Tuta

79 1 0
                                    

Kaawa-awang agila
Nilapastangan ng isang tuta

Kaniyang pagtangis
Pilit inaalis
Mga panaghoy
Pinatatahimik ng mga baboy

Iyong tuta
Ayaw ng mga balakid
Galit sa umiimik
Kaniya itong iniipit

Binabaluktot mga batas
'Pagkat siya'y nasa itaas
Kung kaanib ay ligtas
'Pag kaaway, walang takas

Mga nagpupumiglas ay dumarami
Hindi na kayang tiisin ang hapdi
Subalit walang pake rito ang tuta
Patuloy niya itong pinalalala

Tama na! Sobra na!
Ba't nakakulong pa rin ang agila?
Tama na! Sobra na!
Bakit ninyo ibinebenta?

Tama na! Sobra na!
Masyado nang marami ang binulag ng iyong salita
Tama na! Sobra na!
Ginawa mong manhid ang iba sa kanila

Tama na! Sobra na!
Naghahari-harian ka pa

TAMA NA. SOBRA NA.

Tikom na BibigМесто, где живут истории. Откройте их для себя