Chapter 1:

3.6K 137 29
                                    

CHAPTER ONE.
SCHOOL.

-|||-

"Hays tigilan mo nga ako Henry, pati ikaw naniniwala sa chismis?" Saad ko sa bakla kong kaybigan, matagal na kami mag kaybigan nakilala ko sya nung bago palang ako sa university, dinaldal nya ako tapos ayun friends na kami.

Ayoko talaga makipag kaybigan e, mas mabuti nang walang kaybigan kesa makikipag kaybigan kapa sa peke, pero itong si Henry hindi. Totoo syang kaybigan kwento nya din sakin sinubukan nya makipag kaybigan tapos sinisiraan daw sya, kaya ayun lumayo nalang sya.

"Ano kaba malay mo, fafa yung bampira katulad don sa mga movie na napapanood natin diba? Edi mag papagakat ako kahit naubos pa dugo." Malanding saad ni Henry.

"Tigilan mo ang kalandian mo Henry." Paalala ko sakanya, habang inilalagay ang gamit ko sa bag.

"Sus, libre nalang kita don sa bagong bukas na coffee shop." Agad ako tumangi.

"Ayoko Henry. Pero tumatangap pa ba sila ng pede mag trabaho?" Tanong ko at binatukan nya ako.

"Shut up Moira, pupunta tayo don para kumain at uminom ng coffeebels, pagudin mo lang sa self mo be." Saad nito at hinila ako paalis sa room at sabay na kami mag lakad.

"Ano ba Henry! Nakakahiya wala akong pera." Saad ko sakanya.

"Hays, nakalimutan moba yung sinabe ko?" Pinitik nya ang tenga ko. "Ililibre kita." Madiin nyang saad..

"Hindi mona kaylangan gawin yon!" Sigaw mo sakanya, "May pera pa ako dito."

"Patingin?"

Kinuha ko ang wallet sa bulsa ng aking palda para ipakita sakanya. "Ito m-" Hindi kona natuloy ang sasabihin ko nung nakita ko ang laman ng wallet ko.

100 pesos nalang. Nabayad kona sa ilaw, bukas kopa matatangap yung sweldo ko sa pag tuturo, mamaya naman yung sa maliit na bar.

"Oh diba, tara na!" Sigaw ni Henry at inakbayan ako para mag lakad na kami ulit.

"Nakakahiya Henry babayaran kita bukas makaka sweldo na ako don sa bar." Narinig ko syang bumuntong hininga.

"Moira, sa tagal nating mag kaybigan nahihiya ka padin sakin? Ako lang to tsaka kaya kitang ilibre araw araw." Sabi nito sakin habang naka akbay. Napa yuko naman ako.

Mayaman nga pala sila pero nakakahiya padin, nakakahiya kung lagi nya ako ililibre, kaya ko naman ang sarili ko..

"Ano? Ililibre na kita."

"S-sige na nga.." Nahihiya kong saad. Hays

Sumakay na ako ng kotse nya para pumunta sa bagong bukas na coffee shop, nag papatugtog lang sya ng ako naman ay pinapanood lang ang mga kotse sa daan. Kung mayaman lang talaga ako hindi ako mag papa libre sya pa ang ililibre ko.

Sya din ang nag hahatid sakin papunta don sa sinuturaan kong bata. Don nya ako hinahatid, gusto na din nya ako patigilin na kakatrabaho. Yun din daw ang gusto ng mama nya kaso tumangi ako. Masyado na malaki ang tulong na binibigay nila sakin dahil ang nag papaaral sakin ay ang tito ni Henry, ako ang scholar nya. Napaka buti nga naman ng tadhana at naging kaybigan ko ang pamangkin nya.

Maya maya ay naka punta na kami sa bagong bukas na coffee shop, akala ko simple lang pero bonga pala. Puro pula at itim ang disenyo ng coffee shop makikita mo yun mula sa labas dalawa ang palapag ng coffee shop mukang mahal din ang paninda dito.

"Henry, mukang mahal dito. Umuwi nalang tayo." Saad ko at kumapit sa balikat nya.

"Tsk, tara na." Hinila nya ako papasok. Wala ako masabi dahil ang ganda ng loob. Hinila din nya ako papunta sa uupuan namin.

The Vampire's Mate : VAMPIRE SERIES#1 | Silias DeanerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon