Kabanata III

86 18 1
                                    

Kabanata III

Nagsimulang maglakad si Kiera at Lily papunta sa pwesto kung saan nila nakikita ang babae na nag-aasikaso sa mga gustong sumali sa guild.

Ngunit hindi paman sila nakakarating doon ng bigla na lamang silang harangan ng tatlong lalaki na may malalaking katawan.

"Mga munting binibini mukhang naliligaw yata kayo? Hindi niyo ba alam na bawal maglaro ang mga bata dito? Gusto niyo bang sumama samin maglalaro tayo na tiyak na ikakatuwa niyong dalawa."-sabi ng isang lalaki na nasa gitna ng kasamahan nito.

Kunot noo na pinagmasdan ni Kiera ang lalaki na nagsalita habang tumago naman sa kaniyang likod si Lily.

Ang ayaw niya sa lahat ay ang napagkakamalan siyang bata. Alam niya sa sarili niya na hindi siya biniyayaan ng tangkad at madalas noon paman sa dati niyang buhay ay napagkakamalan na siyang bata dahil sa kaniyang tangkad na kahit na nasa 17 na siya ay mapagkakamalan mo siyang bata.

Hindi rin nakatakas sa paningin ni Kiera pag labi nito na mas lalo niyang ikinainis.

"BASTOSS!!"

*PAK* *BOGSSHH*

Natahimik ang lahat ng nasa lugar nayon matapos tumalsik ang lalaki ng binigyan ito ng sampal ni Kiera.

"B-boss.... ayos ka lang ba?"-tanong ng isang lalaki na kasamahan nito pagkatapos lapitan ang lalaking tumalsik.

Inalalayan ng dalawang kasamahan nito ang tumatayong lider sa kanilang grupo. Mapapansin ang pamumula ng pisngi ng lalaki kung saan ito nasampal ni Kiera.

Marahas na tinulak ng lider ang dalawang lalaki na umalalay dito sa kaniyang pagtayo habang masama itong nakatingin sa kaniya.

"Ikaw!! Anong karapatan mong gawin iyon sa akin. Magbabayad ka!"-galit na sigaw nito sa kaniya pagkatapos tumakbo patungo sa kaniya.

"Lily, tumabi ka muna. Bibigyan ko muna ng leksyon ang isang 'to."

Walang pag dadalawang isip na sumunod si Lily kay Kiera dahil sa seryuso nitong boses.

'Status'

Status

Name: Bogart
Level: 35
Sex: Male
Age:30
Race: Human

Seryusong pinagmasdan ni Kiera ang status ng lalaki na kasalukuyang pasugod sa kaniya. Malaki ang agwat ng level nila sa isa't-isa, ngunit hindi iyon problema sa kaniya dahil alam niyang mas malakas siya dito at napatunayan niya ito ng ilang beses nitong mga nakaraang araw.

Dahil nga wala siyang pera ng dumating siya sa mundong ito ay nagtanong siya kay Lily kung paano siya magkakaroon ng pera.

Sabi nito sa kaniya ay kung gusto daw ni Kiera magka pera ay kailangan niya sumali sa 'Adventurer Guild'. Doon ay pipili siya ng isang misyon na linalagay sa quest board.

Ang misyon na nakalagay ay galing sa mga mamamayan din ng mundo sa Zaraiah. At doon ay isusulat nila sa isang papel pagkatapos ay ibibigay ng mga ito sa adventurer guild kasabay ng bayad ng mga ito.

Ang mga quest na ipinapaskil sa quest board ay may kaniya-kaniya ding class, ang pinakamababa at ang kasalukuyang pinakamadaling misyon ay kadalasan nasa Class-F.

Ang misyon na karaniwang nabibilang sa class F ay tungkol lamang sa bagay na hindi kanyang gawin ng normal na mamamayan ng Zaraiah.

Katulad ng pagpatay sa mga mahihinang halimaw na kadalasan walang ginawa kundi manira ng mga ari-arian ng mga normal na mamamayan.

Kahit na mahihina ang mga halimaw na ito, ngunit para sa mga normal na mamamayan ay mas malakas parin ito.

Pwera sa pagiging adventurer ay may isa pang paraan para magkaroon ng pera ng hindi na kailangan sumali sa adventurer guild, maliban sa pagiging mercenary ay pwede din sila pumatay ng mga halimaw at ipagbenta ito sa mga mercenaries at yun nga ang pinagkakakitaan ni Kiera nitong mga nakalipas na araw na ipinagbebenta niya sa mercenary na si Kiko.

Ngunit mas gusto ni Kiera ang sumali at maging adventurer, dahil sa oras na mapasali ka sa guild na ito ay malaya kang makakalabas at pasok sa iba't-ibang bayan ng walang binabayaran para sa intrance fee.

Nagpakawala ng isang suntok si Bogart, ngunit sinalo naman ito ni Kiera at binalibag sa sahig. Isa din sa dahilan niya kung bakit kampante siya sa kaniyang kakayahan na labanan ang bruskong lalaki at yun ay dahil marami siyang alam pagdating sa martial arts.

Bata pa lamang siya ay nahilig na siya manuod ng movie na kadalasan ay tungkol sa martial arts, dahil para sa kaniya ay napaka Àstig nito.

Dahil sa pagkahilig ay sumali siya taekwondo sa kanilang paaralan at hindi naman nagtagal ay naging ganap siya na black belter dahil sa husay at talento na meron si Kiera.

Nagkaroon ng crack ang sahig na tinamaan ng lalaki dahil sa lakas ng pagkakabalibag ni Kiera dito at napasuka pa ng dugo.

Naramdaman ni Kiera ang pagsugod ng dalawang kasama nito patungo sa kaniya. Ngunit gaya ng lider nila ay walang hirap din ang mga ito na pinatumba ni Kiera at pagkatapos ay nawalan ng malay.

Liningon ni Kiera ang pwesto ng lider ng mga ito na ngayon ay nahihirapang tumayo ngunit kapansin-pansin ang nakakatakot na pulang awra ang lumalabas  dito, pinunasan nito ang dugo na tumutulo sa noo.

'Isang berseker'

Kung kanina ay kaseryusohan lang ang makikita sa mukha ni Kiera, ngunit kabaliktaran naman ngayon ang nakikita ng mga nanonood sa mukha ng dalaga.

Tila sabik na sabik ito at parang bata na binigyan ng isang laruan ng magulang dahil sa mga ngiti nito na parang sinasabing napakaswerte niya.

Hindi alam ni Kiera kung ano ang nararamdaman niya ngunit hindi niya maiwasan ang manabik dahil aktwal na nararanasan niya ngayon ang kadalasan na nakikita niya lamang sa mga palabas. Nakita niyang kinuha ni Bogart ang malaking espada nito na nakasabit sa likuran.

At kapansin-pansin din ang pulang enerhiya nito na pumapalibot sa buong katawan at sa malaking espada nito.

Iwawasiwas na sana nito ang espada ng bigla na lamang may lumitaw na isang lalaki na kasing edad lang nito sa likuran ni Bogart at walang hirap na pinatulog.

Unti-unti nawawala ang awra nito habang agad naman itong natumba sa sahig nang nakadapa at walang malay.

Gulat ang lahat ng mga kasali sa guild doon pagkatapos makilala ang lalaki na naging dahilan sa pagkatumba ng lalaki.

"Kevin"

Rinig na bulong ni Kiera sa mga nakakakilala sa lalaki.

************************************
A: Ngayon lang naka pag ud nawalan kasi ng connection yung PLDT dito sa amin.

Btw, mag va-valentine's na baka may gustong humabol. Free ako;) HAHAHAHA Charizzz lang <3

Enjoy!!!

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon