Tirahan

25 0 0
                                    

Kalinga ang dapat ibinibigay,
Pero ba't pasanin ang inilagay?
Sa mga balikat,
Na imbes humila paakyat,
Ay naging pabigat
At siya rin ang naging hudyat
Upang sa lupa'y bumagsak.

Bawat segundo, bawat oras
Ay may inaagnas
Na mga bangkay
Sa pagkasilang ay kaagad nang pinatay.
Pilit nang-aagaw ng mga buhay,
Ang siya rapat maging tagahatid-kulay.

Tirahan;
Sa loob ay may patayan.
Tirahan,
Pero 'di mo kalulugdan.
Tirahan,
Subalit 'di kanlungan.
Tirahan;
Hindi naging isang tahanan.

Tao pa kaya ang nakatira sa loob ng
Tirahan?

Tikom na BibigWhere stories live. Discover now