah sabay kagat ng saging. "Ibig sabihin 'non My love. Pero pwede din siya my dear, my darling or my beloved. Basta madami, endearment kasi 'yon sa'min."

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon