CHAPTER 5

29 13 0
                                    

NLYG|5

Isang linggo na ang nakalipas simula nung huling kasama ko si Sebastian, pero parang kahapon lang yung mga nangyari sa aming dalawa.

"Lil, are you okey?" Kuya asked me.

"I think yes Kuya, wala naman yata akong dapat ipagmukmok unless kinain mo na naman ang stocks kong banana sa kusina," pabiro kong sagot kay Kuya.

It was already twelve in the afternoon when I decided to go in the mall alone. I need to unwind ilan araw din puro trabaho inaatupag ko, I need to feed myself with something I deserve.

Habang naglalakad ako I saw something— no, it's someone.

“Jerk!” mahina pero may halong galit kong saad.

Sinong matutuwa when someone confessed his feelings for you tapos makikita mong may kahalikan sa gilid ng parking lot. Nice spot ginaya nila ang mga nasa movie!

Bakit ba naniwala ako sa mga sabi-sabi niya? Malabong ako lang ang mahal niya— malabo pa sa bula.

While watching them kissing I felt something flowing through my face.

Am I crying? Bakit kailangan kong umiyak? Tanga Ceridwen, walang kayo para iyakan yan!

I run away from them wala akong planong lapitan sila at sampalin si Montemor, we're not even in a relationship so I need to act normal.

Nang marating ko ang kotse ko pabagsak kong pinatong ang ulo ko sa manibela ng kotse ko, doon bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigil bumagsak.

“Did I fall for him?”

Sabi ko I won't fall for him pero eto ako iniiyakan siya. I thought naturuan kona ang puso ko na maging isang bato pero hindi parin pala.

Simula ngayon hindi na ako maniniwala pa kay Sebastian, once a Montemor will always be a Montemor in short nasa pamilya siya ng mga babaero.

A lot of thought's running in my mind what if isa ako sa trip niya at nahulog ako sa mabulaklak niyang mga salita?

That's Bullshit!

Pinaandar kona ang kotse ko at nagtungo sa isang bar, I want to get drunk and no one can stop me.

After thirty minutes narating kona rin ang bar na pag-aari ni Hideos Chivas, he's one of my friend when we're college.

“What's bring you here Attorney?” bungad ni Hideos sa akin.

“Nothing I just want to relax bawal ba?”

Nagpunta na ako sa isang table na pang solo lang ayoko ng may kasama. Hideos gave me a beer hanggang beer lang ako hindi ko alam pero ayoko ng mga pang sosyal na inumin.

“Are you sure ayaw mo ng kausap?”

“Yes I want to be alone Hideos.”

I thought mangungulit pa si Hideos pero hindi na ito kumibo at umalis na sa pwesto ko. Hindi alam ni kuya na nag-iinom ako dahil for sure magagalit 'yon.

Bakit ba kasi nagkakaganito ako? Aware naman ako na that Ace had a lot of flings!

“What are you doing here?” isang lalaki na may malamig na boses ang biglang nagsalita.

I know who is he, kahit hindi na ako lumingon ultimo amoy niya alam kona.

That Jerk!

“Getting drunk, ano pa ba sa tingin mo?” pilosopo kong sagot.

Tanga ba siya o bobo? Ano 'to parang walang ginawang kasalanan?

“Who gave you the permission to drunk?”

Isa pang tanong nito susuntukin ko kinabukasan n‘ya. Nakaka-irita bakit ba nandito ito?

“Ikaw who gave you the permission to hurt me?!”

“What do you mean?”

Kunwari pa na hindi alam pero the fvck! Todo higop sa bibig ng babae.

“Jerk!”

“Ceridwen ano ba ang nangyayari sa ‘yo?”

Seriously hindi niya talaga alam? O nagtatanga-tangahan lang siya?

“Gano'n ba ako para gawin mong isa sa koleksyon mo Sebastian? Pinaniwala mo ako!” dahil sa inis ko at dala na ng alak na nasa katawan ko hindi kona napigilan maiyak at sumigaw sa harapan niya.

All this time akala ko nag-bago na siya, akala ko hindi na siya katulad ng dati kaso mali pala ako.

“Ceridwen, wala akong iba!”

“Ah sige, wala pala baka multo lang ‘yon yung kasipsipan mo ng labi doon sa parking lot! Baka guni-guni ko lang 'yon at baka kamukha mo lang!” takot ako sa commitment dahil takot akong masaktan. I was trying to learn how to love Sebastian pero sa nakikita ko mas okey na cancel subscription ko sa pagmamahal sa kanya.

“Ceridwen let me explain, she's not my girl! masyadong obsessed yung babae sa akin sapilitan niya akong hinalikan papasok na sana ako no'n sa kotse nang bigla siyang dumating---”

“Your explanation can't change everything.”

Walang magbabago, hindi mababago yung katotohanan na niloko niya parin ako. 

“Believe me, nagbago na ako Ceri naman!”

“Nagbago o lalong naging GAGO!?”

Napataas ang boses ko dahil sa inis. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at paalis na sana ako nang bigla akong hilahin ni Sebastian.

“Let me go!”

“Ayoko! Please stay with me---”

“I don't want to stay with someone who lied to me!”

I looked at him with full of anger. Basang basa na ang mukha ko ng luha dahil sa kakaiyak ko sa harapan niya.

Hindi niya alam gaano ako umasa na akala ko seryoso na siya— hindi niya alam paano niya binago yung araw-araw ko dahil sa paniniwala na ‘yon.

Hindi ko alam na purong kasinungalingan lang ang lahat ng iyon.

“Please stop crying, hindi ko kayang nakikita kang umiiyak Ceri, please paniwalaan mo ako,” he begged to me.

“Paano ako maniniwala Sebastian? Paano pa ako maniniwala sa nakita mismo ng mata ko? Hindi panga tayo pero GAGO ginagago mo ako!”

Mas gugustuhin ko pang mahalin ang taong hindi ako mahal, kesa mahalin ang taong pinapaniwala ako sa kasinungalingan niya. The more he lied, the more I fall with his words, sa mababangong salitang binibitawan niya na puro kasinungalingan lang pala.

I never thought that I will become one of his collection. Napakatanga ko! Naturingan akong Attorney pero napaniwala ako sa isang pamemeke.

“Mahal kita, maniwala ka naman sa akin. Yung nakita mo hindi 'yon totoo! She's obsessed at gusto niya akong makuha, but I said I'm already taken by someone,”

Lol! Taken by someone or everyone?

“Shut the fvck up! I don't want to hear any words from you! Manipulator—”

Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila at walang pasabi na hinalikan! Manloloko na nga manyak pa!

*pak*

Isang sampal ang binitawan ko sa pagmumukha niya nang makawala ako sa pagkakahalik niya sa‘kin.

Tingin niya katulad ako ng mga babae niya?

“Pervert!”

Mabilis akong lumabas ng bar at nagpunta sa parking lot to get my car.

Ayoko na siyang makita, I want to stay away from him.

I want to forget him. . .

Good evening Gems! Sorry sa super duper tagal na update! Marami lang gawain sa life I hope may nagbabasa parin ng series ko. Mwahh💕

NEVER LET YOU GO [C-SERIES #2]Where stories live. Discover now