CHAPTER 6

364 35 0
                                    

NATHAN'S P.O.V.

No'ng gabing iyon ay hindi ko makuha ang posisyon ko sa pagtulog. Galaw ako nang galaw at hindi makatulog dahil may mga bagay na gumugulo sa 'king isip.

Napatingin ako sa kisame ng aking silid, biglang napangiti dahil naalala ang nangyari sa tabing-dagat.

Kinuha ko ang isa kong unan at niyakap nang mahigpit at pumikit.

Ano 'to? Ba't hindi ako makatulog? Bakit si Harley ang laman ng isip ko?

Para akong baliw dahil habang yakap yakap ko nang mahigpit ang unan ay ako'y nangingiti.

Bumangon ako sandali at uminom ng maligamgam na tubig upang mahimasmasan. Ngunit ganon pa rin ang aking nararamdaman.

"No, hindi 'to pwede, something's not right, she can't be mine 'cause I'm a little bit unsteady," bulong ko.

Bumalik na ako sa 'king silid at humiga. Nakatulala lang ako sa kisame hanggang sa nakatulog.

Kinabukasan ay pumunta ulit ako sa may baybayin hindi para mag-relax at mamangha sa mga magagandang tanawin. Ngunit upang hanapin si Harley at humingi ng paumanhin tungkol sa nangyari.

Palubog na rin ang araw nang ako'y magpunta rito dahil sa ganong oras ko siya nadatnan.

Binaybay ko ang baybayin tungo sa lugar kung saan ko siya unang nakita at hindi nga ako nabigo dahil nakita ko s'yang muli na nakatayo rito. Pinagmamasdan ang paglubog ng araw, pinapakiramdaman ang malakas at maalat na hangin na nagmumula sa karagatan at pinakikinggan ang malakas na hampas ng alon.

Noong una ay nahihiya pa akong lapitan siya dahil sa nangyari, pero nilakasan ko ang loob ko.

"Hi... Harl," bati ko.

"Ano na naman? Guguluhin mo na naman ako? Ipagmamalaki at ipapakita mo na naman 'yang dimples, biceps at katawan mo sa 'kin?" Sunod-sunod n'yang salita.

Tumawa ako. "Hindi... gusto ko lang mag-sorry tungkol sa nangyari kahapon."

"Ganyan naman kayo, lagi kayong nag so-sorry pero inuulit n'yo rin naman so para saan pa?"

Nagulat ako sa kanyang sinabi. "S-saan mo hinugot 'yan? Sa ilalim ng dagat?" Biro ko.

Muli ko s'yang tinabihan pagkatapos ay tinitigan.

"Ayan ka naman, lumayo-layo ka nga sa 'kin," pag-iinarte n'ya.

"Sorry na nga," bulong ko. "Hindi ko naman sinasadya 'yung nangyari kahapon."

Huminga s'ya nang malalim. "That’s fine. Kalimutan mo na," an'ya at tumahimik.

Umupo ako sa may buhanginan habang pinagmamasdan ang palubog ng araw.

"Maupo ka rin, lagi na lang kasi kitang nakikitang nakatayo, 'di ka na napapagod?" Biro ko.

Huminga s'ya nag malalim sabay umupo. Halos isang metro ang layo namin sa isa't - isa.

"Uhm... matanong ko lang. Ba't ka nga pala laging nandito? Napapansin ko kasi na parang ang lalim ng iniisip mo..." Tanong ko habang nakayuko at pinaglalaruan ang buhangin.

"Hindi ko rin alam... may something sa lugar na 'to na binabalik-balikan ko," sagot n'ya.

Nagtaka naman ako. "Ano 'yon?... may nangyari ba sa lugar na 'to?"

Bakas sa mukha niya ang lungkot at napayuko na lamang.

"Ahh... no need to answer if it is private, you can keep it," saad ko dahil pansin kong ayaw niya itong sabihin sa akin. I don't want her to be pressured since we just met each other recently. I want her to feel comfortable when I'm by her side.

When Our Heavens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon