PROLOGUE

3.9K 364 108
                                    

Sariwa pa rin sa aking isipan ang alaala ng iyong paglisan. Ni hindi ka man lang nagsabi, ni hindi ka man lang nagpaalam.

Ang araw na ito ay laging nagpapaalala sa'kin ng sakit na iyong iniwan na nakamarka na sa aking puso't isipan. It's been 20 years since you vanished.

Maraming ng nagbago at nawala. Mahirap man tanggapin. Ngunit ayokong magpakain sa kalungkutan, iniisip na lang namin na masaya ka na kung nasaan ka man naroroon.

"Pa..." tawag ng anak ko sa'kin.

Dalawampung-taon ang lumipas at ito, nakabuo na ako ng sarili kong pamilya. Nakamit ko na rin 'yung pinapangarap ko noon no'ng nandyan ka pa, ang maging isang piloto.

No one ever can stop time from elapsing. But I will never forget what we had. Maybe I can't see you anymore, but I can still feel your presence. You pursued me to reach my goals and that's somehow one of the reasons why the fire in my heart is still burning.

BREAKING NEWS: Isang eroplano na papunta sanang The Netherlands ang bigla na lamang naglaho sa ere! Hindi pa tukoy ang dahilan ng misteryosong pagkawala nito.

Ito ang balitang gumimbal sa buong mundo at nag yurak sa puso ko dalawampung taon na ang nakararaan. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang malaman na isa ka sa mga sakay nito. Ngunit masyadong mahiwaga ang mundo, hindi natin alam kung anong kinukubli nito.

"OLIVER! OLIVER! DALI! TINGNAN MO!" Malakas at nagmamadaling tawag ng asawa ko sa'kin.

Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Bakit...?" Tanong ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. Nakita kong lumunok siya at saka ibinaling ang tingin sa TV.

Nagtaka ako kaya't napatingin na rin sa kanyang pinanonood. "Aircraft 03692 na matagal nang nawawala ang himalang nakabalik matapos ang dalawampung taon!"

Nagpintig ang mga tenga ko matapos kong marinig ang ulat. Wala akong masabi, natulala ako na parang bang tumigil ang aking paligid. What I heard echoing in my mind.

"Ngunit imposible..." bulong ko at nanindig ang mga balahibo.

Akmang aalis na sana ako nang hawakan ako sa braso ng asawa ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Tumitig ako sa kanyang nangungusap na mga mata.

"Sa airport..." wika ko. "D'yan lang kayo."

Nagmadali akong pumunta sa garahe at sumakay sa'king sasakyan.

Punong-puno ng mga tanong ang aking kaisipan habang binabagtas ko ang daan papuntang paliparan. Maya't maya ko rin hinimas-himas ang aking braso dahil patuloy pa rin naninindig ang mga balahibo ko.

Iniisip ko na imposible. Ngunit imposible pa nga rin ba ang ganitong kagulat-gulat na mga pangyayari sa mundong ginagawalan natin ngayon?

Sa mundong pabago-bago, at sa mundong hindi natin alam kung pa ang tinatago?

Muling nag-alab ang pag-asa na baka kasabay ng pagbalik ng eroplano ay nagbalik din siya. Gulat pa rin ako, hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko.

***

Nang makarating ako sa airport ay nagtangka akong pumasok sa entrance. Ngunit pinigilan ako ng security.

Nasaksihan ko ang muling pag-agos ng luha mula sa mga pamilyang nakasama ko sa dalamhati noong mawala sila. Pero ang mga luhang umaagos ngayon ay may kasama ng pag-asa.

"S-sir? Sir?... s-sila na p-po ba talaga 'yon?" Nahihikbing tanong ng isang babae paglapit niya sa'kin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pangungulila.

"Ma..."

Mahinang boses na aming narinig at sabay kaming napatingin kung saan sa tingin namin ito nanggaling.

"Anak... ANAK!"

Nagalak siya nang makita niya ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit at nagtatatalon sa tuwa. Sa wakas, natapos na rin ang paghihintay na para bang walang hanggan.

Bigla na lang gumuhit ang aking ngiti sa'king labi. "Am I dreaming?" Bulong ng aking isip. Sinampal-sampal ko ang sarili ko upang malaman kung hindi talaga ako nananaginip. My hands are cold and shaking, I feel the adrenaline rush crawling in my skin.

Isa-isa nang naglalabasan ang mga pasahero ng nagbalik na eroplano. Marami ring media ang nasa lugar na kino-cover ang nangyayari. In the midst of the crowd and camera flashes, I saw a familiar aura. A bittersweet feeling rushing in – She's finally back.

Para bang tumigil ang oras nang muli ko siyang masilayan. Siyang-siya at walang pagbabago. Tandang-tanda ko pa ang kanyang suot noong hinatid ko siya rito. Nangangatog ako sa kinatatayuan ko habang binabalot ng mga katanungan.

"MAHAL!" Sigaw ko. Ngunit dapat ko pa ba itong isigaw kung may minamahal na ako ngayong iba?

Natanaw n'ya ako at nagmadaling lumapit sa'kin.

"H-hindi ko maintindihan. A-anong nangyayari?" Pagtataka n'ya habang pinagmamasdan ang magulong paligid. Hinawakan ko ang kan'yang kamay at hinila siya palayo sa mga tao.

"Oliver, ano bang meron? Ba't ang daming reporter at tao sa labas? Eh, hindi naman kami artista," aniya.

"H-hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa'yo, maski ako ay hindi ko pa naiintindihan."

"Anong ibig mong sabihin?"

Lumunok ako. "Ang tagal n'yong nawala!" Sambit ko na dahilan nang pagkunot ng kanyang noo.

"HUH!?" Gulat n'ya. "A-anong matagal nawala? Ano bang sinasabi mo?" Bakas sa mukha n'ya ang pagkalito.

Huminga ako nang malalim.

"Wala ka ba talagang ideya sa kung anong nangyari sa inyo? Nawala kayo ng 20 years!"

Nanlaki ang mga mata n'ya sa kanyang narinig. "20 YEARS?!"

Napalunok siya at nilihis ang tingin sa malayo na para bang may inaalala.

"Ang naaalala ko lang ay dumaan kami sa isang malakas na turbulence na naging dahilan ng pagyugyog ng eroplano. Pero sabi nila normal lang daw 'yon habang nasa himpapawid, 'tapos ay nag-decide ang piloto na bumalik dito. P-pero 'yung rason kung bakit ay hindi ko alam. Pero baka dahil sa turbulence," salaysay n'ya. "H-hindi ko alam 'yang sinasabi mong nawala kami ng 20 years when it feels like a 20-minute flight!"

Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. "Pero b-bakit parang tumanda ang itsura mo..." usisa n'ya.

"I also don't have an idea," ani ko. "Pero saka na natin pag-usapan 'yan, sumakay na tayo sa sasakyan."

Pinapasok ko na siya sa loob ng kotse samantalang nilagay ko muna ang mga gamit n'ya sa likod nito.

***

Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay sinungaban n'ya ako ng halik sa pisngi. Napalunok ako at biglang kumabog ang dibdib. Sa sandaling iyon ay iniisip ko kung paano ko sa kanya ipapaliwanag na may bago na akong minamahal.

"Baka hindi pa ito ang tamang time na mag trabaho ako sa ibang bansa... baka hindi talaga ito para sa akin," malungkot n'yang saad.

"Pwedeng hindi pa ito ang tamang oras. Pero 'wag mong sabihin na hindi para sa'yo 'yan," sabi ko naman.

"Baka nga tama ka," sambit n'ya at ngumiti.

Hinawakan n'ya ang aking kamay at akin lang itong tiningnan.

This is chaos. 

Thisis war as the two different worlds begin to collide.

When Our Heavens CollideWhere stories live. Discover now