CHAPTER 14

27.7K 1.2K 1.2K
                                    


"Ano ba yan ang tanga mo naman." asik ko kay Vaughn habang nasa loob kami ng kusina.

"Sabi mo one fourth baking powder at one tablespoon na flour."

"Anong one tablespoon na flour? Baliktad ka, shungga. Tignan mo nga 'tong ginawa mo, nag over fluff yung cake. Nag-aaksaya ka lang ng ingredients."

Tinignan ni Vaughn ang binake niya. "So this is wrong?"

"Wrong pa sa wrong turn. Umalis ka nga dyan, ako na." mataray kong kinuha sa kanya ang bowl. "Simpleng instructions hindi maka-gets."

Napakamot si Vaughn sa batok niya at umupo sa katabing stool. "Ang sungit naman ng tutor ko."

"Talagang masungit kasi ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung tanga at hindi marunong sumunod sa instructions."

She pouted. Hinapit niya ang baywang ko at niyakap ako ng malambing. "Sorry na, e sa hindi ako sanay sa baking?"

"Halata nga, wala kang pag-asa sa field na 'to."

Vaughn laughed and pinched my cheeks. "Hindi ka pwedeng maging teacher, midget. Masyadong mainitin ang ulo mo."

Masama ko siyang tinignan bago naglagay ng panibagong batter mix. "Tignan mo 'ko ng mabuti para ma gets mo itong tinuturo ko sayo."

Agad din naman siyang pomormal at matiim akong tinignan.

"Huwag ka sa mukha ko tumingin, Vaughn. Dito mo itinuon ang mata mo sa batter mix ko."

Hindi siya nakinig, bagkos itinukod lang niya ang kanyang isang siko sa island counter at saka ako pinagtitigan. Syempre bilang marupok at patay na patay sa kanya, nag-wawala ang puson ko.

"Beh, ano ba. Mag-concentrate ka nga. Kanina pa tayo dito sa kusina pero wala ka namang natutunan kasi panay ka lang tingin sakin. Alam kong maganda ako kaya huwag mo ng ipahalatang in-love ka sakin dahil nakaka-inlove naman talaga ako."

Vaughn laughed again. Amused siyang tumayo at yumakap sa likoran ko. "I really love this comedic side of you baby. Nakakawala ka ng stress."

"Che, ginawa mo pa akong clown."

Hinawakan niya ang kamay ko. "That's enough baking now, 'don tayo sa veranda ng kwarto ko. Let's talk."

Bigla akong kinabahan. Shocks, sa kakabasa ko ng mga stories sa WebNovel at Watty, scam ang salitang 'Let's talk' na yan. Baka ma jonaxx ako ng wala sa oras neto.

"Talk lang ha? Baka i-bahay kubo mo rin ako."

"Bahay kubo?" nagsalubong pareho ang kilay niya.

"Only a jsl like me can understand." i grinned.

"What?"

"Wala sabi ko tara na. Dalhin mo 'tong cookies at creampuffs na binake ko para may makain tayo habang nag-uusap."

Nagtataka man ay tumango naman siya. Kinuha niya ang tray na may lamang cookies at creampuffs saka kami sabay umakyat sa veranda ng kwarto niya. Pumuwesto kami sa swing chair paharap sa madilim pero puno ng bituin na kalangitan.

"O anong chika?" umpisa ko nang pareho na kaming kumportable sa posisyon namin sa pag-upo.

"You open a topic." sagot niya.

"Vaughn, kung ayaw mong ma tito boy kita. Ikaw na mag-bukas ng topic."

"I don't mind, go ahead."

"Okay, sabi mo e. First question, bakit kayo naghiwalay ni miss Maureen?"

Napa-ubo siya. "Seryoso, yan talaga?"

"Syempre curious lang ako kasi hindi biro ang taon ng pinag-samahan nyo e."

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon