Chapter 28

1K 51 6
                                    

Chapter 28
Happy ending?

MOIRA REYES

Dumaan ang madaming buwan, bumalik na ulit ako sa pag aaral, araw araw ako hatid sundo ni Silias.

Sabi niya kapag nakapag tapos na ako ng pag aaral, papakasalan na niya daw ako. Kinikilig akez.

May kaklase padin kami ni Henry, bumalik ang dati naming pagiging mag kaybigan. Wala na daw siya nararamdaman para sakin. Mabuti yon, dahil may babae naman dyan para sakaniya.

Pero ito na ang panahon, nahanap ko na si Papa. Nag plano kaming mag kita sa paborito naming karindirya nung bata pa ako, nung wala pang problema.

Nandon padin ang karindirya.

Sasamahan ako don ni Silias, pero don nalang daw siya sa loob ng sasakyan para makapag usap kami ng maayos ni papa.

Madami ako katanungan, ilang buwan ko na hinahanap yon e kaya mag tatanong ako ng madami.

Tahimik kaming bumabyahe papunta don ni Silias, nandon na daw si papa.

"Sigurado ka bang dito kalang sa sasakyan?" Tanong ko.

Hinawakan nya ang kamay ko habang ang isa nyang kamay ay nag mamaneho.

"Oo naman, kaylangan nyo mag usap ng kayo lang dalawa." Nginitian niya ako at bumalik ang tingin sa kalsada.

Kinakabahan ako kasi makaka usap ko na ulit ang tatay ko. Tatay ko naman yon hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

Hangang sa naka punta kami sa karindirya na yon, naging masagana na at madami na ang taong bumibili, lumawak na din ang lugar.

Hihintayin nalang daw ako ni Silias sa loob sa ng sasakyan. Pumunta ako sa may dulo sa 2nd floor, mula don kita kita ang mga taong nag lalakad. At mga sasakyan ng dumadaan.

Natigil ako nung nakita ko na ang tatay ko, naka itim na jacket at naka talikod ito. Mas lalo ako kinabahan.i

Napabagal na din ang pag lalakad ko, hangang sa maka dating ako don, tumayo muna ako saglit para makita niya ako.

Tumayo ito at niyakap ako, nawala ang kaba ko nung niyakap niya ako, sawakas nakasama ko na din ang ama ko.

Umupo kaming dalawa mag katapat kami ngayon, umorder na daw siya ng pag kain para saming dalawa.

"Kamusta na? Moira?" Masayang tanong sakin ni papa.

Nahihiya pa ako sagutin.

"Ayos lang po." Kaba kong sagot.

Binaba niya ang cellphone sa lamesa dahil nandyan na ang pag kain, ang lock screen ng cellphone niya ay ako at siya.

Parang 5 years old palang ako don, napa ngiti ako dahil don kasi inaalala pala nya ako kahit sa simpleng paaralan lamang.

"Kumain ka muna." Pag aya nito sakin at tumango lang ako at ininom ang juice.

"P-pa, may tanong po sana ako." Sinubo muna niya ang tinapay bago bumaling ng tingin sakin.

"Ano yon?"

"K-kamusta na ang pamilya nyo?" Nag iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ibang pamilya?" Seryoso niyang tanong.

Tumango nalang ako at tinawanan niya ako.

"Anong bagong pamilya?" Humalakhak ito, kung makikita mo siya ay parang nasa 30 lang kasi parang hindi pa matanda tsaka gwapo pa. Pero mataas na talaga edad niya.

"Nako Moira, wala akong bagong pamilya, simula nung umalis ako. Hindi na kayo nawala sa puso ko." May halong lungkot ang boses niya.

"Pero bakit mo kami iniwan?"

"Yun ang tama Moira." Seryoso ba siya? Tama bang iwan ang pamilya.

Pinigil ko ang galit ko at uminom nalang ng juice.

"Moira, may dahilan kung bakit ako umalis, may dahilan kung bakit nawala ang mama mo,, Moira patawad dahil iniwan ka namin."

"Kung ganon, ano ang dahilan?"

Malungkot nya akong tinignan ang bumalik ulit ng tingin sa bintana.

"Pinatay ko ang mama mo." Ang mga salitang yon ay nag pa init ng dugo ko.

"Ano." Napag taasan ko siya ng boses at napatayo sa kinauupuan. Seryoso ba siya?

Bumuntong hininga siya, pinigil ko ang sarili ko at umupo nalang ulit.

"Bakit?" Halo halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon.

"Moira.. bampira ang ina mo, pinatay ko siya dahil. D-dahil.." hindi na nya matuloy ang sinasabe niya.

"Pinatay ko siya dahil gusto niya, gusto niyang patayin ko siya, habang tumatagal kasi nag kakaron na ng bisa ang lason na tinurok sakaniya." Ang galit ko ay biglang nawala, napaltan ng pag tataka, lalo lang nadurog ang puso ko nung tumulo ang luha ng papa.

"Tinurok sakaniya ang lason na yon, habang tumatagal hindi na nya ma kokontrol ang sarili nya at makakapatay siya ng tao, kasama ka na don. Parusa yon dahil inibig niya ako.." yumuko si papa at patuloy na umiyak, pati ako ay umiyak na din.

"Pinatay ko ang mama mo dahil pinilit niya sa'kin yon, para sa kapakanan ng ibang tao at sayo, kahit ayoko.." nakuyom ang mga kamay niya.

"Pasyensya na Moira.." Pinunasan niya ang luha niya at bumaling sa'kin. "Dahil don may galit na ako sa mga bampira, pero mahal ko ang mama mo, kahit namatay siya sa kamay ko.." Mas lalong tumulo ang luha ko.

"Moira.." tawag niya sa'kin, hindi ko alam kung magagalit ba ako. Hindi ko alam..

"S-saan naka libing si mama?" Tanong ko.

Huminga ng malalim si papa.

"Wala sa'kin ang katawan niya, nasa mga angkan nila. Nahulog ako sa mama mo na may halos 500 na taon na sa mundo, Moira, sana mapatawad mo ako sa namalaman mo." Pinunasan ko ang luha ko at bumaling sakaniya, naiintindihan ko siya pero masakit padin sakin kasi wala na pala si mama.

May kinuha siya sa bulsa.

Binuksan niya ang naka kuyom kong mga kamay at inilagay don.

Binuksan ko ang kamay ko para makita kung ano yon.

Isang kwintas, na may maliit na bote na disenyo, maliit na maliit lang ito at may itim na tubig sa loob.

"Ang itim sa loob ay.. dugo ng iyong ina binigay niya sa'kin yan bago ko siya patayin, ibibigay ko sayo ngayon yan Moira, bilang tanda ng pag mamahal sayo ni Elena."

Tumulo pa lalo ang luha ko dahil don,

"Patawad anak." Tumayo ito at tumabi sakin para yakapin akong muli.

Yon na pala ang huling pag kaka taon na makikita ko si Mama, pero atlis nandito na sakin si papa, pero wala padin si mama.

Nag usap kami ng matagal at gumaan na ang pakiramdam ko, sasabay daw siya samin tapos dadalhin ako ni papa sa bahay namin dati para makita ang litrato namin dati.

Habang palabas ay naka abang samin si Silias, lumapit ito samin at inabot ang kamay kay papa para makipag shake hands.

Tinitigan muna ni papa yon bago tangapin ang pakikipag kamay, hindi maganda ang tingin ni papa kay Silias ngayon, para bang kalaban ang tingin niya dito.

Naging mahabang araw ang nangyari ngayon, nabigyan na ng sagot ang mga tanong ko.

Sumasabay lang kaming dalawa ni Silias sa kanta na pinapatugtog niya ngayon, sana naman ay wala nang problema ang dumating.

Nakilala na ni papa ang boyfriend ko, bibisitahin ko pa ang mga taga barangay ko noon, hindi na din kasi ako nakaka punta don.

Pati na din si tiya gusto ko na makipag bati sakanya.

Sana naman hindi na galit sakin yon.

The Vampire's Mate : VAMPIRE SERIES#1 | Silias DeanerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon