Kabanata I

122 21 3
                                    

Kabanata I

Sa isang banda ng lugar sa gubat ay makikita ang isang babaeng may puting mahabang buhok na walang malay sa gitna ng kagubatan.

Biglang gumalaw ang isang daliri nito na nagpapatunay na nagkaroon na ang babae ng malay.

Hanggang sa dahan-dahan na minulat ng babae ang mga nito. Isang nakakasilaw na sirak ng araw ang bumulaga sa kaniyang mata, kaya naitakip niya agad ang kaniyang mga kamay dito.

Dahan-dahan ang babae na umalis sa pagkakahiga sa damo habang ginawa niyang suporta ang kaniyang kanang kamay at kaliwa naman ay nakatakip naman sa kaniyang mga mata.

Maayos naman ang babae nakaupo at kinusot-kusot niya naman ang kaniyang mga mata, pagkatapos ay tuluyan niya ng minulat ang mga ng babae.

"Huh? Eh? Ehhhhhhhhhhhh!??"

Isang napakatinis na boses ang lumabas sa labi ng babae pagkatapos nito buksan at mapagmasdan ang kaniyang kinaroroonan.

"A-asan ako? Ito na ba ang afterworld na sinasabi nila?"-takang ng babae sa kaniyang sarili.

Agad tumayo si Kiera sa kaniyang pagkakaupo at pinagpagan ang kaniyang suot na damit dahil sa mga tuyong dahon na dumikit dito.

Nang makita ni Kiera na wala ng dumi na nadikit sa kaniyang damit ay inobserbahan niya naman ang kaniyang paligid.

Dito ay mas lalo niyang napagmasdan ang lugar na kinaroroonan niya ngayon. Mga nagtataasang puno lamang ang kaniyang nakikita, ngunit may mga naririnig naman siyang mga huni ng hayop na hindi pamilyar sa kaniya.

Awwoooooooooooo

Napatigil si Kiera ng marinig ang alulong ng isang lobo, at napalingon sa direksyon kung saan niya ito narinig.

"Tulonggggg!"

Hanggang sa isang boses na naman ng isang babae ang kaniyang narinig sa parehong direksyon kung saan niya narinig ang alulong ng lobo.

Mabilis niyang tinakbo ang lugar kung saan niya narinig ang boses, sa tingin niya malapit lang ito sa kaniya.

Hindi naman si Kiera nagkakamali at malapit lang nga talaga ito sa kaniya. Dito naabutan niya ang isang babae sa may puno habang may nakapalibot ditong tatlong lobo.

Agad na nanlaki ang kaniyang mata dahil hindi siya makapaniwala na makakakita siya ng isang aktwal na lubo. Hindi lang isa o dalawa, kundi tatlong lobo mismo.

Muling lumaki ang kaniyang mata ng makita ni Kiera ang biglang pagtalon ng nasa gitnang lobo patungo sa babae.

Hindi alam ni Kiera kung ano ang gagawin niya, ngunit nakita niya na lamang ang kaniyang sarili na may hawak na bato pagkatapos ay binato niya ito sa lobo na malapit na sa babae.

Crashhhks

Naiwan si Kiera na tulala dahil sa nangyaring pagbato niya ng bato. Tiningnan niya kung ano ang nangyari sa lobo na kaniyang binato, nakita niya ito malapit sa bato na may kalayuan sa kanila na wala ng buhay.

"E-hh? Huh? Ehhhhhhhhhh!??"

Dahil sa gulat ni Kiera sa nangyari ay hindi niya napansin ang pagtakbo ng dalawang lobo na natira palayo dahil sa takot na magaya sa kasama nila at ang ang paglapit ng babae sa kaniyang pwesto.

"A-ah m-miss, a-ano s-salamat sa pagligtas sa akin. K-kung hindi d-dahil sayo maaring namaatay na ako dahil sa mga loving yun."

Nabalik sa pag-iisip si Kiera ng bigla na lamang mag may salita sa harap niya. Nakita niya naman ang babae na kaniyang tinulungan habang naiiyak na nakatingin sa kaniya.

"Ahh..... Wala yun, tiyaka bakit ka nasa ganitong lugar lalo na't nag-iisa ka lamang?"-nagtataka na tanong ni Kiera sa babae.

"K-kasi kailangan ko ng pera pambili ng gamot, kaya naisipan kung pumunta dito para manguha ng halamang gamot."-nahihiya na sabi sa kaniya ng babae.

"Gamot? Aanhin mo naman ito?"-nagtatakang tanong ni Kiera.

"Para sa kapatid ko, may sakit kasi ito ngunit wala kaming pera para magpagamot sa mga healer kaya umaasa nalang ako sa mga low-level potion."-sabi naman Kay Kiera ng babae.

Nagtataka na tiningnan ni Kiera ang babae dahil sa mga pinagsasabi nito sa kaniya. Nagtataka siya kung bakit nagkaroon ng sakit ang kapatid nito kung nasa afterworld na siya. Ngunit isa lang ang naiisip niya kaya para makasiguro ay tinanong niya ang babae.

"Healer? Potion? Teka nasaang lugar tayo ngayon?"-nagtataka na tanong ni Kiera.

Isang kakaibang tingin naman ang nakuha niya sa babae, marahil ay nagtataka ito sa mga tanong niya.

"Nasa Enchanted Forest tayo ngayon na pinamumugaran ng mga iba't-ibang klasing halimaw."

Kahit na naguguluhan man ay sinagot parin siya ng babae ng maayos.

"Ikaw miss anong ginagawa mo sa lugar na'to?"-takang tanong ng babae.

Nagulat naman siya sa tinanong ng babae. Hindi niya alam kung magsasabi siya ng totoo na nagising nalang siya dito sa gubat at hindi alam kung paano napunta dito.

"Galing ako sa malayong lugar habang naglalakbay ako ay napunta ako dito, ngunit hindi ako makalabas dahil sa tingin ko ay naliligaw ako ng bigla na lamang kita marinig na humihingi ng tulong kaya pinuntahan ko ang lugar na to. Ano nga palang pangalan mo?"-pagsisinungaling niya dito.

Ayaw niya man magsinungaling ngunit hindi niya alam kung anong sunod na mangyayari sa kaniya pag sinabi niya ang totoo na galing siya sa ibang mundo.

"P-pasensya na hindi agad ako nakapakilala sayo. Ako nga pala si Lily labing lima na taong gulang."-pakilala ni Lily sa kaniya.

"Kiera ang pangalan ko. Oo nga pala kung ganun alam mo ang daan palabas sa gubat na'to Lily?"-tanong ni Kiera dito.

"Opo ate pero anong gagawin mo dun sa lobo?"

Nagulat si Kiera ng tawagin siya nito ng ate, ngunit hinayaan niya nalang. Pero nagtaka siya ng tinanong siya nito kung ano ang gagawin niya sa lobo na kaniyang pinatay.

"Anong ibig mong sabihin Lily?"

Nagtataka siyang tumingin kay Lily at tinanong niya, kaya sinagot naman siya nito.

"May mga parte kasi ng halimaw ang maaaring magamit sa iba't-ibang bagay, kaya maraming mga negosyante ang bumibili nito. Kagaya ng lobo na iyong napatay maaari mo itong ibenta."-paliwanag ni Lily sa kaniya.

Malalim naman si Kiera na nag-isip, sigurado siyang kakailanganin niya ng pera. Ngunit ang problema niya naman ay kung paano nila ito dadalhin lalo na't pareha silang babae, sigurado siyang hindi nila ito kakayanin.

Level UpWhere stories live. Discover now