Chapter 15

18 3 1
                                    


NLYG|15 Is this my Karma?

Ceridwen's Pov

Tulala ako sa kakaisip kung paano matutulungan si Ace, pakiramdam ko lahat ng nangyayari kasalanan ko dahil sa totoo lang ako ang nagpalala sa sitwasyon na ito.
Hindi ako naniwala sa kakayahan niya na maging lalaki at isang ama sa mga anak namin.

" Ayos ka lang ba? " tanong ni Dreb sa akin. nasa isang coffee shop kami ngayon hindi ko malaman bakit biglang gustong makipag usap ni Miller sa akin.

" Paano mo nalaman? " tanong ko dahil alam kona ang pinupunto niya sa tanong sa akin na ayos lang ba ako.

" Not fine, halata naman di ba? kung kaylan handa na ako at gusto ko nang aminin n mahal ko parin siya bigla naman nangyari ang aksidente na ito. Mas okey pa nga siguro kung ako nalang yung nasa sitwasyon ni Ace, hindi niya deserve 'to."  Napahawak nalang ako sa mukha ko para takpan ito dahil ayokong makita ni Dreb ang pag-bagsak ng mga luha ko.

Pumunta ako kay Ace, pumunta ako para kamustahin siya pero itinaboy niya ako papalayo sa kanya. Paano pa ako aamin sa taong ayaw na akong makita, ayaw na akong makasama?  Pakalunod kana lang Ceridwen.

Hindi na ako nag-tagal sa coffee shop at bumalik na sa hospital para i-check ang  kambal. Madilim na at halos wala ng tao sa kalsada pero para akong siraulo na naglalakad mag-isa dito kahit natatakot na ako. Buti nalang at hindi kalayuan ang hospital kaya nakarating din ako agad dito.
Nadatnan kong natutulog na ang kambal kaya hindi kona ito inabala at hinalikan nalang sa noo bago pumunta sa kabilang kwarto kung saan nandoon si Ace. Kita kong payapa itong natutulog at balot ng kumot, dahan-dahan kong nilapitan ang natutulog na si Ace. Sa ganitong sitwasyon ko lang siya malalapitan dahil kung gising ito sigurado akong itataboy niya ako.

" Mukha ka naman palang anghel kapag tulog," biro ko dito habang hinahawi ang mga hibla ng buhok niyang humaharang sa mukha niya. Pero totoong mukha siyang anghel namana yata ng kambal ang itsura niyang ganito pati labi niya kissable.

Dahil sa pagdampi ng daliri ko sa labi niya napa-unat ito kaya naman nagmamadali akong mag-tago sa gilid ng kama niya, hindi niya p'wedeng malaman na nandito ako dahil ayaw niya rin na maramdaman presensya ko.

Napakasakit lang kung kaylan ayos na, tanggap kona tska naman naging ganito. Hindi ko masisisi si Ace if he's blaming me about what happened.

Kung hindi lang sana ako naging makasarili edi sana masaya kaming apat, masaya kami bilang isang pamilya.

"Kasalanan ko lahat, kasalanan ko kung bakit ganito...” pabulong kong sambit habang nagtatago sa gilid. Hindi ko mapigilan na maiyak kaya dahan-dahan akong humakbang palabas sa kwarto niya.

I can endure everything naniniwala ako na kapag natapos lahat ng ito magiging masaya kami ulit.

Palabas na ako sa hospital ng may mabangga akong nilalang na hindi marunong tumingin sa daanan.

" Ang lawak ng hallway ha. Kung mag e-emote ka Viglianco 'wag habang naglalakad nakakabangga ka."

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsalita. Si Kraze lang pala kapatid ni Stella.

Hindi kona kayang pigilan ang luha ko kaya naman umiyak na ako ng tuluyan habang nakahawak sa polo niya na parang bata. Weren't close pero sa mga oras na ito wala akong ibang pwedeng lapitan para iyakan.

"Bakit gano'n? kung kaylan ayos na at narealize kona lahat ngayon pa nagkaganito." kung p'wede lang bumalik sa nakaraan, yung nakaraan na masaya yung nakaraan na hindi ako naging makasarili edi  sana hindi kami aabot sa ganito.

"Realization is always in the end. Pero hindi pa huli ang lahat para ayusin Viglianco, hindi man tayo close pero bilang kaibigan ni Ate, never lose hope alam kong babalik sa'yo si Ace at magiging ayos ang lahat." Ani nito.

Sana ganoon nga, sana ganoon kadali na mabalik lahat sa normal.

"What are you doing here?" tanong ko kay Kraze habang nagpupunas ng luha ko.

"Visiting my friend." maiksing sagot nito sa akin.  Sino naman kayang kaibigan niya ang nandito at bakit dis oras ng gabi pa siya pupunta tulog na ang mga tao.

"Friend or someone? As far as I remember you have girlfriend and it's Mardeliene ex ni  kuya tama ba ako?" diretsong tanong ko dito.

"Hmm yes, but I'm here to visit Eulalie na admit siya dito and I can't resist na hindi siya bisitahin katulad mo ayokong malaman niya na nandito ako." nakatungo nitong paliwanag sa akin.

What is the meaning of this? in love parin ba siya kay Eulalie or worried lang? minsan talaga hirap basahin ng mga tao, bukod sa hindi naman sila libro, di rin naman ako fortune teller na kaya mag-basa.

Pero ano kaya nangyari kay Eulalie? I hope she's fine. Iniisip ko parin si Ace, magiging ayos pa ba kami?

Naglalakad ako papuntang bus station dahil hindi ko dala ang kotse ko nang bigla kong maalala lahat ng nangyari sa akin, sa amin. Wala sa sariling bumagsak nalang ang mga luha ko habang naglalakad, yung nararamdaman kong bigat ngayon ko lang nailabas sakto rin dahil walang tao sa paligid at madilim walang makakakita sa akin.

"Karma ko ba ito?" tanong ko sa sarili ko. Napatanong nalang din ako kung karma ko ito sa pagtatago ng totoo kung karma ko nga ito sana ako nalang wag na yung mga taong mahal ko.

"Stop crying."

Napaangat ako ng tingi  sa lalaking nag-abot sa akin ng panyo.

"Dreb..."

Bakit nandito siya? alam ko kasama niya si Dendiece.

"Why are you here? lumayo kana sa akin baka anong isipin ng girlfriend mo." I push him away.

"I don't care, as long na maging okey ka lang wala akong pakielam."

"Please don't make a fire between me and Dendiece, I'm tired. " pagod na ako sa lahat tapos ganito pa? akala ko okey na akala ko wala ng dadagdag pa sa problema ko.

I know he likes me— pero the f*ck matagal na ‘yon.

"You don't deserve him at hindi ka niya deserve wake up Avrielle!"

"Then sino deserve ko ikaw? kung si Dendiece nga kaya mong paniwalain sa peke mong pagmamahal paano pa ako?!" I don't get why people become greedy.

Naglakad na ako palayo kay Dreb sakto naman na may bus na dumating kaya agad na akong sumakay doon. I'm tired and lost gusto kong magpahinga ng maayos.

_____

Hello my gems sorry for the long wait I hope you'll understand I have a lot of personal problems. Thank you for reading and supporting my story!

NEVER LET YOU GO [C-SERIES #2]Where stories live. Discover now