Chapter 20

868 49 1
                                    

CHAPTER 20
WHY

MOIRA REYES.

Pinag buksan ako ni Henry ng pinto.
Pero hindi ko siya binigyan ng tingin, sabi nya ang mga kasambahay na daw ang mag dadala ng gamit ko.

Bumaba ako ng kotse at dire diretsyo lang sa pag lalakad, hindi na din nya binangit ang pangalan ko. Pag pasok ko bumungad sakin si Tita Sermedes at Alia.

Agad tumayo si Tita para lapitan ako.

"Mabuti ligtas ka Moira." Binigyan nya ako ng isang mainit na yakap na parang nanay. Niyakap ko din si Tita pabalik agad naman kinalas ni Tita ang pag kakayakap sakin para harapin ako.

"Jasper mabuti nakita mo si Moira." Nag tataka talaga ako, bakit parang nasa panganib ang buhay ko.

Ngumiti nalang ako dahil wala talaga akong wala sa nang yayari.

"Moira, mabuti naman at sumama ka kay Jasper." Bumaling ako sa likod dahil nandon si Henry
Tumango nalang ako at hindi na muling sumagot pa.

"Pagod ka ba iha? Halika sasamahan kita sa kwarto mo." Hinawakan ni tita ang balikat ko at simahan pumunta sa taas.

-




JASPER GOMEZ (HENRY)

Kausap ko ngayon si Alia dito sa may sala, nag sisi ako dahil tinakot ko si Moira, sabi kasi ni Silias pa alisin ko daw dito si Moira para sumama si Moira sakanya. Pero hindi tagumpay ang plano na yon. Nalaman padin nila Tito Symon na nag kikita padin sila Moira at Silias.

Umalis ako para kumuha ng impormasyon kanila Tito Symon, pero nahuli ako. Kaya bumalik ako pag tapos ng isang lingo.

Ginagawa ko yung lahat para kay Moira, handa akong mamatay para maging ligtas lang sya.

Alam ko kasi na ayaw nila Tito Symon ng tao. Kung pwede lang ibahin ang tadhana at ako ang magiging mate ni Moira, walang magiging problema.

"Jasper, mukhang puputulin na talaga ni Silias ang namamagitan sakanilang dalawa.." Bumaling ako ng tingin kay Alia.

"Oh ano naman?" Tanong ko.

"Edi mag chance kana kay Moira?" Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi pa natin alam ang plano ni Silias para sakanilang dalawa ni Moira."

"Dalawa lang naman pag pipilian nya. Kung ipag lalaban nya si Moira or, bibitawan na nya talaga." Hindi ko na din alam kung anong gagawin ko, basta kapag binitawan ni Silias si Moira, nandito lang ako para saluhin sya.

"Hayaan nalang natin sila Alia, basta maging ligtas si Moira yun ang mahalaga."

"Kilala mo naman siguro si Dad diba? Hindi titigil yon. Wala tayong kasiguradohan na ligtas si Moira."

Tama si Alia, hindi basta basta si Tito, katulad nalang nung naging bf nya dati. Pinahirapan lahat ng myembro ng pamilya nung naging bf nya, walang choice si Alia kung di makipag hiwalay.

Mahirap kalabanin si Tito, kaya depensa lang ang gagawin namin.

Basta handa ako mamatay kay Moira, ma protektahan ko lang sya.

Sila Mama din, gusto na itigil ito, pero si Tito lang ang ayaw tumigil, isa na sya sa mga makapangyarihan na bampira sa, hindi pa ba sakanya sapat yon? Pati kalayaan ng anak nila na umibig, gusto nya sya mag kokontrol. Bakit ba nagiging sunod sunudan si Silias sa ama nya.

-

|THIRD PERSON|

Pinatawag ni Symon Deaner ang ilan sa mga tauhan nya, dahil may mahalaga silang pag uusapan ngayon.

Tungkol sa pag tapos ng buhay ni Moira.

"Kaylangan malinis, wala akong pake kung may madamay. Basta mapatay nyo lang ang babaeng yan." Utos nya sa mga tauhan nya na naka upo habang nakikinig sakanya

"Kung ayaw layuan ni Silias, pwes gagawa na ako ng paraan para tuluyan na silang mag kalayo.. Ayoko ng tao sa pamilya, lalo na kapag isang Reyes. Kaylangan na mamatay ang Moira na yan. Kung may madamay man idamay na basta mamatay lang yang harang sa plano ko para sa pamilya." Galit nitong saad.

Ang mga tauhan naman niya ay nag plano plano na kung paano nila papatayin si Moira. Dahil pinoportektahan sya ng kampo nila Sermedes, mahirap sakanilang lapitan si Moira.

Ayaw na ayaw ni Symon na mag karon ng tao sa pamilya nila, handa syang pumatay kapag hindi nakuha ang gusto nya.

Hindi na pahihirapan ni Symon ang mga kamag anak ni Moira, dahil sa Moira ma mismo ang tatapusin nya.

The Vampire's Mate : VAMPIRE SERIES#1 | Silias DeanerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon