Chapter 15

954 49 4
                                    

Chapter 15
I'm Back.

MOIRA REYES.

Isang lingo na ang naka lipas, puro kami gala ni Silias, kung yakapin niya ako ay parang wala nang bukas. Pero wala pading kami? Siguro dapat na akong umamin sakaniya.

Isang lingo na din niya ako pinapakilig, wala si Henry kaya wala ako mapag sabihan. Kung ano ano ginawa naming mag kasama ni Silias, pumunta kami ng zoo. Tapos sabe ko kamukha niya yung ungoy. Hindi nabubura sa isip ko yung reaksyon niya nung sinabe ko yon. Para siyang bata na inagawan ng Candy.

Pero sinuyo ko naman siya, baka tangalin niya ako sa trabaho, siya din ang nag hahatid sa'kin pa uwi, araw niya ako iniintay matapos sa trabaho. Sabi ko mag tataxi nalang ako pero makulit siya.

Nag kwekwento din siya tungkol sa mga bampira kaya hindi na ako masyadong naguguluhan sakanila. Bakasyon na ngayon. Naka tambay lang ako sa coffee shop ni Silias kasama ang maltida niyang kapatid.

Pero, wala padin ako balita kay Henry, sabi naman nitong si Alia isang taon daw wala si Henry. Nalungkot naman ako dahil don. Edi isang taon kaming walang koneksyon? Baka ayaw na niya ako maging kaybigan.

Ka-close ko na din kapatid ni Silias, kahit maldita ay masaya naman kasama.

"Talaga bang isang taon?" Tanong ko kay Alia.

"Paulet-ulet? Isang taon nga." Inirapan niya ako, at bumaling ulit sa cellphone niya.

Pero mas naagaw ang pansin ko kung sino ang papasok sa coffee shop ngayon, naka t-shirt siyang itim at naka shades pa. Nag iba na din ang gupit ng buhok niya, mas lalo siyang gumwapo.

"Hello guys." Malamig nitong bati samin. Tumayo agad ako sakaniya para yakapin. Natumba pa siya sa kinatatayuan niya.

"Luh akala ko two months kang wala, isang lingo lang pala." Mayabang na sabi ni Alia pero naka yakap padin ako kay Henry, naramdaman ko naman na niyayakap niya ako pabalik.

"Teka, hindi ako maka hinga." Reklamo niya kaya agad ko kinalas yon. Bumaling ako kay Alia na naka tayo, seryoso ang mukha niya at naka yuko lang siya.

Tumingin ako sa harap para malaman kung anong dahilan kung bakit siya nag kakaganyan. Kinakabahan naman ako dahil don, totoong kaba. Pakiramdam ko ay nasa panganib ako.

Seryoso itong naka tingin samin ni Henry. Kaya agad kami tumayo. Yumuko din si Henry, kaya yumuko din ako.

Nakakatakot naman ito, ito yung nag salita sa birthday ni Silias, siya yung tatay nila.

Umalis ito sa harap namin, pero kinakabahan padin ako..

Nung tuluyan na siya naka alis samin at bumaling agad ako kay Henry, na sa labas naka tingin.

"Hoy?"

Bumaling siya sa'kin. "Upo na nga tayo." Nag mamadali nitong saad kaya agad itong umupo.

Wala ako masabi na miss ko ito dahil isang lingo nawala hindi manlang nag paalam sa'kin.

"Ang tagal mo naman nawala." Saad ko.

"Sus sabe niya nya isang taon pero isang lingo lang pala." Tumawa si Alia pero sinabunutan siya ni Henry kaya tumigil ito sa pag tawa.

"Bakit kaba umalis?"  Tanong ko. Nag iwas siya sa'kin ng tingin.

"K-kase gusto ko lang ! Ano ba ang dami nyo namang tanong manahimik nga kayo.

"Tara nalang sa bar mamayang gabi libre ko." Nag ngiti kong saad lumiwanag naman ang mukha ni Alia.

"Sama ako dyan ha lalo na libre." Bumaling kaming dalawa kay Henry.

"Oona! Sasama ako." Masungit nitong sagot.

"Walang aalis." Isang malamig na boses ang nag patigilin ng tawa namin ni Alia.

"Ang KJ mo Silias, manahimik ka, pag sasaya namin ito hindi sayo." Tumango tango ako.

"Wala akong pake, umalis kayo huwag nyo lang isama si Moira." Ano bayan, pinakilig nanaman ako nitong bampira na ito.

"Pero-"

"No more buts." Madiin nitong sabi kay Alia at nilayasan kami.

"Ang KJ ng kuya mo Alia, nakulong na sa tatay niya." Natatawang saad ni Henry.

"Gaga ka." Grabe naman itong mga ito. Kahit close na close na kami ni Silias nakaka takot padin siya magalit.

Sabi ni Alia, kabahan na daw ako kapag nakita kong magalit si Silias. Baka nga nakakatakot talaga.

-

Gabi na at syempre hindi namin susundin si Silias, hindi siya ang batas dito.

Nag sasaya kami ngayon sa bar, na parang walang nag bawal sa'kin. Bahala na basta kaka uwi lang ni Henry e. Gusto naming mag saya.

Habang naka upo sa sofa ay nakikita ko si Alia na may kausap na pogi na lalaki sa gilid habang si Henry ay inom lang ng inom sa tabi ko.

"Hoy Moira!" Tawag nito sakin lasing na boses niya. Bumaling ako sakaniya ng tingin.

Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi.. Nagulat ako sa ginawa niya, lasing na talaga ang lalaking ito.

The Vampire's Mate : VAMPIRE SERIES#1 | Silias DeanerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon