Chapter 25

882 51 4
                                    

Chapter 25
Moira.

SILIAS DEANER.

Kumatok ako ng malakas para pag buksan ako ng pinto, 4:00 na ng dealing araw. Bumalik ako kanila Henry, nilakad ko lang ito dahil nakakawalang gana gumamit ng abilidad.

Wala na si Moira, wala na ang lakas ko.

Kahit konting panahon ko lang siya naka sama, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko na siya.

Si Tita ang nag bukas.

"Silias." Tawag nito sa'kin pero hindi ako sumagot at dirediretosyong pumasok sa loob nila.

"Silias may kaylangan ka malaman."

"Hindi ako interesado." Walang gana kong sagot at humilata nalang sa malaking sofa.

"Silias kaylangan mo malaman-"

"Please, gusto ko mapag isa ngayon, hayaan nyo muna ako wag nyo ako kausapin." Kinuha ko ang unan at tinaklob sa mukha ko. Bumuhos nanaman ang luha ko.

Narinig kong bumuntong hininga si Tita at nawala na ang prisensya niya. Pakiramdam ko kasalanan ko kasi hindi ko pinag laban si Moira sa tatay ko.

Hays kasalanan ko ang lahat.

Ilang minuto ako umiiyak sa unan at napag pasyahan puntahan ang walang buhay na katawan ni Moira, gusto ko siyang makita sa huling pag kakataon.

Walang gana kong binuksan ang pintuan, nag tataka din ako dahil ang ingay ng kwarto ni Jasper. Pero hindi ko na yon inisip pa.

Pag bukas ko ay wala ang katawan ni Moira, ang kumot at higaan lang ang nandon, agad ako pumunta sa baba para puntahan si Tita at mag tanong.

Anong ginawa nila sa katawan ni Moira.

"Tita?" Tawag ko at natagpuan ko itong nag hahanda ng pag kain. Bakit parang wala sakniya ang pag kamatay ni Moira?

"Silias?"

"Nasan ang katawan ni Moira? Bakit wala na don? Anong ginawa niyo?" Sunod sunod kong tanong.

Natawa si Tita dahil sa mga tanong ko.

Kinunotan ko siya ng noo. "Anong nakakatawa? Katawan yon ni Moira? Ano ba kayo mga baliw ba kayo?" inis kong tanong.

"Silias pumunta ka ng kwarto ni Jasper."

"Baliw na ba kayong lahat? Tita please." Wala sakin ang tingin ni Tita at sa likod ko. Inis ako bumaling don.

Nawala lahat ng pag ka inis ko sa nakita ko ngayon, halo halong emosyon ang nararamdaman ko.

Nawala ang pag ka kuyom ng kamay ko dahil sa babaeng bumaba ng hagdanan ngayon.

Tulala akong pinapanood siya bumaba.

Naka puti siyang damit at wala na dugo ang mga ito, bumaksak ang mga balikat ko dahil nag papa kita na ata ang kaluluwa ni Moira.

Bumuntong hininga ako at nananaginip lang.

"Silias." Tinawang niya ang pangalan ko.

Kahit panaginip ito hindi ko na sasayangin ang oras, tumakbo ako palapit sakaniya at niyakap.

"Kahit sa panaginip lang, kahit sa panaginip lang ako sayo makaka hingi ng tawad, kahit sa panaginip lang ako makaka pag paalam sayo bago ka mawala. Mahal na mahal kita Moira." Mahigpit ko siyang niyakap.

Narinig ko ang mahina niyang pag tawa,kaya mas lalo ko lang siyang niyakap.

"Sa panaginip ko lang marinig ang huli mong pag tawa." Muling tumawa ang babaeng yakap yakap ko.

Hindi ako bumitaw sa pag kakayakap sakanya.

"Silias." Ang magandang tono ng boses niya.

Binitaw ko ang pag kakayap sakaniya at tinitigan si Moira sa mata.

"Silias, hindi pa ako patay." Nakita ko ang natatawa kong kapatid sa may hagdan habang pinapanood kami.

"Ano?"

"Buhay pa ako, binuhay mo ako." Naka ngiti nitong tugon.

Imposible naman kasi may mga dugong bampira lamang ang pwedeng mabuhay.

"Anong pinag sasabe mo?"

"Buhay pa ako."

Hinawakan ko ang pisngi nyang napaka lambot

Don lang tumulo ang luha ko dahil sigurado ka ako na hindi panaginip ito.

Mag sasalita pa sana siya kaso agad ko hinalikan ang napaka lambot niyang labi.

Sumasagot siya sa pag halik ko, pero agad niya pinag hiwalay ang labi namin.

"Moira.. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Silias." Mabilis niyang hinalikan ang labi ko.

"YEHEEY!" Malakas na sigaw ni Jasper na bumasag ng katahimikan sa bahay.

Malungkot siyang ngumiti nang makita ang pag kakahawak ni Moira sa dalawa kong pisngi.

"Aba? Mag saya na tayo buhay na ulit si Moirabels!" Sigaw niya muli.

Naawa din ako kay Jasper. Pero salamat dahil inalagaan niya si Moira, salamat dahil hindi niya hinayaan mag isa si Moira.

Pero ako talaga ang para kay Moira.

The Vampire's Mate : VAMPIRE SERIES#1 | Silias DeanerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon