1

132K 4K 1.6K
                                    

  

EMERY


   "KAYA MO yan Emery." Sabi sakin ni Lorelei. "Basta kapag may nanlait sayo, tawagan mo agad ako at talagang susugod ako doon."

"Natatakot ako eh." Kinakabahang saad ko. "Madaming tao doon."

"Okay lang yun, mas kabahan ka kapag puro hayop ang nandoon." Napangiwi na lang ako sa tinuran nito. "Ang alalahanin mo ay maganda ka at mabait."

"Hayst." Huminga ako ng malalim. "Sige, papasok na ako sa building ilang minuto na lang eight na eh."

"Sige, basta yung bilin ko ah." Tumango lang ako. "Okay, susunduin kita mamayang uwian mo."

"Sige, mag iingat ka din."

Sumenyas ito na pumasok ako kaya pumasok na ako sa loob ng building, iba na yung Guard at hindi din ako hinarang.

Pagpasok ko ay nakatingin sakin lahat kaya napayuko ako.

"Saan yung office nung boss?" Takang tanong ko sa sarili ko.

Lumapit naman ako sa isang babae. "Uhm, pwede pong magtanong?"

"Sure." Ngumiti ito kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Saan po yung floor nung Boss nyo?" Nahihiyang tanong ko.

"Fifteenth floor." Tugon nito. "Bilisan mona dahil hate nun ang late."

"Sige po salamat."

Ngumiti muna ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Akmang sasakay ako ng Elevator pero napatigil ako ng humarang yung isang lalaking empleyado.

"Overweight ka." Sabi nito kaya nagtawanan yung iba pang nasa loob ng Elevator. "Bawal ka dito, maghagdan kana lang baka sakaling mabawasan yang timbang mo."

Napatikom na lang ako ng bibig at yumuko. Tumalikod ako at nagtungo sa hagdan.

No choice ako kundi gamitin yung hagdan. Nasa 3rd floor pa lang ako ay pagod na pagod na ako.

"Papayat talaga ako nito." Hinihingal kong sabi at tumingin sa relo ko. "HALA!"

Eight ten na!

Ginawa ko ang lahat para mas pabilisin pa ang pag akyat ko. Halos maubusan ako ng hininga ng makaakyat sa fifteenth floor.

Pagtingin ko sa relo ko ay 8:35 na.

"Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir." Sabi sakin ng isang lalaki. "Mainit na po yung ulo. Sumunod na po kayo sakin."

Kahit hinihingal pa ay sinundan ko siya. Huminto siya sa isang pintuan itim.

"Sir nandito na po siya." Katok nito at binuksan ang pinto. "Pasok kana Miss."

"Sandali.." Huminga ulit ako ng malalim. "P-Pwede bang makahingi ng tubig?"

"Ikukuha lang kita."

"S-Salamat."

Huminga ulit ako ng malalim bago pumasok sa loob.

"You're late." Malamig na bungad sakin ng isang tao.

Nakatayo ito at nakatalikod sakin habang nakatingin sa bintana.

"P-pasensiya na po, gumamit po kasi ako ng hagdan." Sabi ko

Humarap ito sakin kaya mabilis akong napayuko.

"Why you didn't use the elevator?" Malamig na tanong nito. "One more thing, look at me when I'm talking."

Mabilis naman akong napaangat ng tingin at sinalubong ang malalamig niyang titig.

"O-Overweight daw po ako at bawal sa Elevator." Kinakabahang sagot ko. "Sorry po talaga Sir."

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon