Silid

63 2 0
                                    

Apat na sulok lamang ang aking nakikita
Apat na sulok kung saan buong araw na akong nakahilata
Dito sa isang silid na may sulok na apat.

Hindi ako nakakulong, ngunit pakiramdam ko'y hindi ako malaya.
Hindi ako nagtatago,
Ngunit pakiramdam ko'y sakin walang nakakakita.

Tila akong isang hayop na ikinulong sa silid na ito.
Tila akong isang preso na nakulong sa kwarto.
Wala akong kausap, walang kasama, walang magawa.
Tila akong tao na nag-iisa.

Isang malambot na kama ang aking nasandalan.
Mga pader ng silid ang aking nakatawanan.
Mga pinto at bintana ang aking naging kaibigan.
Isang selpong walang signal ang aking napaglaruan.

Sa kabila ng pagkabagot ko sa apat na sulok na ito,
Nagpapasalamat pa rin ako nang lubos.
Sapagkat dahil sa kwartong ito,
Napaglaanan ko ng maraming oras ang sarili ko.

Tikom na BibigWhere stories live. Discover now