Kabanata VII

74 13 2
                                    

Kabanata VII

Kasalukuyan nasa isang silid sina Kiera at ang babaeng demi-human na tinulungan niya matapos muntikan itong magahasa at ngayon ay kasama niya sa  inupahan niya sa isang inn.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?"-nagdadalawang isip na tanong ni Kiera sa demi-human.

Walang pag dadalawang isip naman na tumango ito na ikinabuntong hininga na lamang ni Kiera.

"Gaya ng sabi ko buo na ang desisyon ko. Kahit anong iuutos mo o ipapagawa mo susundin ko, basta hayaan mo lang ako sumama sayo master."-seryusong sabi ng demi-human.

Hindi niya alam kung paano siya napunta sa sitwasyon na ito. Naalala pa ni Kiera na pagkatapos ng pag-uusap nila kanina ay nagpaalam siya dito at naghanap ng inn na kaniyang tutuluyan pansamantala.

Ngunit habang naglalakad siya at naghahanap ng inn ay naramdaman niyang may sumusunod sa kaniya at pamilyar na pamilyar ito sa kaniya.

Wala naman siyang nagawa ngunit ang tumigil muna sa paghahanap ng tutuluyan at pinalabas ang kanina pang sumusunod sa kaniya.

Lumabas ang isang demi-human na may kulay abong buntot at tainga na mahaba na parang lobo.

At yun na nga nag pumilit ito na isama siya dahil wala na siyang mapupuntahan pa, kapalit ay pagsisilbihan siya nito.

“Master”-tawag ng demi-human.

Nilingon naman ito ni Kiera mula sa kaniyang pagkakaupo at hinintay kung ano ang sasabihin nito.

“Bakit?”

“umm.. Ano..? Pangalanan niyo po a-ako master.”

Hindi alam ni Kiera kung ano ang magiging reaksyon niya dahil kailangan niya pa palang pangalanan ang demi-human.

Naalala niya tuloy ang kaniyang alaga na pinagtawanan ng kaniyang kaibigan dahil sa pangalan na ibinigay niya dito.

“Hindi ba pwedeng ikaw nalang mag isip ng pangalan mo.”-sabi ni Kiera na agad naman nitong inilingan at sinagot.

“Ayaw ko. Gusto kong ikaw mismo ang magpangalan sa akin master.”

*Sigh*

Hindi na ito sinagot pa ni Kiera at nag-isip na lamang ng pangalan na ibibigay niya dito. Sa lahat ng gawain ang pagpapangalan ang kinaaayawan niya.

‘Ano kayang maganda?’

Naiilang naman nilalayo ng demi-human ang kaniyang tingin kay Kiera dahil kanina pa siya nitong pinagmamasdan habang ang dalawang daliri nito ay nasa kaniyang baba na parang nag-iisip.

Napansin niya din minsan kumukunot ang noo nito at bigla na lamang tatango. Habang naiilang ang demi-human ay nasa malalim parin na nag-iisip si Kiera.

‘May abong buntot at tainga. Ngayon ko lang napansin pati pala ang buhok nito ay kulay abo. Bobay nalang kaya ipangalan ko? Hindi ang pangit, eh kung Nardo. Hayst! Hindi naman siya lalaki eh. Eh kung Nene? Lani? Eh ang ang tanda naman pakinggan nun.’

Lumipas ang isang oras ay sa wakas nakaisip din si Kiera ng pangalan.

“Alam ko na!!”-sigaw ni Kiera.

Dahil sa biglang pagsigaw nito ay agad naman nito nakuha ang atensyon ng demi-human na inaantok at agad na lumapit kay Kiera habang may kinang ang pares ng mata nito.

“Simula ngayon ay Ash na ang pangalan mo.”-tela proud na proud na sinabi ito ni Kiera dahil sa pwesto nitong nakapatong isang paa nito sa lamesa at nakaturo ang isang kamay nito sa demi-human na ngayon ay si Ash.

“Ash”-mahinang bulong ni Ash.

Proud naman na tinanguan ito ni Kiera.

“Ash.. Ako si Ash..”

“Mm..mm..”

“Ako si Ash”

“Mm..mm”

At doon na nga nagsimula ang kabaliwan ng dalawa. Kung may makakakita man sa kanila ay tiyak na mapagkakamalan ang mga ito na baliw.

---

“Ehem. Ehem. Oo nga pala Ash may tanong ako sayo.”-Kiera.

Lingon naman ni Ash ito at hindi na lamang nagsalita bagkos ay hinintay nalang kung ano ang balak na itanong sa kaniya ng kaniyang master.

Nakita naman ni Kiera na nakikinig ito kaya naisipan niya nang itanong ang kaniyang pakay.

“Pwede mo ba akong bigyan ng impormasyon tungkol sa bayan nito at kung ano ang araw-araw na nangyayari sa bayan na ito?”-seryusong tanong ni Kiera.

Naisip niyang total may kasama na din naman siyang taga rito. Ay ito na lamang ang balak niyang hingian ng impormasyon na gusto niyang malaman.

Sumeryuso naman ang mukha ni Ash na parang biglang naging iba ang katauhan nito sa Ash kanina.

“Maniwala kaman o hindi master. Hindi maayos ang pamumuno ng mayor sa bayang ito.”-seryusong sabi ni Ash.

Nangunot ang noo ni Kiera ng makita itong parang nagagalit. Ngunit hindi na lamang siya nagtanong at naghintau na muling magsalita ito.

“France Lancaster ang pangalan ng mayor na kasalukuyang namumuno sa bayang ito. Napakalupit at napasakasama nitong mamuno na kabaliktaran naman sa ama nito. Si Frederick Lancaster naman ang pangalan ng ama nito na siyang dating mayor ng bayan na ito ngunit nitong buwan lang ay binalita ng anak nito na mayroon itong malalang sakit.”

Nakita ni Kiera ang pagkuyom ng kamao nito.

“At dahil sa biglaang pagkakaroon ng sakit nito ay ipinasa sa anak ng mayor ang pamumuno. At nung araw din nayun ay yung araw rin na yun mismo ay naging impyerno ang naging buhay naming mga demi-human. Lahat ng demi-human ay pinahuli nito at ginawang alipin kasama ang magulang ko. Ngunit maraming nanlaban at isa na nga dun ang p-pamilya ko. Kitang-kita ko kung paano nila pinagpapaslang ang mga demi-human na pilit nanlaban. Ng mga oras na yun ay pakiramdam ko pinagtaksilan kami ng panginoon. Maraming namatay kasama ang ama at ina ko habang ang kapatid ko naman at ako ay hinuli at ginawang alipin.”

Natahimik si Kiera dahil sa nalaman niya. Hindi niya alam na ganito pala ang pinagdaanan ng kaniyang kasama.

Ayun sa pagkakaintindi niya ay hindi naman ganito ang bayang ito at hindi pinapayagan ang pang-aalipin ng si Frederick Lancaster pa ang mayor. Nagsimula lang ito ng maging mayor ang anak nito dahil sa biglaang pagkakaroon ng sakit nito.

Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay parang may mali sa mga nangyayari.

Ang akala niya ay ang Wyvern lang ang kaniyang magiging problema. Ngunit hindi niya akalain na mas may malala pa pala dito.

************************************

A: Happy Sunday Everyone:)

Vote. Comment. Follow.
(Highly Appreciated)

Level UpWhere stories live. Discover now