23

108K 2.8K 888
                                    

Emery is just chubby, hindi naman siya yung sobrang taba talaga.



EMERY


    SI EZAR ang nagtungo sa counter samantalang kami ni Zaem ay nakaupo na at hinihintay siya.

"Mama, gamutin mo po sugat ni Papa mamaya ah?" Nakangusong sabi ni Zaem habang pinaglalaruan ang kamay ko. "Hilot mo din siya."

"Ikaw ah, parang mas favorite muna si Papa mo kaysa sakin." Pagtatampo ko

"Hindi ah, parehas ko kayong love ni Papa po, ngayon ko lang po kasi nakasama si Papa kaya gusto ko po may bonding kami." Pinalobo niya ang pisngi niya. "Wag ka po galit ah?"

"Naiintindihan ko pogi." Nakonsensiya tuloy ako. "Sorry din kung ngayon mo lang nakilala si Papa mo ah? Alam mo naman na may naging problema kami."

"Opo, nisabi sakin ni Papa ko."

Magsasalita pa sana ako pero hindi natuloy ng may naglapag ng pagkain sa table namin.

"Ezar, ang dami naman nito!" Gulat kong sabi. "Umamin ka, gumamit ka din sa pera mo."

Huminga ito ng malalim bago umupo. "Okay fine, pera ko ang ginastos ko pero promise ngayon lang ito. Tinabi ko ang pera kona kinita para sa bag ni Zaem. Please don't be mad.."

"Okay, atleast you're honest." Nangiti naman ito at namula ang tenga. "Kinikilig ka?"

Balik poker face ito na ikinatawa ko lang.

"Wow, sarap nito Papa." Masayang sabi ni Zaem at hinalikan siya sa pisngi. "Thank you Papa, love you po."

Kita ko ang pagbagsak ng luha ni Ezar kaya napaawang ang bibig ko, mabilis nitong pinahid yun at ngumiti sa Anak.

"Thank you Zaem for giving me a chance to be your father." Nakangiting sabi ni Ezar.

"Okay po, ikain mo yan Papa. English ka ng English."

Ginulo lang ni Ezar ang buhok nito bago maganang kumain. Kunwari pa akong nagreklamo pero naubos din namin yung pagkain.

"Solve." Hinimas pa ni Zaem ang tiyan niya. "Mas masarap talaga kapag libre."

"We can eat here anytime you want." Sabi ni Ezar. Tumango lang si Zaem, mukang hindi naintindihan ang Tatay niya.

"Tara na." Aya ko. "Baka magreklamo na si Quen, hindi pa naman marunong magluto yun."

"I bought foods for him." Tinaas ni Ezar ang isang plastic.

Binuhat nito si Zaem. Lumabas kami ng MCDO at agad pumara ng tricycle.

"How much?" Seryosong tanong ni Ezar sa driver ng makbaba kami.

"Anim na pu ho." Tugon nito

Nakakunot noong bumaling sakin si Ezar at tumikhim. "How much the Anim na pu?"

"Sixty." Tugon ko.

Tumango lang ito bago dumukot ng tatlong benta sa bulsa niya, inabot niya ito sa driver.

"I smell bad." Dinig kong bulong nito.

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon