Kabanata IV

93 19 3
                                    

Kabanata IV

Seryusong nakikinig si Kiera sa babae habang pinapaliwag sa kanila kung paano sumali sa guild.

May binigay sa kaniya ang babae na isang papel, ang papel na binigay sa kaniya ay may mga personal na tanong na kailangan niyang sagutan.

Hindi naman tumagal ang pagsagot ni Kiera at agad na natapos ito sa kaniyang pagsasagot sa papel, pagkatapos niyang sagutan ang papel ay ibinalik niya ito sa babae.

Nakita ni Kiera na yumuko ang babae na parang may kinuha sa ilalim ng mahabang mesa.

Hindi nga siya nagkakamali dahil ng bumalik ito mula sa pagkakayuko at tumayo ng tuwid ay may hawak-hawak na itong bilog na kristal.

Linapag ito ng babae sa kaniyang harapan, pagkatapos ay pinasok nito ang papel sa bolang kristal na sinagutan kanina ni Kiera.

Hindi niya naman maiwasan mamangha kung paano pumasok ang papel sa loob ng bolang kristal ngayong wala naman siyang nakikitang butas na maaari daanan nito.

Napatigil lang si Kiera sa kaniyang pag-iisip matapos maalala niya na nasa mahiwagang mundo pala siya ngayon.

Lumipas ang ilang minuto na paghihintay kung ano ang mangyayari sa papel na linagay sa bolang kristal, ay biglang may linuwa ang bolang kristal habang mahinang nagliliwanag na nakalutang sa taas ng bolang kristal.

"Pakikuha nalang binibini, kung nagtataka kung ano yan ay ipapaliwanag ko sayo. Ang tawag diyan ay 'adventurer card'. Yan ang nagpapatunay na kasali kana sa adventurer guild, kaya ingatan mo iyan dahil sa oras na mawala mo yan ay kailangan mo nang bumayad sa sunod na magpagawa ka ng adventurer card."-paliwanag ng babae sa kaniya.

Pagkatapos marinig at malaman kung ano ang bagay nayon ay naisipan niyang kunin ito.

Tahimik niya itong inobserbahan, nakita ni Kiera na may mga nakasulat dito kaya binasa niya kung ano ito.

Adventurer Card

Name: Kiera
Age: 17
Race: Human
Rank: E-Adventurer

Yan ang mga naka lagay sa kaniyang hawak na card. Para din itong status pero meron naman itong pag kakaiba.

Nagtatakang napalingon si Kiera kay Lily nang maramdaman niyang may humihila sa kaniyang suot na damit.

Nakita niya itong parang nahihiya, dahil pilit itong sumisiksik sa kaniya habang nakatingin sa paligid.

Hindi niya naman maiwasan ang mapailing at ngumiti dahil sa asal ng kasama niya. Marahil ay nahihiya ito dahil halos lahat ng nasa loob ng silid ay nakatutok sa kanila ang paningin.

Marahil ay hindi parin ang mga ito nakakalimot sa nangyaring laban kanina, kung hindi dahil sa lalaki na nagngangalang Kevin na isa din palang adventurer na may mataas na ranggo ayon sa pagkakaobserba niya dahil sa nakita niya kung paano ito galangin ng mga nasa silid na iyon.

Pagkatapos ng nangyaring kaguluhan kanina, ay may inutusan ang lalaki na dalhin ang tatlong iyon sa pagamutan. Pagkatapos nun ay bigla na lamang itong umalis ng walang sinasabi.

"Ehem! Isa pa pala nakikita mo naman siguro diyan ang iyong ranggo na kasalukuyang mababa, kung gusto mo tumaas ang iyong ranggo ay kailangan mong gumawa ng mga quest na mayroon sa board quest. Pwede kang kumuha ng kahit ilang quest sa isang araw, may mga quest din na makikita mo doon na nakabase sa ranggo na kasalukuyan mong ranggo ngunit maaari ka namang kumuha ng quest na mataas kaysa sa ranggo mo. Ngunit qqbinabalaan kita kung gusto mong kumuha ng quest na mas mataas sa kasalukuyan mong ranggo at kung may mangyari man sayo ay hindi na namin problema iyon, kaya mag-iingat ka sa quest na iyong gagawin."-nakangiting paliwanag sa kaniya ng babae.

Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang makinig dito. Ng wala ng sasabihin ang babae ay hinila nito si Lily patungo sa isang banda ng silid kung saan makikita ang mga quest.

Linibot niya ang kaniyang mga mata para humanap ng quest na makakakuha sa kaniyang atensyon.

Ngunit lumipas na ang ilang minuto ay hindi parin siya nakakahanap ng quest na gusto niyang kunin. *Sigh*

"Wala ka parin bang napipili Ate Kiera?"

Liningon ni Kiera si Lily at bahagyang inilingan ito. Ng wala talagang makakuha sa kaniyang atensyon na quest ay binalak niya na sanang ayain si Lily para umalis na.

Ngunit may nahagip si Kiera na sa tingin niya ay isa ding quest ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit nag-iisa lang ito at nakahiwalay sa iba.

Nagsimula siyang maglakad papalapit doon at ng makalapit siya kinuha niya ito at sinubukang basahin kung anong quest iyon. *Gasp*

Hindi nakatakas kay Kiera ang naging reaksyon ng mga nasa silid na iyon. Nakalimutan niya palang kanina pa siya pinagmamasdan ng mga ito.

Ngunit hindi niya na lamang pinansin ang mga ito at tiningnan ang papel na hawak niya para malaman kung anong quest ang kaniyang kinuha.

Hindi naman maiwasan ni Lily ang ma curios kaya sinubukan niya rin makitingin kung ano ang quest na kinuha ng kaniya ate Kiera.

'Kill the Wyvern'

Yan ang nakalagay sa papel habang may picture ng nilang na may pakpak na hawig sa dragon.

Pagkatapos din ito malaman ni Lily ay hindi din nakatakas kay Kiera ang naging reaksyon nito.

"Lily bakit? May problema ba?"-nagtatakang tanong ni Kiera dito ng mapansin niya ang paghigpit ng hawak nito sa kaniyang damit.

Liningon naman siya ni Lily at mababakasan mo ang mukha nito ng pangamba.

"Ate Kiera sigurado ka po ba na yan ang gusto m-mong kunin?"-tanong ni Lily habang may bakas ng takot at lungkot sa boses nito.

Hindi maiwasan na magtaka ni Kiera kung bakit ganun nalang ang reaksyon ng bata. Wala pa naman siyang sinasabi na kukunin niya ang quest na hawak niya.

"Maaari mo bang ipaliwanag sa akin Lily kung bakit ganun na lamang ang reaksyon niyo dito sa quest na hawak ko."-nagtataka na tanong ni Kiera sa bata.

Basi sa nakikita niyang emosyon sa bata ay marahil may nangyari dito na may kinalaman sa halimaw na nasa papel noong hindi pa siya napupunta sa mundong ito.

Muli niyang tiningnan ang papel na hawak niya kung saan makikita ang halimaw na may wangis ng dragon pagkatapos ay liningon si Lily na kasalukuyang nakayuko sa harapan niya.

************************************

A: Sorry ngayon lang naka ud. Please enjoy:):)

Level UpWhere stories live. Discover now