Bulaklak

85 3 0
                                    

Aking sinta,
Ikaw ang nagbibigay ng aking saya sa tuwina.
Dahil sa'yo nailalabas ko ang aking nadarama,
Dahil sa'yo kami'y nagkakaisa.

Ngunit nasaan ka na ngayon?
Bakit habang naglalaon,
Ikaw ay nababaon,
Nababaon sa limot at kahapon?

Para ka kasing isang bulaklak eh,
Napakaganda't mabango, gusto ng marami
Pero ang araw ay darating din,
Na ika'y maglalaho't matatangay ng hangin.

Aking sinisinta,
Kami'y patawarin nawa.
Sapagkat ganito ang aming ginagawa,
Sa iyong halagang napakaganda.

Halagang hindi masyadong makita,
Halagang hindi na alam ng marami sa madla.
Mas pinipili na nila ang iba,
Kasya sa iyo na mas kaibig-ibig pa.

Ewan ko ba?
Pero minahal talaga kita bigla.
Kahit hindi ka na ganoon marinig sa tuwina,
Kahit masyado ka nang matanda.

Iibigin kita kahit na anong mangyari,
Iibigin kita kahit ayaw na ng marami.
Ipinapangako kong ikaw lang ang gagamitin,
Ngunit minsan talaga'y hindi maiwasang limutin.

Maraming tao na ang sa aki'y nagsabi,
Na mahalin ang iba at iwan ka.
Pero di ko talaga kaya,
Na mawala ka sa piling ko sinta.

Kaya sa mga kabataan ngayon,
Na tulad kong may pagsinta rin sa kaniya,
Sana'y alagaan niyo siya.
Sana'y mahalin niyo siya.

Aking sinta, sana'y huwag kang lumisan.
Manatili ka't maghintay sa kinabukasan.
Kami pa ri'y nandito't hindi ka pababayaan.
Aking Filipinong sinisinta na dito'y isinilang.

Tikom na BibigWhere stories live. Discover now