EPILOGUE

28.7K 1K 340
                                    



Totoo ang sabi nilang; love is sweeter the second time around. Kalimotan ang kahapon at mag-focus sa kasalukuyan. Walang pasidhang saya ang naramdaman ko sa mga oras na'to. Hindi man maganda ang takbo ng estorya namin ni V, pero natuwa ako dahil sa wakas magkakaroon na rin ito ng masayang pagtatapos.

Sabi nga sa quotes na nabasa ko:

'Sometimes love needs a second chance because it wasn't ready the first time around.

If two people are meant to be together, they will find a way to be back into each other's arms, no matter what.'

Hanggang dito nalang magtatapos ang kabanata ng story namin. Stressing man pero at least may happy ending. Hindi man ito kasing bongga tulad ng iba dyan, pero sana may natutunan kayo at gawin nyo itong inspirasyon.

Hanggang sa muli.

This is Yelicious, signing off.


Masayang ni-review ko ang last chapter ng A Chef's Kiss. Medyo hindi ako confident sa ending kaya di ko muna pinost. Kasalukuyan kaming nasa reception hall ng kasal nila Gail at Maureen. Sa wakas, after many years, natali rin ang dalawa. Kasama ko sa iisang table sila Sue, Maggie at Rivah habang nasa bandang kabila naman yung mga partners namin.

I grab my phone and texted Vaughn. Gusto ko siyang i-complement sa suot niya ngayon. She looks so beautifully handsome on her tuxedo suit to the point na kailangan ko pa siyang bakuran sa dami ng mga mahaharot na nag-tangkang makipag lapit sakanya kanina.

Me:
Hi handsome.
I just want to say that you look gorgeous on your outfit.

I saw Vaughn checking out her phone. Marahil binabasa niya yung text ko.

Daddeh
And you look insanely beautiful on your dress too.
Alam mo bang kanina pa ako kating-kati punitin yan?

I giggled and type reply.

Me:
Behave. Nasa kasal tayo nila Gail at Maui. Umayos ka.

Daddeh
So? Gusto mo unahin pa natin honeymoon nila?
Meet me outside. I want to kiss you bad.

Nilingon ko siya para tignan. Nakita ko siyang tumayo at sinenyasan akong lumabas. Nag-paalam ako saglit kila Sue para sundan siya. Pagdating sa labas, bigla siyang nawala. I looked around because I know she's just hiding, pero napa-ingtad ako sa gulat nang may yumakap sa aking likuran. I smiled automatically because I know it was Vaughn. Nanuot sa ilong ko ang perfume na gamit niya. It sends havoc to my senses.

"Hi." she said, almost whispering. Tumama sa tenga ko ang init ng kanyang hininga.

"Hello," ganti ko sa malambing na boses.

"How about we go home and spend some alone time together hmm?" she kissed my neck.

"Beh, konting respeto. Inuunahan mo pa ang dalawang bagong kasal. Umayos ka nga." mahina ko siyang pinalo sa kamay.

"It's your fault, ba't kasi ang sexy ng suot mo? Aware ka ba kung ilang lalaki ang binantaan ko kanina para lang huwag kang lapitan?"

Kinilig ako sa possessiveness niya. "No need to tell me that kasi alam ko yan."

Pinihit niya ako paharap. She softly combed my hair and pinned the little strands at the back of my ear. "I was watching you lately, ba't parang busy ka sa phone mo? Sino yung ka text mo kanina maliban sakin?" there was a hint of jealousy on her voice.

"I was just reading my final update." natatawag sagot ko.

"Update?" nag-salubong pareho ang kilay niya.

"Yeah, yung story na ginawa ko. Here, take a read." binuksan ko yung WebNovel account ko at ipinakita sakanya ang drafted na final chapter. She read it silently and smiled.

"Eto na yun?"

"Apparently, yes. I will publish it later." sagot ko.

"Hold up, stop right there." bigla siyang ngumisi. "Bakit hindi mo lagyan ng wedding proposal yung ending?"

Sumimangot ako sabay agaw sa phone ko. "In case you forgot, based in real life character ang story na'to. It's you and me. Saka, bakit ko naman isusulat yung proposal dito e hindi naman siya nangyayari sa atin?"

"Are you sure?" mariin niya akong tinignan. She was staring at me with meaning. Bumilis bigla tibok ng puso ko.

"W-what do you mean by t-that?"

Vaughn cleared her throat and held my hand. She opened her mouth and was about to say something when someone disturbed us.

"Ate Yen, hinanap kayo sa loob. Tossing of the bouquet na daw." it was Rivah.

"Sige, papasok na kami." sagot ko dito saka hinila ang kamay ni Vaughn. "Tara na, balik na tayo sa loob."

Tumango siya at saka kami holding hands bumalik sa reception hall. Pagbalik namin, nagkumpolan nasa harapan ng stage ang mga babaeng bisita. Syempre hindi ako nag-pahuli at naki-join din ako sa tossing of the bouquet.

"Are you guys ready?" tanong ng mag-asawang Gail at Maui. Hawak nila pareho ang bouquet.

"Ready!" sabay na sagot namin.

Pumuwesto ang mag-asawa sa maliit na platform at pagkatapos nag-umpisang mag-bilang. "In 3, 2, 1 here you go!"

Nagulat ako dahil biglang nag-si alisan ang mga babaeng nakisali sa tossing of the bouquet, naging dahilan yun para ma-solo kong masalo ang boquet nila Gail at Maui. I was surprised. Inulan ng tukso ang buong paligid.

"Congrats, liit." rinig kong bati nila Sue, Maggie at Rivah. Confused ko silang sinulyapan.

"Uhm thanks?"

"Tingin ka sa likod mo huy." rinig kong sabi ni Gail. Nabaling yung atensyon ko sakanila ni Maui. They were grinning from ear to ear.

"What's going on?" di nako naka-tiis, bakit parang may alam sila na di ko alam?

"Turn around." this time it was Vaughn's voice.

Mabilis akong lumingon sa kinaroroonan niya at nagulat nang makita siyang nakaluhod sa isang tuhod habang bitbit ang isang pulang velvet box na may lamang sing-sing. Natuptop ko bigla ang bibig ko.

"B-beh..." my heart raced, ilang beses kong kinusot-kusot ang mata ko para alamin kung hindi ba ako binibiro ng aking paningin. It was real. The love of my life is kneeling in front of me while holding a beautiful solitaire ring. Oh my god.

Vaughn reached for my hand and kissed the back of my palm. Puno ng pagmamahal niya akong tinignan sabay sabi. "Miss Yvonne Cassidy Chua Albrecht. Will you marry me and be my Mrs. Vaughn Archibald Tuazon?"

Hindi agad ako naka-react, masyado akong na-overwhelmed sa nangyayari. This moment is too good to be true.

"Baby," untag niya. "I said, will you marry me?"

My eyes watered. I broke down with tears of joy. "Yes. Yes, I do."

Agad kinuha ni Vaughn ang sing-sing sa box at isinuot yun sa ring finger ko. Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. "I love you." she kissed my whole face. "I love you. I love you. I love you." then she kissed my lips.

"I love you too, Vaughn." emosyonal na sagot ko. I hugged her tight and buried my face on her chest.

Ito na marahil ang pinaka-magandang nangyayari sa buhay ko. Sa wakas, nahanap ko na rin ang totoong pagtatapos ng kabanata ng storya namin. Life is so good.



•••••• END ••••••

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon