Chapter 14

924 54 4
                                    

Chapter 14
Date

Umuwi na ako samin, tahimik ang bahay, tahimik naman lagi pero may kaka iba akong pakiramdam. Hindi ko na inisip pa yon.

Bumungad sa'kin ang mukha ni Tita na nag aalala.

"Moira? Nasan si Jasper?" Nag aalalang tanong sa'kin. "Nag chat ba siya sayo?"

Tumingin ako sa cellphone ko. May chat ni Alia

Alia Deaner

Hello Moira
Ayoko mag First move
Pero Pakisabi kay Tita Sermedes
umalis si Jasper nag rebelde na.

Tumingin ako kay Tita na alalang alala.

"Nag gala lang po ata." Kahit ako ay naguguluhan din.

"Bakit wala na ang ibang gamit niya sa kwarto? Kukunin ko sana ang mga damit niya na hindi ginagamit para idonate kaso bakit kumonte na ang gamit don?" Nag alala nitong saad kaya agad ko tinawagan si Alia. Mabuti ay sinagot niya agad.

"Sup"

"Nasan daw si Hen- Jasper."

"Nag bakasyon nga."

"Nag bakasyon daw tita." Pinatay ko na ang tawag. Kumalma naman si Tita sa narinig.

-

Naguguluhan padin ako, hindi manlang nag paalam sa'kin si Henry na mag babakasyon siya? Tsaka may pasok pa kami,ang aga naman ata ng bakasyon niya.

Sinubukan kong tawagan si Henry pero ring lang ng ring ang cellphone. Hindi niya sinasagot ang tawag, ano nanaman ang nasa utak non. Pati din sa lahat ng social midea accounts niya wala na? Sinubukan ko isearch sa ibang account pero hindi ko siya makita.

Weird talaga nun kahit kaylan saan naman kaya yun pupunta.

Naka ilang tawag na ako pero wala padin, baka ayaw niya lang ma istorbo sa bakasyon nya?

Ewan ko na don, naguguluhan na ako sa mga ginagawa niya sa buhay, pero buhay niya yan hindi ko nalang papakielaman.

Bigla tumunog ang cellphone ko kaya umupo ako sa aking pag kaka higa.

"Pede kaba makita bukas?"
"Gusto kita makita"
"Wag ka tumangi"
"Pupuntahan kita bukas"

Napangiti naman ako dahil sa nabasa ko, crush ako nito ha. Pero kaylangan ko na muna mag hanap ng trabaho bago lumadi.

Hindi na ako sumagot bahala siya dyan.

-

SILIAS DEANER

Binuksan ko ang pinto, dahil may kumakatok. Dito padin tumitira kapatid ko, pero mas ayos na yon may kasama ko dito kahit papa ano.

Pag bukas ko ng pinto ay si Papa ang bumungad. Kinabahan ako dahil don. Ano nanaman balak niya sa'kin.

Nag bigay ako sakaniya ng daan, umupo siya sa may mahabang sofa sa sala ko habang ako ay naka tayo lamang, iniintay ko ang sasabihin niya.

"Tattoo?" Naka tingin siya sa kamay ko kaya agad ko tinago sa likod yon. "Silias, layuan mo na ang babaeng yan, ayokong madismaya sayo." Kalmado nitong saad, kahit ako ay ayoko siyang madismaya sa'kin pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, gusto kong nakikita si Moira araw araw.

Kapag hindi ko siya nakakasama ay parang may kulang sa'kin.

"L-lalayuan ko na."

"Mabuti, dahil kapag hindi mo yan nilayuan ako mismo ang gagawa ng paraan para mag kalayo kayo." Yumuko ako, siya lang ang kinakatakutan ko sa lahat. Wala akong magagawa kundi sundin ang nais niya.

Lalayuan ko si Moira kahit nahuhulog na ako sakaniya, unti unti na ako nahuhulog sakaniya, ang kwelo niyang ugali. Nakaka mangha ang babaeng yon.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko, nalulunod na ako.

Nilayasan ko ang aking ama at umakyat papunta sa kwarto ko, siguro kaylangan ko na ng sikretong lugar para mag kita kami ni Moira? Kaylangan ko mag ingat, baka pinapabantayan ako ni Ama.

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko, siguro dapat ko na ipag laban ang nararamdaman ko? Ayoko naman na may mang yaring masama kay Moira dahil pinipilit ko itong pag ibig kong ito.

Kaylangan ko na ata sakaniya sabihin lahat, para malinaw na sakaniya ang nang yayari.




-

Nandito na ako sa tapat ng gate nila Moira, ibang sasakyan ang gamit ko para hindi mahalata dadalhin ko nalang siya sa sikretong Lugar.

Binuksan niya ang pinto at dali dali pumasok, ang ganda niya talaga kahit simpleng damit lang ang mga suot niya.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong niya kaya nabuhayan ang diwa ko.

"A-aalis na tayo." Binaling ko na ang tingin ko sa daan. Tahimik lang siya lagi tuwing kami ay bumabyahe.

Hangang naka punta kami sa sikretong lugar, sana naman wala na nag mamasid samin. Gusto ko kaming dalawa lang.

Umupo siya sa magandang upuan, pero mas maganda padin siya.

"Silias, mukhang mahal dito?" Bulong nito sa'kin kaya natawa nalang ako.

Maya maya ay may lumapit saming waiter para kunin ang order namin, kumuha nalang ako ng ramen at juice. Ganon din kay Moira, pero ice tea yung sakaniya.

"Mahal dito ah." Nag aalala niyang saad.

"Madami akong pera, kahit bilhin pa natin itong buong lugar." Nanlaki ang mata niya sa sinabe ko.

"Grabe naman." Sagot niya kaya natawa nalang ako.

Medyo matagal din nung dumating yung order namin pero sulit naman, mahilig ako mag reklamo kapag ganon, pero parang ayoko maging masama sa harap ng babaeng ito.

The Vampire's Mate : VAMPIRE SERIES#1 | Silias DeanerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon