Chapter 2

2.4K 99 26
                                    

Chapter two.
Bar.

"Mag kano?" Tanong nya ulit.

"Hehe, sir hindi po binebenta ang buong lugar." Paliwanag nung may Ari.

"20 thousand?" Offer nung lalaki na pogi.

"Sir hindi po talaga. Itong si Moira lang talaga sir." Paliwanag ulit.

"30 thousand? Hindi pa kasali ang babae."

Ngumiti ang may ari.

"Sir hindi talaga."

"40 thousand?"

"Sir."

"50 thousand."

"P-pero sir."

"80 thousand, 20 thousand sa girl. 100 thousand?" Mayabang na saad nung lalaki, hays kaylangan kona ata mag dasal.

"Hays, sige sir, sundan nyo po ako sa office." Nung umalis na yung may ari ay hinila ako nung lalaki palapit sakanya.

Inalis nya ang coat nya, jusko wag please, sisigaw talaga ako, naka pikit ako at iniintay na may gawin sya saking masama, pero naramdaman ko na may pumatong sa balikat ko, inilagay nya sa'kin ang coat nya.

"Tara na."

"S-sir hindi po ako binebenta." Pag mamakaawa ko hindi parin ako umaalis sa pwesto ko.

Bigla nya hinablot ang kamay ko at hinila nya ako palabas sa dressing room.

"Sir maawa na po kayo, gagawin ko ang lahat wag nyo lang sakin gawin yun sir parang awa mona." Nag mamakaawa ako sakanya hangang naka rating ako sa bmw nyang sasakyan.

Binuksan nya ang sasakyan.

"Sir."

"Get inside." Malamig nyang saad.

"Pero sir."

"Pasok." Pumasok na ako. Habang nasa sasakyan ay pinanood ko sya umalis, may kinausap muna sya bago bumalik sa loob.

"Bantayan mo ang babae sa loob baka tumakas." Tuluyan ng bumuhos ang luha ko, hindi manlang na dala yung cellphone ko. Nasa loob pa ng bag ko. Pati na din yung wallet ko nandon, hays.

Iyak lang ako ng iyak dito sa loob ng sasakyan hangang pumasok na ulit sya. Agad ko sya kinausap.

"Sir.."

"Shut up, Moira." Bumaling sya ng tingin sakin. "May na iwan ka pa ba don?" Tanong nito sakin at tumango tango ako.

"Opo sir, yung bag ko."

"Anong laman." Pina andar nya ang sasakyan.

"Cellphone po at wallet, pati na din ang damit ko pamalit.." Natatakot kong saad. "Sir.."

"Hindi ko gaagwin sayo yun Moira, binilhan kita lahat ng naiwan mo sa bag mo." Tinikom kona ang bibig ko, umaasa na wag nya sakin gawin ang kinakatakutan ko.

Tinanong nya sa'kin ang bahay ko, sabi nya susunduin daw nya ako sa labas ng gate ng school namin pag tapos ng klase namin. Katulad nung sinabe nya kagabi bibilhan nya ako nun.

-

"Ihahatid sundo na kita Moira." Nag aalalaang saad ni Henry.

"Henry kaya kona ang sarili ko, tsaka may pupuntahan pa ako mamaya, diba katulad nung sinabe ko?" Saad ko habang nag lalakad papunta sa room namin.

"Sasama ako."

"Wag na."

"Hindi mo ako mapipigilan Moira, sabi ko naman sayo wag kana mag trabaho sa bar nayan." Kapag gusto ni Henry gusto nya kaya wala na din ako magagawa, pero nakaka hiya naman don sa lalaki. Pero sige na nga.

The Vampire's Mate : VAMPIRE SERIES#1 | Silias DeanerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon