WAKAS

1.5K 69 15
                                    

Hello!!  Sana maka abot kayo here, salamat sa patuloy na nag vovote at nag iintay ng update.

Maraming salamat first time ko mag karon ng ganitong madaming reads, lalo na kay beaualiah napaka thankyou sayo te, hindi sapat ang thankyou pero thank you!

Hangang dito nalang sila Moira at Silias! Thankyou!

Nag hahanda ako ngayon para sa isang malaking event, kasama ko si Alia sa isang kwarto.

Nag mamake up kaming dalawa, suot na namin ang dress namin.

Ang suot ko ay cocktail dress na kulay itim tapos hills na crossed strap, kulay itim din ganern.

Ewan ko ba sabi ni Alia wag daw ako mag suot ng mga makukulay na damit kaya ito ako ngayon naka kulay itim.

Habang siya ay dark red yung dress niya tapos backless payan, pwedeng pwede na talagang model ito.

Patapos na ako mag make up tapos siya tingin ng tingin sa sarili sa salamin. Ewan ko ba lakad sya ng lakad tapos titigil siya sa salamin para tignan ang sarili.

Nagulat kami dahil may biglang kumatok.

Dito kami sa bahay ni Silias nag aayos e, tsaka di na din naman ako natutulog. Sa kwarto din ni Silias.

Sabi ko sa ibang kwarto nalang ako kasi madami naman pwede tulugan dito.

Wag na daw.

Ang kulit talaga non e, matagal na yon e naalala ko ginulo pa nya lahat ng guestroom para wala ako matulugan, para sa kwarto nya ako matulog.

Samantalang noon ang sungit sungit sakin tapos gusto na nya ako sa kwarto niya ako matulog.

Pero syempre, don padin ako natulog no choice na ako e tsaka sya naman ang katabi ko matulog. Pero nung unang gabi namin na mag ka tabi matulog nahulog sya sa kama dahil malikot ako matulog.

Okay, deserve.

"Okay naba ang lahat?" Tanong ni Silias na naka tingin sa phone habang hawak hawak ang doornob.

"Oo." Sagot ni Alia, bumaling ako ulit sa salamin para ayusin na ang mga gamit ko.

"My beautiful wife." Natigil ako sa pag liligpit nung binangit niya yung wife.

Naramdaman ko na niyakap nya ako sa likod habang naka upo ako.

"Aalis nalang nga ako dito baka maka, istorbo pa ako sainyo! Ako na mag aadjust!" Masungit na sigaw ni Alia at lumabas ng kwarto, natawa ako pero hindi pinansin ni Silias ang kapatid niya.

Inilagay nya ang ulo niya sa leeg ko at inamoy yon. "Ang bango mo talaga." Namula ang pisngi ko sa sinabe niya. Araw araw niya sinasabe sakin yan tapos ang ganda ko daw.

Naramdaman ko ang dampi ng labi niya sa leeg ko. Napa ngiti ako dahil don.

"Wag mo ako lagyan ng ano—" Kanina pa niya kasi hinahalikan ang leeg ko. Malay mo lagyan nya ako ng chikinini nakaka hiya naman sa makakakita.

Mula sa salamin nakita ko siyang tinangal ang pag kakahalik sa leeg ko tapos naka pulupot yung yung kamay nya sa bewang ko.

Naka upo pala sa sa bangkuan na walang sandalan, kaya pala hindi nangangalay e.

"Mamaya nalang kita lalagyan non." Naka ngising sagot niya sa'kin.

Bumaling ako sakanya at mahina siyang hinampas.

The Vampire's Mate : VAMPIRE SERIES#1 | Silias DeanerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon