CHAPTER 17

24.2K 1.1K 1.1K
                                    


Isang linggo na ang nakalipas at talagang pinaninindigan ko lahat ng mga ipinangako ko sa aking sarili. Totally abandoned ulit yung feelings ko kay Vaughn and for the 4th time blocked ko ulit siya sa lahat ng social media sabay change number na din.

Tignan mo naman kung gaano ka sinungaling ang isang yun. Sabi niya try niya daw uuwi last week pero di naman nagkatotoo. That was her only chance to woo me around but she failed. Hindi niya binigyan ng halaga ang mga pinagsasabi ko 'nong huli naming pag-uusap. This only means that she's not really serious about our relationship and it's pissing me off. Kung talagang mahal niya ako at seryoso siya sakin, hindi niya dapat ako ginaganito. God, I can't believe I fall for a jerk like her.

Nandito ulit ako sa Café at wala akong masyadong ginagawa maliban sa pag-aasikaso at pag-seserve ng mga customers. Wala akong pasok sa school kaya buong araw akong nag-duty instead of lying down and waste my time crying over a stupid person named Vaughn Archibald Tuazon.

Nasa kalagitnaan ako sa pag-display ng mga binake kong muffins nang biglang may pumasok na babae. Halos mapanganga pa ako dahil kulang nalang ay maghubad ito dahil sa sobrang revealing ng suot nitong damit. Jusko naman.

Tinignan ko ng maayos ang babae at first impression ko dito ay liberated at malandi. Maganda sana kaso masyadong kinky yung dating na para bang porn star. Kasunod nitong pumasok ang isang pamilyar na mukha. Teka, ito yung police na pinsan ni Vaughn ah. Si Police Lieutenant Colonel, Billie Tuazon Beaumanoir. Matagal-tagal narin simula ng makita ko ito.

"So this is it?" tanong ng babae kay Billie habang naka-cross arms at tinignan ang bawat sulok ng café.

"Yup, this is it."

"I hope their cakes taste good."

"Trust me, Twiny. Mas masarap yung mga cakes nila dito compare 'don sa binilhan mo dati."

The lady shrugged her shoulders before glancing at my direction. Nagtama ang mata namin sa isa't-isa na agad ko namang binigyan ng magalang na ngiti. A huge grin stretched her lips. Lumapit siya sa akin at kumindat.

"Hi." itinukod niya ang mga siko sa counter. "May I take my order?"

"Sure ma'am. Ano po oorderin nyo?"

"It's actually my first time here and I'm not really familiar with the cakes. Pwede bang ikaw nalang mag-suggest?" may kakaibang accent ang boses niya. Marahil taga ibang bansa siya at naligaw lang sa pilipinas.

"I suggest the Bavarian cake, ma'am. It's our best seller." sagot ko.

"I'll take that."

Agad ko yung nilista. "Dine in or take out?"

"Dine in, tapos isubo mo sakin."

"Po?" medyo nagulat ako.

"You heard me right, baby girl. Isubo mo sa akin yung cake. Pretty please?"

Nagsalubong pareho ang kilay ko. Ang landi naman neto. Hindi ako nagkamali sa first impression ko kanina.

"Sorry madam pero hindi po yan kasama sa trabaho ko."

The lady leaned forward revealing her huge cleavage. "Can you at least give an exemption?"

"Ivanka stop it, that's Vaughn's girl." suway ni Billie sa malanding babae.

"I know, pero wala naman si Vaughny dito. I can take her place while she's not around, diba baby girl?"

Di ko magawang makasagot dahil nadidistract ako sa cleavage niya. The horror! Hindi ko talaga gusto ang mga babaeng may malalaking boobs.

"Bavarian cake lang po ba oorderin nyo?" tanong ko nalang.

"Give me all the bestsellers' cakes you have for take-out and one for dine in. Ikaw na bahala."

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon