Ayan na!

96 2 0
                                    

Ayan na, ayan na! Nariyan na sila!
Kayamanan natin ay ilabas na:
Mineral, langis, at mga isda.
Para sa mas malaking pera.

Ayan na, ayan na! Nariyan na sila!
Dala ang isang kahong mahiwaga.
Ningning nito'y masyadong makinang,
Hanggang sa tayo'y 'di makaaninag.

Ayan na, ayan na! Nariyan na sila!
Ang mga Tsino'y dumarating pa!
Ayan na, ayan na! Nariyan na sila!
Hahayaan ba nating mapasailalim sa kanila?

Ayan na, ayan na! Nariyan na sila!
Tuluyan nga ba tayong magpapakatuta sa kanila?
Ayan na, ayan na! Nariyan na sila!
Pa'no nga ba makalalaban kung sariling pinuno ang hawak nila?

Ayan na, ayan na! Nariyan na sila!

Pakibalik na lang ng aking bayang sinisinta

Tikom na BibigWhere stories live. Discover now