Parol

2 0 0
                                    


Pagkatapos ng Simbang Gabi
Sa bisperas ng Pasko,
Habang papauwi,
Aking itiningala ang ulo ko.

Nakita ko ang dilim;
Walang mga ulap.
May mga bituin,
Ngunit sila'y mailap.

Saka ako napalingon bigla
Sa kabilang dako ng alapaap
At doon ko nakita
Ang Buwan; tila ako'y nangangarap.

Kay ganda ng kaniyang pag-ilaw;
Hindi nakakabulag kagaya ng araw,
At ang liwanag ay iyo pa ring matatanaw.
Sa kaniyang kariktan, damdamin ko'y napukaw.

Aking napagtanto
Na tulad ng mga Parol tuwing Pasko,
Ang Buwan ay maari ring maging simbolo
Ng talang gumagabay sa paglalakbay tungo sa paroroonan mo.

At napag-isipan ko;
Na sa tuwing hindi natin mahanap ang orihinal
Maari tayong tumingin sa mga alternatibong bagay.

Kung hindi mo makita ang Parol o Ang Bituin,
Pagmasdan mo ang Buwan, tiyak ikaw ay makakarating.

Tikom na BibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon