Maling Ambag

36 0 0
                                    

Nakauubos ng pasensya.
Nakawawala ng pag-asa.
'Yung liwanag, halos 'di ko na makita,
Sapagkat tinatakpan nila.

Imbes na puksain ang pinakaugat ng mga ito,
Pinilit sugpuin ang mga epekto.
Ibang bagay ang kanilang inasikaso;
'Di rin naman makakalikasa't makatao.

Ano na? May ginagawa pa ba?
May tamang pa bang maikakasa?
Kayo pa rin ba'y kapani-paniwala,
Kung hindi niyo iningatan ang aming mga tiwala?

Kay rami nang nawalan ng trabaho
Hirap na hirap na ang mga estudyante't guro
Pagod na pagod na ang mga nars at doktor
Buong bansa'y apektado
Dahil sa mga maling desisyon ng iilang tao.

Sa paglakas ng kanilang mga tinig;
Mas kumapal naman ang inyong mga tutuli.
Mga salot ay lalo lang dumarami,
Ito ba ang 'ambag' na kanilang sinasabi?

Mas mabuti pa nga sigurong masabihan
Na wala kang ambag sa iyong bayan
Kaysa naman ikaw ang magiging sanhi
Ng paglugmok ng buhay ng 'yong mga kalahi.

Tikom na BibigWhere stories live. Discover now