CHAPTER 20

24.1K 1.1K 1.1K
                                    

Vaughn


"Baby please, come out there." muli kong kinalikot ang door knob at nagbabakasakaling mabuksan ito. "Midget, alam kong nandyan ka. Pumunta ako kanina sa bahay nyo pero wala ka 'don. Mag-usap tayo please? I'm really, really, really sorry."

Bumukas ang pinto ng katabing dorm at lumabas doon ang isang babae. "Uhm ma'am? kanina pa kita naririnig, si Yen po ba hinahanap nyo?"

"Oo, nandito ba siya?"

"Ay wala po siya sa dyan ma'am e. Nakita ko yun kanina sa campus bago ako umuwi dito."

Bumigat yung pakiramdam ko. "Ganon ba? Anong oras ba yun uuwi?"

"Hindi ko po alam kasi di naman kami pareho ng mga subjects."

"S-sige, salamat."

Tumango ang babae saka bumalik nasa loob. Pasalampak akong umupo sa bench at sinubokan ulit tawagan si Yen. Kaso tulad kanina ay panay lang ring ng cellphone niya.

Napabuntong-hininga ako at pagod na sinapo aking noo. I should've seen this coming. Di ko inaasahan na susundan ako dito ni Simoné. I told her to wait for me 'til the day I comeback for our final divorcement hearing, yun ang usapan namin bago ako lumuwas pauwi dito sa pilipinas. Pero mukhang nagbago ang isip nito, she travelled all the way here to visit a friend and it was a wrong timing, now I'm fucked up big time.

Natigilan ako nang makarinig ako ng papaakyat na yabag. I stood up and hoping that it was Yen.
But my mood changed to disappointment after finding out it wasn't her, mas lalong bumigat ang kalooban ko.

I gazed down to check out the time. It was already a quarter past seven pm. Marahil dumeretso na si Midget sa bahay nila at hindi na dito sa dorm. Malungkot akong bumaba at bumalik sa kotse ko. I tried to dial her one last time but again I failed.

Pagod akong bumiyahe pabalik sa main branch ng V's Palace at tumambay sa loob ng aking opisina. I was massaging my forehead when someone aggressively came into the office. Nagulat ako nang makita si Maureen at bakas sa mukha niya ang matinding galit. Tumayo ako at nilapitan siya. I was about to greet her when she suddenly slapped my cheek. Ramdam ko agad ang sakit ng ginawa niya dahilan para mapatitig ako sakanya.

"Maui?" i gave her a questioning look.

"Five years, Vaughn! Five years mo akong ginawang tanga!"

Natuod ako sa kinatatayuan ko at biglang kinabahan. Shit, she knew.

"Maui I-let me explain."

"Anong explanation ang sasabihin mo!? Na noong mga panahong may relasyon tayo at na engaged, kasal ka na pala sa ibang babae ganon!?"

Di ko magawang makasagot, napayuko lang ako at napahiya.

"Now it all makes sense now, na kaya pala ang laki ng pagkukulang mo sakin, yun pala may asawa ka na. Fuck you, Vaughn. Naging honest ako sayo sa loob ng naging tayo. How dare you make me your other woman!?

I gazed up at her, guilty and ashamed. "Maui, the whole marriage thing is not what you think it is. Hindi siya tulad ng--"

She raised her hand, pausing me to explain. "Whatever your excuses, that doesn't change the fact that you fooled me. Alam mo yung past ko, at ikaw ang pinaka-huling taong inisip ko na makakagawa sakin ng kataranduhan yet i'm wrong. Wala ka palang pinag-kaiba sa mga manloloko dyan."

I heaved a sigh. "Maui, sa papel lang kami kasal ni Simoné. It's not romantic. We only did it for a reason."

"Kahit anong rason pa yan, legally committed ka pa rin sakanya, at yung pakikipag relasyon mo sakin noon can lead me to suffer a penalty of destierro. Did you even think of that? Mapapahamak ako sa ginagawa mo!"

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon