17

119K 3K 566
                                    

EMERY



   "SAAN KA PUPUNTA?" Tanong ni Nene kay Zaem ng makitang naglalakad kami. "Pogi mo lalo Zaem."

"Kakain kami MCDO ni Mama." Mayabang na sagot nito. "Gusto mo sama? Dapat may pera ka."

"Ayoko may gagawin pa ako eh.."

"Makikipag-kan–" Bago pa maituloy ni Zaem ang sasabihin niya ay agad ko ng tinakpan ang bibig niya at hinila paalis doon.

"Ikaw talagang bata ka." Pinanlakihan ko siya ng mata.

Humagikhik lang ito kaya napailing na lang ako.

"Patty sakay." Sabi ni Kiko. "Saan ba kayo ni Pogi?"

"Sa MCDO po kami Kuya Kiko." Si Zaem ang sumagot. "Mura lang singil mo ah."

"Anong mura? Nanay mo pa lang lugi na ako." Sabi ni Kiko kaya nagtawanan ang mga nakarinig.

"Laking bulas ng Nanay mo." Sabi ng isa pang tricycle driver.

"Pake mo ba? Ikaw nga walang buhok eh." Hinila ako ni Zaem paalis doon. "Mga pangit na yun."

Wala namang nagbago sakin, maliban na lang sa konting pagpayat ko–mga ilang percent lang. Pumuti din ang balat ko at hindi na buhaghag ang buhok ko.

Parang natuto lang akong mag ayos, pero kahit anong gawin ko iba pa rin ang tingin sakin ng mga tao.

"Para po!" Kinawayan ni Zaem ang isang tricycle.

"Saan ba kayo?" Tanong ni Mang Nestor–yung tricycle driver

"MCDO po." Nakangiting sagot ko

"Sakay na."

Agad naman kaming sumakay ni Zaem sa loob. Buti na lang si Mang Nestor ang nasakyan namin, siya ang pinakamabait sa lahat ng kapit bahay namin.

"Magkano po?" Tanong ni Zaem at dumukot ng tig-li-limang pisong barya sa bulsa niya.

"Bente na lang." Sagot nit Mang Nestor.

"Ito po fifty." Nilagay ni Zaem ang barya sa palad ni Mang Nestor. "Tip po ang iba."

"Salamat Pogi."

"Salamat po Mang Nestor."

Tumango muna si Mang Nestor bago umalis, hinawakan ko naman si Zaem at pumasok kami sa loob ng MCDO

"Ang bango po dito." Bulong sakin ni Zaem. "Ang lamig pa."

"Doon tayo sa counter, oorder tayo." Sabi ko at tumango lang siya.

"What's your order Ma'am?" Tanong nung babae sa counter.

Nilingon ko si Zaem. "Anong gusto mo Zaem?"

"Kahit ano po Nay."

"Ah, one piece chicken dalawa, two Mcfloat, one cheeseburger and large fries." Sabi ko dito. "Coke na lang for drinks."

"Okay Ma'am, three fifty po."

"Okay lang po bang barya?" Nahihiyang tanong ko

"Yes Ma'am."

Dinukot ni Zaem ang mga barya sa bulsa niya at nilapag sa counter. Buti na lang mabait yung mga customer na kasunod namin at hindi nagalit dahil matagal kami.

Nang matapos kaming magbilang ay saktong dating ng order namin,  binuhat ko yung tray. Umupo kami sa malapit sa pintuan

"Kain na." Sabi ko kay Zaem ng maayos ko ang pagkain niya.

"Bakit isa lang po yung burger?" Nakangusong tanong nito. "Tsaka itong pritong kamote."

"Anak french fries tawag diyan." Sabi ko. "Sige na kumain kana."

Tumango lang ito. Nagsimula na kaming kumain, napangiti na lang ako dahil kitang kita ko ang saya sa muka ni Zaem habang kumakain.

"Sorry Anak ngayon ka lang nakakain dito tapos pera mo pa yung ginastos." Naluluhang sabi ko."Kapag nakahanap ng magandang trabaho si Mama, promise babawi ako."

"Okay lang po yun Mama, kain na lang po tayo." Nakangiting sabi niya.

Nang matapos kami ay lumabas na kami, yung burger at fries ay hindi niya kinain. Iuuwi niya na lang daw at kakainin namin mamaya pag uwi.

"Mama, kailan ulit uuwi si Tito Quen?" Tanong nito habang umiinom ng Mcfloat.

Nandito kami sa isang park malapit sa MCDO.

"Hindi ko din alam Nak." Sagot ko. "Tatanungin ko mamaya kapag may tumawag.."

"Mama, nisaktan ka po ng Papa ko?" Seryosong tanong nito kaya natigilan ako. "Alam ko pong nisaktan ka ng Papa ko."

"Zaem.."

"Mama, gusto ko makita Papa ko pero kung ayaw nyo po okay lang. Masaya naman po ako na ikaw kasama ko." Yumakap ito sa bewang ko. "Wag mo lang ako iwan ah?"

"Oo naman po, hinding hindi ko iiwan ang baby ko."

"Kahit nangungupit ako minsan?" Tumango ako. "Kahit minsan makulit ako?" Tumango ulit ako. "Kahit inututan ko sa muka si Aling Iska?"

"Puro ka talaga kalokohan." Natatawang kinurot ko ang matangos niyang ilong. "Ang gwapo gwapo ng baby ko."

"Ang ganda ganda ng Mama ko."

Nasa ganon kaming posisyon ng biglang may nagpaputok ng baril. Nataranta ako at agad niyakap si Zaem

"Mama, may nag-shu-shooting." Sabi nito. "Nandito ba si Cardo?"

"Wag kang maingay Zaem, hindi 'to shooting." Hinila ko siya patago sa isang puno.

"Mama, yung baby!" May itinuro ito na agad kong sinundan ng tingin. "Mama, yung baby tulungan natin."

"Ako na tutulong Zaem, dito ka lang–"

"Ako na Mama." Mabilis itong kumawala sakit at tumakbo palapit sa isang baby.

"ZAEM!" Mabilis ko siyang sinundan.

Napahinto na lang ako at napatigalgal ng makita kong tamaan ito at bumagsak.

"ZAEM!!" Napahagulgol na lang ako at mabilis siyang nilapitan. "Anak ko."

"M-Mama, b-bakit ikaw iiyak?" Pumipikit pikit ito. "M-Masakit t-tiyan ko."

"Baby ko, wag kang matutulog. Wag mong iiwan si Mama."

"T-Tanghali na, t-tulog na ako."

"HINDI ANAK!" Lalong lumakas ang iyak ko ng unti unti itong pumikit. "HINDI PWEDE! ZAEM!"

"Ikaw na lang ang buhay ni Mama, wag mo akong iwan.."

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon