CHAPTER 6

28 12 1
                                    

NLYG|6

"Ilan araw ka nang nagkukulong Avrielle, baka gusto mong buksan ang kwarto mo?" it was Dreb, nalaman niya ang nangyari sa akin kaya panay punta niya sa bahay para kulitin akong lumabas. As if mapapalabas niya ako.

"Leave me alone, ayoko ng kausap!" nakakapagod makipag-usap tapos mga sinungaling din naman makakausap ko.

"Please Avrielle, ilan case narin ang nireject mo pati trabaho mo papabayaan mo para sa isang gago?"

Oo tama gago si Sebastian! Gago siya dahil sinaktan niya ako- gago siya dahil sinungaling siya.

Tumulo ang luha ko dahil do'n, sana hinayaan ko nalang sarili ko na walang pakielam sa tulad niyang manloloko edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Paano pa kaya kung kami na?

Patuloy parin ang pagkatok ni Dreb sa pintuan ng kwarto ko dahil hindi ko parin ito pinagbubuksan. No one dares to open my room dahil ultimo spare key ng kwarto ko nasa akin.

I thought he change but I was wrong.

Tumunog ang phone ko pagtingin ko dito isang unknown number ang natawag sa akin, wala sana akong balak sagutin ang tawag kaso may nagtutulak sa akin para sagutin ito.

"Hello, this is Attorney. Viglianco how can I help you?" I said. Bago ko sagutin ang tawag kinalma ko muna ang sarili ko sa kakaiyak.

"Ceridwen..."

Halos mahulog ko ang cellphone ko ng makilala ko sino ang nasa kabilang linya. I'm not expecting call from him at sinadya niya na ibang number gamitin para sagutin ko siya.

Napahikbi ako at hindi makasagot.

"Ceridwen... Please believe me, It's not my intention to hurt you- please forgive me."

Hindi ako sumagot kay Sebastian at walang pasabi itong pinatayan ng tawag. Ayoko muna siyang maka-usap dahil lalo akong nahihirapan, paano kung patawarin ko siya at maging kami, paano kung ulitin niya ang nangyari nakaraan?

Naririnig ko parin ang pagkatok ni Dreb sa pintuan ko kaya pinagbuksan kona ito.

"Avrielle! Sawakas naisipan mong buksan ang kwarto mo!" masayang wika ni Dreb sabay yakap sa akin.

Sa akin lang pinapakita ni Dreb ang ganitong side niya, knowing Attorney. Miller masyadong seryoso at cold. I'm aware na gusto niya ako at aware rin siya na I can't love him back.

"It hurts-"

"I know... I know Avrielle, nandito na ako."

This is the very first time na iiyak ako sa harapan niya and it's because of Sebastian.

"Bakit sa kanya pa- I want to forget him pero paano? Ang hirap Dreb..."

Ang hirap kalimutan yung taong natutunan mo nang mahalin, mahirap kalimutan yung mga bagay na nakasanayan na namin dalawa. Pero mas mahirap tanggapin na lahat ng iyon pawang kasinungalingan lang.

Iyak lang ako nang iyak habang yakap ako ni Dreb, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak.

Nagising ako ng madaling araw, nakita kong nasa gilid ng kama ko si Dreb tahimik na natutulog habang naka-upo. Pumunta ako sa walk in closet ko to get my spare blanket, kinumot ko ito sa kanya. “Kung natuturuan lang ang puso ikaw ang pipiliin ko Dreb, kaso hindi ko kaya.” bulong ko habang nakatitig sa maamong mukha nito.

Bumalik na ako sa pagtulog. Ilan oras pa ang lumipas nag-umaga na naramdaman ko ang init galing sa binta kaya napadilat na ako.

Nanlaki ang mata ko sa nakita kong eksena mula sa gilid ko.

Hawak ni Ace sa kwelyo si Dreb at galit na galit ito.

“Tangina mo! Layuan mo si Ceri!”

“Why would I? After what you did to her,  do you think I will let you to hurt her again?” nakangisi na wika ni Dreb sa mukha ni Ace.

Hindi ko alam paano sila aawatin I can't move my body nahihilo pa ako.

“Wala kang alam gago! Wala kang alam sa nararamdaman ko!” gigil na sigaw ni Ace but I don't care. I want to get Dreb away from him.

“Bakit Ace, may pake ka ba sa nararamdaman ko? Bakit may pake ka ba na nasaktan mo ako? Bitawan mo si Dreb, simula't sapul ang trip mo lang naman saktan ako, paniwalain na mahal mo ako. Pero hindi naman pala totoo.” sumingit ako sa kanilang dalawa kaya napabitaw si Ace kay Dreb, naluluha ako habang nagsasalita sa harapan niya. Totoo naman wala siyang pake kung may masaktan siya, mahalaga napasaya niya sarili niya.

“Ceridwen— please”

“Lumayas ka sa harap ko Sebastian! Ayokong makita ka!”

Tahimik lang sa gilid si Dreb habang nanunood sa pagpapalitan namin ng salita ni Sebastian. Ayokong nang makita si Sebastian kada makikita ko siya pakiramdam ko napakatanga ko at napaikot ako ng isang tulad niya.

“Give me one more chance---”

“We're done, I'm done with you Sebastian.” tinalikuran kona si Sebastian at hindi na ito nilingon pa.

“Umalis kana lang Ace, narinig mo sinabi ni Avrielle 'di ba?”

“Wag kang epal Attorney!”

“Get OUT!” sigaw ko. Nakinig naman ito at umalis na sa kwarto ko.

“Anong plano mo Avrielle?” tanong ni Dreb sa akin habang inaayos niya ang damit niyang nagusot ni Sebastian.

Plano ko? Siguro ang lumayo. Kung nandito ako palagi ko lang makikita ang isang 'yon.

“I'm going to Japan, siguro mag f-file ako ng leave to rest myself,” sagot ko.

“You know the firm needs you---”

“But I can't help now.”

Paano ako hahawak ng kaso kung utak ko hindi maayos? I think kuya will allowed me naman na pumunta ng Japan. Japan is one of my stress reliever since I was young.

Nagpaalam na si Dreb na uuwi na raw siya dahil may tatapusin pa siyang trabaho. Hindi ko alam bakit hinayaan kong bantayan ako ni Dreb magdamag. It's not like, I want him— it's just I need someone to talk tama lang na pinagbuksan ko siya.

Nagpaalam na ako kay Kuya to have my trip to Japan this week at pumayag naman siya sa desisyon ko. Kuya knows what happened sinisisi niya ang sarili niya kung bakit napalapit ako kay Sebastian, but it's not his fault. Mali ko rin dahil hinayaan kong mahulog sa kanya.

“Are you going to be fine?”

“Of course kuya I will,” naka-ngiti kong sagot kay kuya.

“I'm worried---”

“Don't be, nga pala alagaan mo si Amaris sasakalin kita pag pinaiyak mo 'yon,” banta ko. Madalas pa naman mag-away ang dalawang 'yon dahil sa selosan.

“Of course I won't hurt her, sana pagbalik mo maging ayos kana Lil.” kuya  said. He hugged me and kissed my forehead before I leave the house. Dad is not here lagi naman nasa business trip 'yon.

Exactly 10:00pm nakarating na ako sa Japan, dumiretso ako sa isang hotel na pagmamay-ari ng kaibigan ni Dad.

“Room for two weeks miss,”

Buti na lang at english speaking ang tauhan dito kaya no worries na makipag-usap.

“Ma'am all rooms are filled but there's a room available this moment but it's good for two person.” the receptionist said.

Ano pa nga ba gagawin ko? Kinuha kona ang space at nagdiretso na sa kwarto na nakuha ko.

My eye's widened when I saw brief sa pagbukas ko ng kwarto. I-it means— omg! Lalaki ang kasama ko sa room pero sino?

Nangtuluyan akong makapasok sa kwarto halos maihagis ko ang gamit ko sa nakita ko.

“IKAW! ANONG GINAGAWA MO?”

“Having my rest day,” ngiti niya ng nakakaloko.

Bakit sa lahat siya pa!

--------

Good evening gems! Sorry for the late update I hope nagustuhan niyo update ko😘

NEVER LET YOU GO [C-SERIES #2]Where stories live. Discover now