Prologue

221 21 3
                                    

Prologue

"Kiera! Kiera! Kiera! KIERAAAAA!!!!"

Agad napatayo si Kiera pagkatapos siya tawagin ng kaniyang kaibigan. Nagtataka niya naman tiningnan ang kaniyang kaibigan.

"Bakit?"-tanong niya dito.

Hindi naman makapaniwala na tiningnan siya ng kaniyang kaibigan.

"Anong bakit? Hindi mo ba alam na kanina pa kita tinatawag, tapos tatanungin mo ako ng bakit? Sabihin mo nga sa akin, may problema ka ba Kiera?"-tanong ng kaibigan ni Kiera sa kaniya.

"Wala, may iniisip lang ako. Nga pala Frey hindi ako sayo makakasabay mamaya pag-uwi, may pupuntahan pa kasi ako."-sabi ni Kiera sa kaibigan

Siya si Kiera Garcia, 17 taon na gulang at siya ay grade 11 student, na nag-aaral sa **** University bilang scholar. Si Kiera ay lumaking walang magulang, ngunit masaya naman siya kahit paano dahil andyan naman ang kaibigan niya.

"Kiera! KIERA ANO BA? Lutang ka na naman eh. Ayos ka lang ba talaga?"-naiinis na pagtawag ni Frey sa kaniyang kaibigan.

"A-hh. Oo, ayos lang ako Freya wag mo nalang ako pansinin. Hehe!"-nahihiyang sabi ni Kiera sa kaibigan nito.

Sa totoo niyan marami talagang iniisip at nararamdaman si Kiera, ngunit ayaw niya lang ito sabihin sa kaniyang kaibigan dahil ayaw niya na madamay ito sa kaniyang mga problema.

*Ting* *ting* *ting*

"Frey halika na baka mahuli pa tayo sa last subject natin."-aya ni Kiera sa kaniyang kaibigan na agad din naman tumayo at sabay na naglakad patungo sa klase nila.

****

Lumipas ang isang oras

"Pano yan Kiera? Mauuna na kami sayo, basta chat ka sa akin pag nakauwi ka na. Maliwanag? Tiyaka, mag-iingat ka, alam mo namang madaming adik sa dadaanan mo pauwi."-nag-aalalang sabi ni Frey kay Kiera.

Nginitian naman ni Kiera ang kaniyang kaibigan, pagkatapos ay pinaalis niya na kasama ang boyfriend nito na si Andrew.

Ng makalayo na ang kaniyang kaibigan ay nagsimula na din siyang maglakad salungat sa dinaanan ng kaniyang kaibigan.

Tahimik na tinahak ni Kiera ang daan patungo sa likod ng paaralan nila kung saan nakikita ang kagubatan na pinagbabawal sa mga studyante na magtungo dito.

Hindi naman nagtagal at narating naman ni Kiera ang likod ng paaralan nila, at dito nakita niya ang isang harang na may nakalagay na 'restricted area'.

Walang takot na inakyat ni Kiera ang pader na naghaharang at agad na tumalon pababa. Nang may marinig siyang boses papalapit sa lugar na kaniyang kinalalagyan.

Mabilis na tumakbo si Kiera patungo sa loob ng gubat, rinig na rinig ang ingay ng mga tuyong dahon sa tuwing naaapakan ang mga ito ni Kiera.

Napansin niyang malayo na siya sa kanilang paaralan ay napasandal na lang si Kiera sa puno dahil sa pagod sa ginawa niyang pag takbo.

Hanggang sa tuluyan mawala ang pagod ni Kiera ay pinagpatuloy niyang muli ang pagtahak ng direksyon na kaniyang tinutungo, ngunit hindi na niya sinubukan tumakbo kundi linakad niya na lamang ito.

Iba't-ibang huni ng hayop ang naririnig ni Kiera. Wala naman siyang pakialam dito at diretsyong tinungo na lamang ang daan na kaniyang gustong puntahan.

Hindi naman nagtagal ay dun nakita ni Kiera ang isang bangin. Naglakad siya palapit sa dulo nito at ng marating niya ito ay walang takot naman niyang tiningnan ang ibaba ng  bangin. At dito nakita niya ang ilog.

Tama, ang dahilan ng hindi pagsunod niya sa patakaran ng kanilang paaralan na bawal pumunta dito sa gubat ay gusto niyang puntahan ang bangin.

Siguro naman ay may ideya na kayo kung ano ang balak na gawin ni Kiera. Balak nitong tumalon sa bangin na talaga namang ikakamatay niya pag tinuloy ni Kiera ang kaniyang binabalak.

"Ayaw ko man gawin ito ngunit ito nalang ang tanging paraan para makatakas sa lahat ng problema ko."

Nagsimulang humakbang si Kiera patungo sa bangin ng bigla na lamang lumitaw sa kaniyang isipan ang nakangiting mukha ni Frey.

Nagsimulang tumulo ang luha ni Kiera ng hindi niya namamalayan. Ayaw niya man aminin, ngunit alam niya sa kaniyang sarili na nagiging makasarili siya sa kaniyang kaibigan dahil sa kaniyang gagawin.

"F-frey... Sensya  ka na ha... Pero mukhang hindi ko na matutupad ang pangako ko sayo na sabay tayong ga-graduate. Sorry kung hindi ko sayo nasabi na pagod na ako, ayaw ko lang kasi na mag-alala ka sakin. Kaya sana pagkatapos kung gawin ito ay mapatawad mo ako."

-----

"Frey okay kalang? Bakit parang hindi ka mapakali?"-nag-aalalang tanong ni Andrew kay Frey.

Napatingin naman sa kanilang mag jowa ang dalawa nilang kasama sa paglalakad pauwi. Ang dalawang ito ay kaklase din nila ni Kiera na kaibigan naman ng kaniyang jowa.

"Oo nga Frey kanina ka pa namin nakikitang balisa. Tiyaka saan ba kasi pupunta si Kiera at hindi satin siya sumabay ngayon?"-tanong ng kanilang kaibigan na si Richard

Agad na nagtayuan ang balahibo ni Frey ng marinig niya ang pangalan ni Kiera na nagpahinto sa kaniya, napansin naman ito ng kaniyang mga kasama.

"S-si Kiera...."

Narinig naman ng mga kasama ni Frey ang pagbigkas nito sa pangalan ng kanilang kaibigan. Mabilis na tumakbo si Frey pabalik sa kanilang paaralan dahil hindi paman sila masyadong nakakalayo dito.

Nagtinginan na lamang sila Andrew at ang kaibigan nito dahil sa weirdong kilos ng kaniyang kasintahan. Wala naman silang magawa ngunit sumunod na lamang sila dito.

"Kris nakita mo ba si Kiera?"-tanong ni Frey sa kaniyang kaklase na nakita nito pagkatapos makabalik sa University.

"Soon, nakita ko siyang naglalakad patungo sa direksyon nayun."-turo naman ni Kris sa direksyon na tinahak ni Kiera.

"T-teka Frey ano ba nangyayari sayo? Bat bigla ka na lang tumakbo."-hinihingal na sabi ng isa pa nilang kaibigan na si Troy pagkatapos maabutan nila si Frey.

"Hindi ko a-alam pero feeling ko may hindi sinasabi sa akin si K-kiera."-naiiyak na sabi ni Frey.

"Wag ka ng umiyak susundan nalang natin si Kiera para hindi ka na mag-alala."-pag papatahan ni Andrew sa kaniyang kasintahan.

Mabilis na sinundan ng lima kasama si Kris ang daan na tinungo ni Kiera. Hanggang sa marating nila ang ang likod ng paaralan kung saan makikita ang gubat, nakita naman nila doon si Kiera na kakatalon lang sa pader, kaya mas lalong nakaramdam ng kaba si Frey, ngunit kahit ang mga kasama niya ay nakaramdam nadin ng kaba.

Dali-dali naman ng mga ito na inakyat ang pader, ngunit natagalan sila dahil nahirapan umakyat si Frey.

Kanina pa nila hinahanap si Kiera ngunit hindi nila mahanap kung nasaan ito. Sa tingin nila naliligaw na sila, ngunit wala silang pakialam ang gusto lang nila ang mahanap si Kiera.

Napagdesisyonan naman ng mga ito na maghiwa-hiwalay na sinang ayunan Naman ng bawat isa.

Habang naghahanap si Freya ay nakita niya ang lugar na kinaroroonan ni Kiera.

"Kieraa."-pagtawag niya dito.

Liningon naman siya nito at nginitian pagkatapos ay nakita niyang hinayaan ni Kiera na mahulog ang katawan.

"KIERAAAAAAAAAAA!!!!!!"

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon