Chapter 14

23 5 0
                                    

NLYG|14

"GET OUT!"

No words can explain how I feel right now, totoo ba ito na tinataboy ako palayo ni Ace? Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nasa harapanan niya para akong sinasaksak nang paulit-ulit sa dibdib. Is this my karma?

"A-ace gusto lang kita kamustahin—"

"SINO KA BA?" galit nitong tanong sa akin. Parang nag echo sa tenga ko ang sinabi niya. Hindi ba niya ako nakikilala? Hindi ba niya ako naalala?

Sinubukan kong lapitan siya pero para akong isang virus na nilalayuan niya. Isang bagay lang ang napansin ko kada lapit ko hindi nagalaw ang mata niya para tumingin sa direksyon ko.

"Lil, what are you doing here? I told you don't go here." Kuya hold my shoulder kakapasok niya palang sa kwarto nang makita niya akong nakatayo sa harap ni Ace at naiyak.

"Kuya b-bakit ganyan siya? Kasalanan ko parin ba lahat ng ito?" Tanong ko at patuloy parin ako sa pag-iyak habang yakap si Kuya.

"No, sadyang masakit para kay Ace na mawalan siya ng paningin."

"What? Nawalan siya ng paningin?"

"Yes lil, masyado malakas impact sa ulo ni Ace naapektohan paningin niya sabi p'wede pa siyang makakita kaso mababa ang chance na maging successful ang operation." Paliwanag ni Kuya sa akin. Inakay niya ako palabas ng kwarto ni Ace at sa labas kinausap. Paano kung hindi lang 'yon ang dahilan ni Ace? Paano kung ayaw niya na talaga akong makita.

"I don't know what to do, hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Ace, kasalanan ko lahat ng ito kuya..." Na-realized ko lahat ng ginawa ko sakanya mula sa pag-layo at pag-taboy sakanya.

"Aksidente ang lahat Lil, don't blame yourself. All of this is just an accident."

"Ceridwen! Kamusta ang kambal anong nangyari?" Napalingon ako kay Rina na kakarating lang sa hospital. Halatang galing pa ito sa date dahil may dalang bulaklak.

"Na-aksidente si Ace at ang kambal, buti nalang minor lang tinamo ng kambal, pero si Ace—"

"Anong nangyari?"

"Siya yung malala ang damage, nawalan siya ng paningin dahil sa malakas na impact sa ulo niya." Malungkot at puno ng sakit kong paliwanag.

Sisihin ko man o hindi ang sarili ko kung hindi dahil sa akin hindi magiging ganito ang buhay namin. Siguro kung hindi lang ako nag-tago at nag-sikreto baka wala kami sa sitwasyon na ito...

Napaupo nalang ako sa upuan habang hawak-hawak ang mukha ko. Hindi kona napigilan na maiyak pa.

"Shhh, wag kang umiyak hindi mo ginusto lahat, aksidente 'yon." pagpapakalma sa akin ni Rina habang hinahagod ang likod ko.

Shit! I ruined everything, his work and his life. Ako ang rason bakit nasira 'yon. Napaka-manhid ko at yung pagiging manhid ko umabot na sa puntong may mawawala na bago ko pa ma-realize lahat-lahat.

In one snap everything has change.

"Uuwi muna ako, Rina ikaw muna ang bahala sa kambal babalik din ako agad." Paalam ko.

Pinunasan ko muna ang luhang kumalat sa mukha ko bago umalis.

"Kuya ikaw muna kay Ace, siguro hindi muna ako magpapakita hanggang sa gumaling siya." Ani ko.

Walang ibang gusto maka-usap si Ace or makasama kaya mas mabuting lumayo muna siguro ako.

Ace Pov

Dahil sa aksidente na 'to wala na akong silbi! Paano ko aalagaan ang mag-ina ko paano ko sila aasikasuhin kung malala pa ako sa paralisado?

Nakarinig ako ng pag-bukas ng pinto kaya agad akong tumalikod at sumigaw.

"GET OUT!" sigaw ko.

"A-ace gusto lang kita kamustahin—" Sino ba ito? Wala akong pakielam sa pag-kumusta niya.

"SINO KA BA?"

Hindi kona narinig na sumagot ito, pero narinig ko ang boses ni Aarth.

"Lil, what are you doing here? I told you don't go here." Dinig kong tanong ni Aarth sa kausap niya.

Tangina! Wala na nga akong paningin hindi ko pa nadama na si Ceridwen 'yon, tinaboy ko siya pero hindi ko sinasadya— hindi ko alam siya 'yon. Napakuyom nalang ako ng palad ko sa inis. Napakawalang kwenta ko, hindi kona sila pinansin hanggang sa marinig ko nalang ang pagsara ng pintuan.

"Tanginang buhay 'to! Gusto ko lang maging masaya kasama ang mag-iina ko pero tangina kamalasan 'to!" galit kong sambit sa sarili ko.

"I told her not to go here again, are you okey Ace?"

"Baka isipin niya galit ako sa kanya at sinisisi ko siya. You know how much I love your sister, please Aarth tulungan mo akong bumalik agad paningin ko." pagmamakaawa ko kay Aarth. Ayokong manatili sa madilim, gusto kong makitang masaya ang pamilya ko. Nangako ako sa sarili ko na  sa pangalawang pagkakataon hindi ko sasaktan si Ceridwen— pero hindi ko natupad dahil nasaktan kona siya ngayon.

"Gagawin natin lahat para sa'yo at sa mag-ina mo. Ace hinihintay ka nila, kapag ayos na ang lahat babalik sa normal ang buhay niyo. I got your back bro."

I need to believe in Aarth's promise. Wala akong ibang matatakbuhan kundi si Aarth lang. Sariling magulang ko nga hindi ako madalaw-dalaw mas lalong hindi nila ako kayang tulungan gumaling. Tinakwil nila ako dahil sa nangyari sa akin simula nang mawala si Ceridwen. Nawala ang trabaho ko at lahat para mahanap lang yung taong mahal ko. Pero napakadaya, kung kaylan nakita kona si Ceridwen at ang kambal na anak namin tsaka pa naging ganito sitwasyon namin.

Nakakapagtaka paano nangyari ang aksidente na 'yon parang planado ang lahat hindi madulas ang kalsada at mas lalong hindi basa ito para mangyari yung aksidente na 'yon.

"Do you have any update regarding sa aksidente?" tanong ko kay Aarth.

"Wala, pero ang sabi ng mga nag-check sa place kung saan kayo na aksidente intended daw ang nangyari kaya aalamin pa namin nila Zekiel at Maxwell lahat. Sila lang ang trusted na inspector na kilala ko. Alam mo naman I don't trust to someone, pero kung sakanila mataas tiwala ko sa dalawang 'yan." Paliwanag ni Aarth.

Hindi ko hahayaan na malaya ang demonyong may gawa nito sa akin. Hahanapin ko ang dahilan bakit muntikan na mawala ang dalawang anak ko at rason kung bakit hindi ako makakita ngayon.

Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan bakit ginawan ako ng ganito pero isa lang ang alam ko, duwag siya na harapin ako.

_______

Good afternoon my Gems short update muna tayo ngayon! Rest assure next update hindi ko kayo bibitinin mwahhh😘

Don't forget to comment and vote this chapter 😘

NEVER LET YOU GO [C-SERIES #2]Where stories live. Discover now