Kabanata II

98 18 4
                                    

Kabanata II

"Ate Kiera! Bilisan mo na diyan aalis na raw po tayo sabi ni Kuya Kiko."

Mabilis na lumabas si Kiera sa isang hindi kalakihang bahay ng marinig niya ang pagtawag sa kaniya ng isang batang lalaki.

Nakita ni Kiera ang isang bata sa labas ng maliit na bahay na nakaabang sa kaniya. Mabilis na lumapit ang batang lalaki at hinila siya na tinawanan niya naman, dahil nababakasan niya sa mukha ng bata ang sobrang pag ka-excite.

Agad nama narating nila ang tarangkahan, at doon ay nakita naman ni Kiera ang isang babae na kumakaway sa kanilang dalawa habang sa likod nito ay may isang wagon na may mga produkto na hila ng kabayo.

"Andiyan kana pala Kiera. Tamang-tama sakay na kayo at tayo ay aalis na."

"Magandang Umaga Kuya Kiko pasensya na kung natagalan ako."-hingi ng paumanhin ni Kiera sa lalaki na nakasakay sa kabayo.

Nginitian naman siya nito. Nagsimula naman sumakay sina Kiera at si Lily kasama ang kapatid nitong batang lalaki na si Shan.

Liningon naman sila ni Kiko at ng makita na maayos naman ang kalagayan nila doon ay sinimulan na nito ang pagpapatakbo sa kabayo.

Tiningnan ni Kiera ang kaniyang mga kasama, nakita niya si Shan na tuwang-tuwa, si Lily naman na mapapansin mo din ang saya ngunit nakaalalay parin sa kaniyang kapatid. Sunod naman ay tiningnan niya din si Kiko na seryusong nagpapatakbo ng kabayo.

Napangiti na lamang siya matapos mapagmasdan ang magkapatid. Nakikita niya sa dalawa kung gaano talaga nila kamahal ang isa't-isa bilang magkapatid.

Hindi maiwasan ni Kiera ang mainggit, dahil aminin niya man o hindi noong nabubuhay pa siya sa Earth ay pinangarap niya din ang magkaroon ng pamilya.

Bigla naman naalala ni Kiera ang kaniyang kaibigan at bigla naman niyang namiss si Frey.

'Isang linggo na pala ang nakalipas simula ng dumating ako sa kakaibang mundong 'to. Ngunit kahit paano ay nasasanay na ako sa mundong ito.'

Isang linggo ang lumipas simula ng dumating siya sa mundong ito na tinatawag na Zaraiah. Nalaman din ni Kiera kung pano namumuhay ang mga nilalang dito dahil sa tulong na din ng magkapatid.

"Status."-mahinang sabi ni Kiera na tama lang para siya ang makarinig.

Pagkatapos niyang bigkasin ang salitang 'status', ay lumitaw ang isang parang salamin na siya lang ang nakakakita habang may mga nakasulat.

Status

Name: Kiera
Level: 1
Sex: Female
Age: 17
Race: Human

Nalaman ni Kiera ito sa kay Lily noong una palang sila magkita sa gubat dahil tinanong siya nito noon ni Lily, noong una ay hindi ito naniwala ngunit ng makita nito na seryuso siya ay pinaliwanag na lamang niya ito.

Yung lobo naman ay noong una namroblema silang dalawa kung paano ito dadalhin. Ngunit ng subukan pasanin ito ni Kiera ay para lamang itong papel dahil wala man lang ito kabigat-bigat niyang inalsa na medyo kinagulat niya pa. Ibinenta nila ito kay Kiko na prinesyuhan naman nito ng naaayon sa halaga.

Pero ang mas iniisip niya ay kung paano siya magpapataas ng kaniyang level dahil sa kasalukuyan ay napakababa pa ng kaniyang level.

At nalaman din ni Kiera na bawat nilalang ay may kaniya-kaniyang status na sila lang din ang nakakakita, pwera nalang sa mga may appraisal skill.

Ang appraisal skill ay isang skill na pinapayagan na makita ang status ng isang nilalang na gusto nitong makita.

Pero ang paggamit nito ay naka depende parin sa lakas ng nilalang na paggagamitan mo ng appraisal skill. Marami pa siyang tinanong sa magkapatid na kahit nagtataka man ay sinagot parin naman siya ng maayos.

At ngayon nga ay kasalukuyan patungo sila sa bayan ng Luminous. Balak ni Kiera magparehistro upang maging isang tunay na mamamayan ng Luminous City.

Pagkatapos niya magparehistro ay nagbabalak din si Kiera na sumali sa isang adventurer guild, dahil balak niyang maglakbay at kakailanganin niyang sumali sa isang guild para makalabas pasok siya sa isang bayan ng walang poproblemahin.

At dahil na nagkataon din na balak ni Kiko na tumungo sa bayan ng Luminous at dahil sa may mabuting loob ito ay nung malaman niya na balak pumunta nila Kiera sa bayan ay pinasabay niya nalang ito sa kaniya.

Si Kiko ay isang mercenaryo, kaya araw-araw itong nagtutungo sa bayan para mag tinda ng kaniyang mga produkto na iba't-ibang klase ng armas.

'Appraisal Skill'

Isip ni Kiera ng isang skill habang nakatingin siya kay Karlos. Isa ito sa skill na mayroon si Kiera, nalaman niya lang ito noong subukan niya ito sa isang lalake na dumaan sa kanilang bahay habang nakatingin sa bintana.

Ngunit hindi niya akalain ng gumana at makita niya ang 'status' nung lalake na dumaan noon sa bahay na kanilang tinitirahan at doon ay nalaman niya na mayroon siyang kakayahan na malaman ang status ng iba.

*Status*

Name: Karlos
Level: 30
Sex: Male
Age: 25
Race: Human

Isa din ito sa kakayahan ng kaniyang appraisal skill na makita ang status ng isang nilalang kahit na mas mataas pa ang level nito kaysa sa kaniya.

***

Tanghali na ng marating nila ang bayan at ngayon nga ay kasalukuyan silang nasa bahay ni Kiko na pinagawa pa ng magulang nito na minana niya ng mamatay ito.

Kasalukuyan si Kiera at Lily lang natira sa bahay nito, dahil kasalukuyan ito nasa pwesto niya at nagtitinda kasama si Shan.

Lumipas din ang ilang minuto ng lumabas sila sa bahay nayun at nagtungo sa simbahan para magparehistro.

Naging madali lang naman ang proseso kaya sunod naman nila ngayon pinuntahan ay ang sikat na guild ng mga adventurer.

Nagtanong-tanong sila para puntahan ang lugar kung saan makikita ang guild. Narating naman nila ito ng hindi naliligaw, hindi pa sila pumapasok dahil pinagmamasdan pa nila ito.

Nang magsawa sila ay napagdesisyonan na nilang pumasok sa malaking gusali na nasa harapan nila mismo.

Isang maingay at magulo na mga tao ang bumungad sa kanila. Sa Isang banda naman ng silid na iyon ay nakita nila ang pwesto kung saan makikita ang babae na kailangan na lapitan para sumali sa guild.

************************************

A: Sensya na kung masyadong lame at magulo ang ud ko ngayon, lutang kasi ako ng ginawa ko ito. Bawi nalang ako sa next ud ko. Salamat, ily<3

Level UpDonde viven las historias. Descúbrelo ahora