Chapter 16

10 1 0
                                    

🚨expect grammatical and typographical errors ahead this chapter.

NLYG| 16

Aarth's POV
Nasa kwarto ako ngayon ni Ace at binibisita siya, I heard that my sister visited him kaya gusto kong malaman ang nangyari dahil umuwi si Ceridwen ng mugto ang mata.

"She visited you?"

"Yes. Pero tinaboy ko siya,"  walang buhay na sagot ni Ace sa akin.

Alam ko kung bakit nagkakaganito si Ace, pero ang hindi ko lang magets bakit gusto niyang mawala nalang sa buhay niya ang kapatid ko.

"Bro, 'wag ganyan mahal ka ng kapatid ko tska ka pa gaganyan? isipin mo yung anak niyo." I know he can't see me pero humarap parin ako sa kanya. Gusto kong suntukin si Ace ngayon para magising pero alam ko naman na walang magagawa ang pananakit ko. They are all adult alam na nila ang ginagawa nila pero h'wag lang sana madamay ang kambal nilang anak.

"Ano ba ang alam mo Aarth? hindi naman ikaw ang nasa sitwasyon ko, hindi naman ikaw ang nawalan nang kakayahan makakita di ba?" sarkastiko nitong sagot sa akin.

Biglang nagdilim ang paningin ko sa sinabi ni Ace kaya sa tindi ng galit ko nakwelyuhan ko siya.

"Ikaw na nga itong inaalala ikaw pa itong may ganang magalit! una sa lahat Ace ikaw ang nanakit sa kapatid ko, ngayong bumabalik na siya pinagtatabuyan mo pa— pinanganak ka ba na GAGO!?" sigaw ko habang hawak ang kwelyo niya. Hindi kona mapigilan ang sarili ko na saktan siya kaya nasapak ko sa mukha si Ace sakto lang para mapahiga siya sa kama.

"Tingin mo ba gusto ko ito? tingin mo ba kaya kong nakikita siyang naiyak— Aarth nahihirapan din ako!" umiiyak na sagot ni Ace sa akin habang nakangisi at hawak-hawak ang mukha niya na sinapak ko.

Nahihirapan pero mas pinili niyang itaboy ang kapatid ko nababaliw na talaga ang isang 'to. Matalim ko siyang tinitigan habang hawak-hawak ang kwelyo niya. Alam kong hindi niya naman makikita ang itsura ko kung paano ako magalit ngayon, pero gusto kong ipadama ang galit ko sakanya.  Hindi deserve ng kapatid ko ang masaktan ng isang gagong tulad niya.

"Pag-isipan mo lahat ng ginagawa mo Ace, baka sa huli bigla ka nalang magising wala na ang lahat sa'yo." sambit ko bago tuluyan binitawan ang kwelyo niya.

Pabalibag akong lumabas ng kwarto niya dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa isang 'yon. Sana matauhan na siya kasi kung hindi ilalayo ko ang mag-ina niya sa kanya.

Dumiretso ako sa bahay pagkatapos kong puntahan si Ace nadatnan kong nasa balcony si Ceridwen habang nakatingin sa kawalan. Kung siguro nakakapagsalita lang ang hawak niyang unan dahil basang basa na ito sa luha kanina pa siguro 'yon nagreklamo.

"Kuya bakit ganoon?"

"Ang alin lil?"

"Kung kailan mahal mona yung isang tao tska pa may hadlang." umiiyak niyang wika.

"Minsan may mga bagay na hindi natin dapat minamadali, hindi natin dapat pinipilit— kasi malay mo baka bukas sumang-ayon ang tadhana. Alam kong kaya mo, alam kong malalagpasan mo lahat ng ito may tiwala ako sa'yo. Sooner or later matatauhan din yan si Ace." I'm trying my best to comfort her kahit alam kong hindi naman talaga makakatulong lahat ng sinasabi ko. Hinihiling ko nalang na magising na sa katotohanan si Ace na kahit ganoon nangyari sa kanya handa siyang mahalin ng kapatid ko at ng mga anak niya.

"Thank you kuya, thank you sa lahat simula noong buntis ako hanggang sa lumaki na ang kambal. I know tanga ako kuya dahil pinili ko yung lalaking alam kong hindi ako kayang panindigan sorry— pero hindi ako susuko, hindi ko susukuan si Ace, ayokong malungkot ang mga anak ko."

Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ang kapatid ko. Hiling ko lang talaga sana bukas maging maayos na ang lahat.

"Nandito lang ako Lil if you need someone to talk— hindi kita hihindian." I smiled. "Magpahinga kana at ako rin matutulog na goodnight my little sister." ginulo ko ang buhok niya bago umalis sa balcony.

Dati ang problema lang namin ang mga tambak na trabaho to the point na wala na kaming oras magkaroon ng lovelife. Busy ako sa hospital pero isang pasyente lang pala ang magpapabago sa takbo ng buhay ko, ganoon din ang kapatid ko busy sa korte pero isang lalaki nagpabago ng mundo niya. Nakita ko kung paano mag-grow si Ceridwen, kung paano siya tumayo bilang isang magulang sa dalawang anak niya. Alam ko rin na kahit ang isang taong bulag mararamdaman ang pagmamahal niya.

Naalala ko sa kapatid ko kung paano ako ipaglaban ni Amaris, kung paanong hindi niya ako sinukuan.

Life is like a circle, paikot ikot lang sa iisang direksyon at kung hindi tayo sasabay sa pag-ikot nito maiiiwanan ka.

Patulog na sana ako nang biglang mag-ring ang phone ko I saw Amaris calling me.

"Namiss mo naman ako agad—"

[ Namiss ka d'yan I'm just here to ask if ayos lang ba si Ceri?]

"Akala ko pa naman miss mo ako, yes medyo kumalma na siya. Iba rin talaga nagagawa ng love sa tao."

[ Ano ba yan love ang cringe mona ha! ] natatawa niyang asar mula sa kabilang linya.  Cringe man pakinggan lahat ng sinasabi ko ngayon pero wala e ganoon talaga. After magtanong ni Amaris pinatay niya na ang tawag dahil marami pa raw siyang trabaho. Kahit maiksi lang oras naming dalawa sa isa't isa masaya naman ako na siya ang kasama ko.

Yung buhay namin magkapatid parang roller coaster nakaka-challenge. Pero kung susuko kami hindi na magiging masaya, buti nalang at sanay kami sa sitwasyon na alanganin, siguro kaya kami pinanganak para matutunan namin na hindi sa lahat ng oras puro saya ang dulot ng pag-ibig. Dahil ang totoo puno ito ng pagsasakripisyo na kahit happiness mo itataya mo maging maayos lang ang lahat. Love is one of the magical thing in world, kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa alam kong hindi kayang iwanan ni Ace ang pamilya niya. Hindi pa huli ang lahat para sakanila.

_______

Hello my gems it's been a while kamusta kayo? sorry promise ngayon ako babawi, enjoy reading^^

NEVER LET YOU GO [C-SERIES #2]Where stories live. Discover now