Kabanata IX

101 20 13
                                    

Kabanata IX

Nagising si Kiera mula sa kaniyang pagkakatulog ng makarinig ng sigawan sa labas. Kaya tumayo siya at pumunta sa bintana para tingnan ang nangyayari.

Nakita niya ang isang grupo ng mga kalalakihan na tumatakbo sa iisang direksyon habang may kaniya-kaniyang armas ito na mga dala.

Dahil sa pagtataka ni Kiera ay naisipan niyang magtanong sa kaniyang kasama.

Kaya linapitan niya ito at ginising mula sa mahimbing nitong pagkakatulog. Medyo nahirapan pa siya sa paggising sa demi-human dahil sarap na sarap ito sa pagkakatulog.

“Master... Haayyy... Master bakit? May problema po ba?”

“Pasensya siya na Ash kung nagambala ko ang iyong tulog. Ngunit tumingin ka sa labas ng bintana”

Nagtataka man si Ash ay sinunod niya parin ang kaniyang master. Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo habang kinukusot ang kaniyang mata.

Ngunit napansin nalang ni Kiera ng biglang natuod nalang ito sa pagkakatayo.

“Hindi maaari....”

Rinig ni Kiera sa bulong ni Ash kaya kumunot ang kaniyang noo.

“Bakit Ash? May problema ba?”

Hindi naman ni Ash pinansin ang tanong ni Kiera at dire-diretso lang itong pumunta sa bintana para tingnan ang nangyayari sa labas.

“Master? Anong araw ngayon?”

Nagtataka man sa tanong ng kasama ay sinagot niya naman ito ng totoo.

“Araw ng Martes. Ano ba talaga ang nangyayari? Sabihin mo nga sa akin ngayon.”

May halong inis sa tono ni Kiera. Kanina pa siya walang ideya sa nangyayari sa labas at idagdag mo na rin ang kakaibang kilos ng kaniyang kasama.

Para bang may alam ito sa nangyayari dahil parang natatakot ito. Walang nakuha si Kiera na sagot dito.

Linapitan niya ito pagkatapos ay sapilitan niya itong iniharap sa kaniya. At napansin niya naman na parang natulala ito at may malalim na iniisip.

“Uy! Uy! Ano bang nangyayari sayo.”

Nabalik sa katinuan ang demi-human, pagkatapos ay umiwas ng tingin sa kaniya bago nagsalita na nakatingin sa labas ng bintana.

“Tuwing Martes ay may nanggugulo na halimaw sa bayang ito. Kaya marahil nagkakagulo sa labas ay dahil nagsimula naman itong manggulo.”

“Halimaw? Anong klasing halimaw ang nanggugulo? At bakit tuwing Martes lang itong gumagawa ng gulo sa bayang ito.”

Hindi naman agad nakasagot ang dalaga sa tanong ng kaniyang master. Kahit siya ay napapaisip din kung anong dahilan ng halimaw kung bakit ito nanggugulo.

Sasagot na sana si Ash sa tanong ni Kiera ng bigla na lang sila makarinig ng malakas na pagsabog.

Nagkatinginan ang dalawa, ngunit nagulat nalang si Ash ng biglang tumakbo ang kaniyang master patungo sa bintana.

Balak na sana itong pigilan ng dalaga ngunit huli na dahil wala itong pag dadalawang isip na tumalon sa ikalawang palapag.

Dahil sa sobrang pagkabigla ng dalaga ay natulala siya sa bintanang tinalunan ng kaniyang master. Nabalik lang ito sa reyalidad ng may marinig naman siyang muling pagsabog.

Dali-dali siya lumapit sa bintana para tingnan ang kaniyang master kung maayos lang ang kalagayan nito. Ngunit wala siyang nakitang pigura ng dalaga na labis niyang ikinataka.

Marahil sa pag-aalala ay wala din siyang pagdadalawang isip na tumalon sa bintanang kaparehong tinalunan ng kaniyang master.

Nakalapag naman ito ng maayos ngunit kapansin-pansin ang biglang pagkaroon ng crack sa linandingan ng mga paa nito.

Hindi niya na ito binigyan ng pansin at mabilis na tinakbo ang direksyon kung saan niya naririnig ang mga malalakas na pagsabog.

Sa kabilang banda naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ni Kiera ang halimaw na sinasabi ng demi-human.

Meron itong kulay itim na katawan, isang malaking pares ng pakpak, at mahabang buntot na may patulis pa sa dulo ng buntot nito.

Ngunit ang napansin niya ay kaparehong-kapareho ng nilalang ang halimaw na nasa papel na hawak niya ngayon, ito ang quest na kinuha niya.

“Huwag mong sabihin na ito na yung Wyvern na sinasabi nila?”

Napagtanto ni Kiera na ang halimaw na kasalukuyang linalabanan ng mga kawal ng bayan at iilang adventurer ay ang halimaw na kaniyang kailangang patayin.

Ngunit kahit na isa ay wala man lang naging pinsala ang halimaw sa mga atake ng mga ito.

Pinagmasdan at inobserbahan ni Kiera ang nilalang. Ngunit ngayon na lamang ang kaniyang gulat ng mapalingon ito sa kaniya kinalalagyan. Nag tama ang kanilang paningin na tumagal naman ng ilang minuto.

Naalis lang sa kaniya ang atensyon ng nilalang ng makatanggap ito ng isang malakas na atake na isang mahika.

Tulala lang si Kiera mula sa puno na kaniyang pwinestuhan. Ilang minuto lang ang lumipas na nagkatitigan sila ngunit kitang-kita niya mismo ang emosyon ng nilalang sa mga mata nito.

“Tangina!”

Napa mura na lamang si Kiera ng makita niyang bumuka ang bibig nito. Dahan-dahang may umiipon na enerhiya hanggang sa lumaki ito ng lumaki na labis ikinabahala ng mga naroroon.

Ramdam na ramdam ang bigat sa enerhiyang nasa bunganga ng nilalang. Napansin ni Kiera na nagkakagulo ang mga adventurer dahil sa mapangwasak na enerhiya.

Kahit siya nakaramdam din ng pangamba, hindi para sa kaniyang sarili kundi sa mga inosenteng nilalang sa bayan.

Tiyak na kapag pinakawalan ito ng halimaw ay malaki ang pinsalang idudulot nito. O baka may mas malala pa.

Nag isip ang dalaga ng plano kung paano niya pipigilan ang halimaw sa balak pagpakawala nito ng isang delikadong atake.

Ngunit sa lahat ng kaniyang naisip ay isa lang ang mas mabisa para matigil ito sa balak na magpakawala ng isang mapaminsalang atake.

At yun ay ang patayin ito bago pa nito mapakawalan ang enerhiya na nasa bunganga. Ngunit kanina pa siyang nagdadalawang isip. Lalo na ng makita ni Kiera ang emosyon sa mga mata ng halimaw, hindi lang iyon may napansin din ito sa kanina niya pang obserba dito.

‘Bahala na.’

---

Kanina pa tumatakbo si Ash patungo sa lugar kung saan niya nakikita ang nilalang. Wala siyang mamamayan na nakakasagupa dahil nasa loob ito ng kaniya-kaniyang bahay.

Nang makalabas siya ng bayan ay agad niyang pinuntahan ang mga adventurer na nanginginig at bakas ang takot para alamin kung andon ang kaniyang master.

Ngunit natuod na lamang siya sa kaniyang pwesto ng bigla na lamang siyang makaramdam ng malakas na enerhiya palapit sa kaniya. At malakas na pagsabog ang naganap na ikinapikit niya pa dahil sa lakas ng liwanag.

“Tsk. Hindi ko akalain na ganito ka pala ka tanga.”

Bigla na lamang naimulat ni Ash ang kaniyang nakapikit na mata at napatingin sa dalagang nasa harap niya na kasalukuyang hinaharangan ang ginawang atake ng halimaw.

“Master”

************************************

A: Iinom kami mamaya ng mga kaibigan ko. Wala bang magsasabi ng “baby masama yan sa kalusugan mo” dyan?

HAHAHA! Joke lang!

Vote. Comment. Follow.
(HIGHLY APPRECIATED)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Level UpWhere stories live. Discover now