Chapter 18

17 0 0
                                    

NLYG|18

Arki's Pov

Nasa opisina ako at nagkakalkal ng files nang biglang dumating si Aice  para itong balisa na ewan, baka may pinagtripan na naman na isang prosecutor tsk.

"Bakit ganyan itsura mo?" nagtataka kong tanong dito. Naupo muna ito at nagpunas ng pawis bago ako sagutin.

"Yung isang Attorney sa kabilang firm ano kasi—"

"Anong ano? oo maiintindihan ko siguro yan sa kaka-ano mo!" parang siraulo din itong si Aice, puro ano lang ang sinasabi. Umayos ako ng upo at sisimulan na sana ang ginagawa ko nang bigla ulit magsalita si Aice.

"Nag-confess siya sa akin—" pag-amin ni Aice habang nayuko ang ulo niya. Parang nag freeze ang paligid ko, hindi ako makagalaw ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.  Nakakatawang isipin akala ko walang magkaka-interest sa katulad niyang brutal at lalaking gumalaw kaya naman komportable akong hindi siya sa iba mapupunta kahit hindi ako umamin...

"Wala ka bang sasabihin Arki?" tanong ni Aice sa akin.

Huminga ako ng malalim kaylangan kong kumalma hindi niya p'wedeng mahalata na apektado ako.

"Congrats." maiksi kong sagot.

Nagulat ako ng tumayo ito at humarap sa akin, napatingin ako sa mga mata niyang nagbabadya nang bumagsak ang mga luha.

"Salamat ah... ano pa nga ba aasahan ko?" wika ni Aice at patakbong lumabas sa opisina ko.

Hindi madaling magtago ng nararamdaman, mas lalong hindi madaling pigilan ang sariling mahalin ang isang taong hindi p'wede sa'yo.

For some reason, we can't be together. Alam kong she like me a lot at katulad niya gusto ko rin siya, pero may mga bagay na hindi niya alam na ako lang ang nakakaalam kaya hindi kami p'wede.

____
Aice's POV

I thought magagalit siya... I thought sasabihin niyang sakanya lang ako pero hindi— mukhang masaya pa siya.

"What's wrong Aice?" tanong ni Ceridwen na kakapasok lang, nagmamadali akong pinunasan ang luha sa mata ko at nagpanggap na napuwing lang.

"May lamok kasi, feeling alikabok pumasok sa mata ko." sagot ko. Tama dito naman ako magaling yung magkunwari kaya ayos lang.

"Akala ko kasama mo si Arki, may itatanong lang sana ako."

"Bakit mo naman naisip na kasama ko yung manhid na 'yon, syempre hindi ko kasama 'yon, sino ba naman ako para sumama doon at sino ba naman ako para samahan ng taong yon!"

Ano ba 'tong sinasabi ko, nawawalan ako ng kontrol sa sarili. Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil sa mga pinagsasasabi ko, kita ko ang ngisi sa labi ni Ceridwen.

"Lq?" maiksing tanong niya.

"Hindi ah, lover ba kami? wala nga kaming label!" sa dalawang taon na pagkawala ni Ceridwen wala itong pinagbago ganoon parin itong mag-isip, walang duda bakit kilala siya bilang magaling na Attorney.

Hindi na ako kinulit pa ni Ceridwen at nagpaalam na ito bago umalis dahil aasikasuhin niya raw si Ace.

Mabuti pa silang dalawa kahit papaano may nangyayari na kahit mala tragedy alam ko naman na babalik sa dati si Ace, dahil mahal niya si Ceridwen.

Pero kami ni Arki mukhang malabo pa sa bula na maging kami. Para akong isang sakit na hindi karapatdapat na gustuhin.

Nagkunwari lang naman ako na may umamin sa akin, nagkunwari lang ako parang yung nararamdaman ko para sakanya— kunwari wala lang. Pero ang hirap pigilan kahit anong gawin ko parang wala siyang nakikita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NEVER LET YOU GO [C-SERIES #2]Where stories live. Discover now