Kabanata VIII

70 16 8
                                    

Kabanata VIII

Gabi na ng matapos ang pag-uusap nila. Inaya ni Kiera si Ash upang bumaba at kumain. Isa sa nagustuhan ni Kiera sa inn na ito kaya niya ito pinili ay dahil sa lahat ng inn na napuntahan niya ay ito lang ang may pinakamura.

Isang pilak ang bayad sa isang kwarto at libre din ang pagkain. Hindi man ito kagaya ng una niyang napuntahan na mga paupahan ay simple lamang ang disenyo nito.

Inaya ni Kiera si Ash upang bumaba na sa kanilang kwarto. Nasa ikalawang palapag nakapwesto ang kanilang kwarto. Hindi man ito kalakihan ngunit napakalinis naman at simple nito.

Nagsimula na siya maglakad palabas ng kanilang silid habang nakasunod naman sa kaniya si Ash na parang kinakabahan.

Marahil ay natatakot ito na baka saktan siya ng mga tao sa baba. Hindi ito lingid sa kaalaman ni Kiera. Huminto si Kiera sa paglalakad ng malapit na sila sa hagdan na napansin naman ng demi-human.

Rinig-rinig ang ingay sa baba at may mga nagtatawanan pa. Linahad ni Kiera ang kaniyang kanang kamay sa harapan ni Ash na ikinagulat nito.

Nag-aalinlangan pa ito na hawakan ang kamay ng kaniyang master. Ngunit si Kiera na mismo ang kumuha ng kamay nito at hinila na pababa ng hagdan dahil kanina pa ito nagugutom.

“T-teka lang naman master. Dahan-dahan lang naman sa pag-hila.”

Hindi naman siya pinansin ni Kiera at tuloy-tuloy ang paghila sa kaniya nito. Hanggang sa marating na nila ang baba at kaagad na umupo sa may bakanteng lamesa.

“Ash?”

Tawag pansin ni Kiera sa demi-human ng mapansin niya itong nakayuko sa upuan na kaniyang kaharap at pinag didikit ang dalawang daliri.

Hindi naman siya nito pinansin at nakayuko parin ito. Pansin niya din ang panginginig nito. *Sigh*

“Ititigil niyo ang pagtingin niyo sa kaibigan o gusto niyong ako mismo ang tumanggal ng mga mata niyo.”

Kaniya-kaniya namang iwas ng mga tingin ang mga naroroon dahil sa takot na totohanin nito ang banta sa kanila.

Hindi nila alam kung bakit silang nakaramdam ng takot sa babae. Kung sa katunayan ay sa tingin nila ay napakahina naman nito.

Hindi naman nila masasabi na kasali ito sa guild, dahil kung isa nga itong adventurer ay bakit dito sila sa inn na ito nag upa ng silid na napaka-imposible naman dahil kilala ang mga ito sa pagiging mapag mataas.

“M-master...”

Nangunot ang noo ni Kiera dahil nakikita niyang kumikinang ang mata ng kaniyang kasama habang nakasiklop ang mga palad nito.

*Sigh*

Sa tingin niya mas mabuti nang ganito, kesa sa natatakot ito.

“Salamat sa paghihintay mga ate. Ito na ang pagkain ninyo.”

Pagsulpot ng isang bata na sa tingin niya kasing edad lang ni Lily habang may dalang tray na gawa sa kahoy kung saan nakalagay ang mangkok na gawa din sa kahoy ng sinabawan na karne.

Kung nagtataka kayo kung bakit gawa sa kahoy ang gamit ng mga ito yun ay dahil sa mundong ito ay napakamahal pa nang mga gamit na babasagin at aluminum.

Ang isa nito ay nagkakahalaga ng isang daang ginto. Ganun kamahal ang mga ito na hindi kayang bilihin ng mga taong walang katungkulan saan man sa mundong ito.

Sa ngayon ay ang mga palasyo at ang mga may katungkulan lamang ang meron ng mga gamit na babasagin ngunit iilan lang din dahil sa napakamahal ng presyo.

Hindi niya lang alam kung anong klaseng karne ito. At katabi naman nito ay ang kanin na nakalagay din sa mangkok.

Linagay naman ng bata ang mga mangkok na nasa tray na hawak niya at linagay sa lamesa. Ganun din ang kasama nito na sa tingin ni Kiera ay mas matanda lang sa kaniya ng ilang taon. Tahimik lang nito nilagay ang mangkok sa lamesa at pagkatapos ay umalis na din kasama ang bata.

Dahil sa gutom na nararamdaman niya ngayon ay wala na siyang pagdadalawang isip na kainin ito. Tinikman niya ang sabaw na nasa isang mangkok na sa tingin niya ay mainit-init pa dahil sa usok nito.

Isa lang ang masasabi niya. Ibang iba ang lasa nito. Marahil ay dahil sa karne na ginamit at mga pampalasa na ginamit na hindi pamilyar sa kaniya.

Pero inaamin niya naman na masarap ang pagkakaluto nito. Sinabawan niya ang kanin ng mainit na sabaw.

Nakailang subo na si Kiera ngunit napansin niyang hindi ginagalaw ng kaniyang kasama ang pagkain nito.

“Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?”

Nagulat naman si Ash ng marinig niya ang sinabi nito kaya agad naman siyang sumagot sa kaniyang master.

“Hindi sa ganun master. Gustong-gusto ko ang pagkain na naka hain sa harap ko ngayon.”

“Yun naman pala eh-”

“Ngunit wala kaming karapatan na sumabay sa aming master. Isa iyon sa batas na ginawa ng bagong mayor master.”

Gustuhin niya man kumain dahil sa totoo lang ilang araw din siyan--hindi kundi lahat ng alipin ay walang maayos na kain dahil matigas na tinapay at tubig lamang ang binibigay sa kanila. Ngunit hindi maaari kahit ang pag-upo kaharap ang pinagsisilbihan mo ay pinag bawal din.

“Wag munang alalahanin yun. Basta kumain ka lang diyan.”

Sinamaan ng tingin ni Kiera ang mga tao na nakatingin na agad naman nag-iwas sa kaniya.

“Ngunit maste--”

Napaupo ng tuwid ito at hindi na itinuloy ang balak niyang pagsagot dito ng bigyan siya nito ng isang nakakatakot na tingin. Wala naman nagawa si Ash kundi ang kumain nalang dahil nakakatakot talaga ang master niya.

‘Pangako, hindi ko na talaga gagalitin si master. Sobrang nakakatakot!’

---

Nabusog naman sa pagkain sila Kiera at kasalukuyan ngayon naka upo si Kiera sa bubong ng inupahan nila para patunawin muna ang kaniyang kinain.

Habang si Ash naman ay kasalukuyan na ngayong natutulog. Tahimik na nakatingin si Kiera sa buwan at nag-iisip kung ano ang gagawin niya lalo na sa kaniyang nalaman.

Ang tungkol naman sa quest niya. Ay magtatanong nalang siya sa demi-human at bukas na ako mag-iisip kung paano ko ito matatalo.

*Sigh*

************************************

A: Gusto ko ng magkajowa pero hindi ako marunong lumandi.<3 May tips ba kayo kung paano lumandi? Pahingi ako:>

Vote. Comment. Follow.
(HIGHLY APPRECIATED)

Level UpWhere stories live. Discover now