CHAPTER 10

246 38 1
                                    

HARLEY'S P.O.V

Tahimik ang paligid at unti-unti ko nang nagagalaw ang aking mga daliri. Nang idilat ko ang aking mga mata, ako'y nasa isang 'di pamilyar na silid at nakahiga sa kama.

"Harl?... Nurse! Gising na s'ya!..." pamilyar na tinig na aking narinig.

Luminga-linga ako sa paligid kahit na nanlalabo pa rin ang aking paningin.

Naaninag ko si Oliver na noo'y nasa gilid ng kama.

"Nasaan ako?" Aking pagtataka. "Anong nangyari?"

Hinawakan n'ya ang kamay ko. "You've been unconscious for days," sabi niya na namumutawi ang pangamba.

Agad ko s'yang niyakap nang mahigpit at napayakap din s'ya sa'kin.

Nang magbitaw kami sa pagkakayakap ay nakaramdam ako ng masakit sa ulo ko.

"A-anong bang nangyari? Ang sakit ng ulo ko."

"Nahimatay ka sa gitna ng airport at tumama ang ulo mo. Buti na lang at nandoon pa ako at sinugod ka namin dito sa ospital," paliwanag niya habang hinahaplos-haplos ang aking ulunan "Ngunit dahil sa nangyari, hindi ka na nakaabot sa flight mo."

Nakita ko ang lungkot sa mukha niya nang mabanggit n'ya ito.

"Hindi na importante 'yon," sabi ko. "Hindi ko alam kung panaginip lang iyon o iyon ang totoo."

"Ang alin?" Nagtaka siya.

"Nandito na ba 'ko sa totoong mundo?" tanong ko na para bang wala sa sarili.

Hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Magpahinga ka na muna, mukhang nag-ha-hallucinate ka, hindi ka pa tuluyang nakaka-recover." Hinalikan niya ang noo ko. "Okay naman ang result ng lab tests mo, wala naman daw internal bleeding. Pero nagtataka kami kung bakit ang tagal mong magising. But don't worry, nandito lang ako sa tabi mo."

Bigla kong naalala na may papel na binigay sa'kin si Nate. Unti-unti kong binuka ang isang kong kamay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang aking mga palad at talampakan.

Nakita ko ang isang nakatiklop na papel sa palad ko.

"Totoo nga!" Pagkamangha ko. Agad ko itong binuksan at binasa.

"Ang alin?" Pagtataka ni Oliver.

"Once you read this, please proceed to the room 308 before 10:20 PM. There, you will find me."

Nanlaki ang mga mata ko at tila ba'y nagkaroon ako ng lakas.

"Anong floor tayo?" Mabilis kong tanong kay Oliver.

"N-nasa third floor tayo," an'ya nang bigla kaming nakarinig ng mga yabag at sigaw mula sa mga taong nagtatakbuhan sa labas ng kwarto.

Agad kong inalis ang mga aparatong nakakabit sa'king katawan at mabilis na bumangon at lumabas ng silid.

"Teka, Harl!" Sigaw at pagpigil niya sa'kin. "Sa'n ka pupunta?"

Nang makalabas ako sa silid, agad kong hinanap kung nasaan ang room 308.

"Teka lang, saan ka ba pupunta?" Pag-aalala niya habang inaalalayan ako. "Bumalik na tayo!"

Umiling ako.

"Hindi pwede, pumunta tayo sa room 308," sabi ko.

"A-ano bang gagawin natin do'n?" Bakas ang pagkalito sa kanyang mukha.

"Basta." Sambit ko.

Para bang bumagal ang oras habang papalapit kami sa kwarto na iyon, hindi ako tumigil kahit na may nararamdaman akong masakit sa'king katawan, kahit na naguguluhan na sa'kin si Oliver ay tumuloy pa rin ako.

Nang marating namin iyon ay nagbanta akong pumasok sa loob. Ngunit pinigilan ako ng isang nurse.

"Pasensya na po, ma'am. Hindi po kayo pwedeng pumasok."

Wala akong nagawa kun'di sumilip na lang sa maliit na salamin na bintana na nakakabit sa may bandang itaas ng pinto.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha habang pinanonood silang nagkakagulo sa loob, ginagawa ang lahat para maisalba si Nate.

Nagsasalita si Oliver. Ngunit hindi ko na marinig ang aking paligid, ang tanging naririnig ko na lang ang munting tinig na nangagaling sa loob ng silid.

"Clear!"

Tinanaw ko muli ang loob ng silid at kita kong naninigas na ang mga paa ni Nate sa sobrang hirap habang pilit s'yang sinasalba ng doktor at mga nurse.

Napapikit na lang ako at napatakip ng mukha. Hindi ko alam ang sasabihin, halo-halo na ang aking nararamdaman.

May mga biglang dumating.

"Dito ba?" Salita na aking narinig.

Pagkita ko ay agad kong nakilala ang taong ito, ang papa niya. Hindi s'ya mapakali, balisa at palakad-lakad sa isang puwesto.

Pinapakalma s'ya ng isang babae na kanyang kasama.

"Bumalik na tayo sa kwarto, please," pagmamakaawa ni Oliver. "Sino bang pinuntahan mo rito?"

May biglang lumabas sa kwarto at lahat kami'y nagtinginan sa kanya – ang doktor.

"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong nito.

"O-oo, k-kami nga," utal na sagot ng kanyang ama.

Yumuko ang doktor at bakas sa mukha niya ang lungkot. "Ginawa na po namin ang aking makakaya, but he didn't make it," sambit niya.

Lalong nanlambot ang aking katawan sa'king narinig, hindi ako makapaniwala na tuluyan na siyang nawala. Napaupo ako at natulala.

"Time of death, October 31, 2020, 10:20 PM." Sambit ng doktor.

Napailing ang kanyang ama. "Hindi... hindi anak..." Mabilis siyang pumasok sa loob ng silid.

"Ma'am, bumalik na po tayo sa kwarto n'yo," ani ng nurse sa akin.

Inalalayan nila akong tumayo at unti-unting naglakad pabalik sa'king silid, malungkot at walang lakas.

"Sa ngayon magpahinga ka na muna, nandito lang ako," paalala ni Oliver sabay halik sa'king kamay pagpasok namin sa kwarto. "I love you," bulong niya pa.

"Mr. Oliver, since wala naman kaming nakitang sakit o kakaiba sa katawan n'ya, pwede na po siyang ma-discharge bukas," saad ng Doctor. "But she just need to rest for now."

"Alright. Thank you, Doc," tugon niya.

Matapos nito'y, pinaghanda niya ako ng pagkain. "Binilhan pala kita ng paborito mong fried chicken. Gusto mo na bang kumain?"

Umiling ako dahil wala naman akong ganang kumain.

"Sige, mamaya mo na lang kainin kapag may gana ka na," mahina niyang ani sabay halik sa noo ko.

Nakatulala lamang ako at naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay. Tumingin ako sa kanya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala s'ya. Nangiti ako at hinaploshaplos ang kanyang malambot na buhok.

Doon ko napagtanto na sadyang mapagbiro ang tadhana, may kailangang mawala para makita mo ang halaga nito. Ngunit may papalit o darating para ipaalala na meron pang natitira at nandyan para sa'yo.

When Our Heavens CollideWhere stories live. Discover now