Kabanata VI

86 19 3
                                    

Kabanata VI

Napalingon sa kaniya ang dalawang lalaki pagkatapos nitong makuha ang atensyon ng dalawang manyak.

"Tingnan mo naman mukhang may gustong sumali yata sa kasayahan natin."-natatawang sabi ng isa na may matabang tiyan.

Nanghihina na napaupo ang babae pagkatapos maalis ang atensyon at bitawan siya ng dalawa.

'Pati ba naman sa mundong 'to may nakakalat din palang mga manyak.'-isip-isip ni Kiera.

"Binibini may gusto ka bang puntahan? Maaari bang samahan mo muna kami sa aming munting kasiyahan."-sabi sa kaniya ng isang lalaki na may payat naman na katawan.

Na aakalain mong isang pitik lang ay matutumba agad.

Wala naman silang nakuhang sagot kay Kiera, ngunit nagtataka nila itong tiningnan dahil ang kamay nito ay nasa kaniyang panga at nakatingin sa itaas na parang may malalim na iniisip.

Nagkatinginan lamang ang dalawang lalaki dahil sa kakaibang kilos ng babae.

Habang nagtataka na nagtinginan ang dalawang lalaki ay may malalim naman na iniisip si Kiera.

'Bakit kaya halos karamihan sa mga manyak ay mga panget?'-isip ni Kiera.

Nabalik lang ang atensyon siya ng maramdaman niya ang presensiya ng dalawa habang nakaambang ang mga kamay nito papalapit sa kaniyang s*s*.

Ngunit hindi pa man nakakalapit ang kanilang mga kamay ay binigyan ito ng tig iisang batok na ikinasalpok ng dalawa sa semento na kanilang inaapakan.

Kaagad naman nawalan ng malay ang dalawa. Naglakad papalapit si Kiera sa dalaga na sa tingin niya ay kasing edad niya lang.

Ngunit imbes na matuwa ang babae ay kabaliktaran naman ang kilos nito. Para itong takot na takot sa kaniya dahil pilit itong sumisiksik sa kaniyang pwesto.

Hindi niya alam kung bakit parang takot na takot ito sa kaniya ngayong wala naman siyang ginawa para katakutan.

Nang nakalapit na si Kiera sa babae ng bigla na lamang itong lumuhod na kinagulat naman niya.

"Kagalang-galang na binibini huwag niyo po akong sasaktan. Maawa po kayo! Huwag niyo po akong parusahan!"-nag mamakaawa na sabi nito sa kaniya habang nakaluhod ito at ang ulo ay naka dikit sa sahig.

Hindi naman alam ni Kiera ang kaniyang gagawin ng bigla na lamang itong lumuhod sa kaniya.

"U..m.. w-wag kang mag-alala hindi kita sasaktan."-sabi ni Kiera sa babae.

Nakita niya ang naman na parang nagulat ito sa hindi niya alam na dahilan.

"Tiyaka ba't ka lumuhod hindi ako diyos para itong luhodan."

Sinubukan na linahad ni Kiera ang kaniyang kamay sa dalaga. Nung una ay parang nahihiya pa itong hawakan ang kaniyang kamay ngunit ng makita nito ang kaniyang ngiti ay dun lang nito inabot ng kaniyang kamay.

"Salamat po ang bait niyo po. Akala ko kagaya lang po kayo sa iba na parang basahan lang ang tingin sa amin."-naiiyak na sabi nito.

"Ano ang ibig mong sabihin?"-nagtatakang tanong ni Kiera.

"Isa po akong demi-human."-takot na wika nito habang ang buntot nito ay gumagalaw.

Pagkatapos sabihin ito ng dalaga ay dun lang napansin ni Kiera na meron pala itong buntot na hindi niya napansin kanina.

Hindi niya akalain na may iba pa palang lahi ang meron sa mundong ito. Ang akala niya lang ay puro lang mga tao ang mayroon ngunit hindi niya akalain na makakakita siya ng aktwal.

Meron itong buntot na parang sa lobo at tainga. Naalala niya na wala sa kaniyang nakwento si Lily tungkol sa ibang lahi.

"Demi-h-human? Ibig sabihin may mga elf at elves din ba dito?"-parang batang tanong ni Kiera habang kumikinang ang mga mata.

"P-po?"

"Diba sabi mo demi-human ka? Edi ibig sabihin meron din ditong elf at elves?"

Kahit nagtataka man ang babae ay sinagot niya na lamang ito dahil nababakasan sa boses ni Kiera ang excitement.

"O-opo meron din. T-tiyaka di po ba kayo natatakot sakin?"-nauutal na pagsasalita ng dalaga.

"Ehem"

Tumayo si Kiera ng maayos at pinagmasdan ang kabuohan ng dalagang kaniyang tinulungan. May kulay abo itong buntot at tainga ng isang lobo, habang ang suot naman nito ay isang bistida na mababakasan ng kalumaan.

Meron itong maputing kutis na mababakasan naman ng mga pasa. Ngunit napansin niya naman ang isang bakal na may hugis pabilog na nakasuot sa maputing leeg ng dalaga.

Pamilyar ito sa kaniya dahil minsan niya itong nakita sa kaniyang pinanuod na anime.

Sa pagkakaalala niya ay isang itong 'Slave Collar'. Napaisip naman si Kiera, hindi niya akalain na uso din pala ang pang-aalipin dito.

"Wala naman akong dapat ikatakot sayo. Ano ang pangalan mo?"-kaswal na sabi ni Kiera.

"A-ano ang mga kagaya naming mga alipin ay w-walang karapatan na magkaroon ng p-pangalan."-nahihiyang wika nito sa kaniya.

Hindi naman makapaniwala si Kiera sa kaniyang nalaman. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng inis.

"Ahhhhhh!!"

Nabigla na lamang si Kiera  ng bigla na lamang sumigaw na lamang ang dalagang kasama niya. At napansin niya na nagliliwanag ng collar nito.

Doon niya lang nalaman na ang suot nitong collar ang may kagagawan kung bakit nasasaktan ang dalaga.

Mabilis na hinawakan ni Kiera ang collar ng dalaga. Napansin naman ito ng dalaga ngunit nakita niyang nakapikit ito.

Maya-maya lang may napansin siyang enerhiya na linalabas ang kamay ng babaeng nagligtas sa kaniya. Pumalibot ito sa suot niyang collar hanggang sa naramdaman niya na lamang ang biglang pagkawasak nito na kaniyang ikinagulat.

Marahil dala ng panghihina na kaniyang naramdaman ay muntikan na sana siyang matumba ng may sumalo sa kaniya at ito ay ang babaeng lumigtas sa kaniya at sumira ng suot niya collar na nagpapahirap sa kanilang mga alipin.

Nakangiti ito sa kaniya na parang sinasabing magiging ayos din ang lahat. Hindi niya maiwasan ang maiyak dahil sa buong buhay nilang mga demi-human ay silang ibang natatanggap sa mga tao kundi sakit, pangdidiri at takot.

Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganitong tao na kung saan walang mababakasan na takot at pangdidiri sa kaniya.

'Ganito pala ang pakiramdam na tanggap ka.'

Isang ngiti ang biglang lumitaw sa dalaga habang tumutulo ang luha na hindi naman nakatakas sa paningin ni Kiera.

************************************

A: Belated Happy Valentine's Day po sa inyo.<3

Level UpWhere stories live. Discover now