31

94.1K 2.4K 241
                                    

EMERY



    "ZAEM, BILISAN MO!" Sabi ko sa Anak ko. "Pupunta tayo kay Papa mo."

"Okay po." Tipid nitong sagot bago lumapit sakin.

Tuluyan ng nagbago ang baby ko, sobra ang epekto sa kanya ng mga nangyari. Masyado na siyang tahimik at nawala na ang sigla niya.

Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kahit ako ay nawawalan na rin ng gana mabuhay pero kailangan kong lumaban.

"Tara na Quen." Nakangiting aya ko

Tipid lang itong ngumiti at tumango

Sumakay kami ng sasakyan, si Quen ang nag aalaga samin ngayon ni Zaem at siya rin ang nagma-manage sa company na iniwan ni Ezar.

"M. Cemetery.." Basa ko sa gate na pinasukan namin.

Nang makarating sa puntod niya ay bumaba kami ni Zaem habang si Quen ay naiwan lang sa loob ng sasakyan.

Emelita Salvacion

Matapos ang nangyari kay Ezar ay sinabi sakin ni Quen na natagpuan niya ang Nanay ko at patay na ito. Tungkol naman daw sa tatay ko ay may bago na itong Pamilya.

"Hello po Ma." Nilapag ko ang bulaklak kong dala sa lapida niya. "Hindi man lang po kita nakita ng personal, itatanong ko po kung bakit nyo ako iniwan ng basta basta na lang. Pero wag po kayong mag alala dahil hindi po ako galit. Mahal na Mahal po kita, kayong dalawa ni Papa."

"Lola, love ko din po kayo." Sabi ni Zaem. "Ma, tara na po. Baka hinihintay na tayo ni Papa."

"Oo nga pala." Ngumiti ako sa kanya bago tumingin ulit sa lapida ni Mama. "Babalik na lang po kami, pupuntahan pa po namin ang asawa ko."

Umalis na kami sa sementeryo at nagtungo sa Hospital kung nasaan ang taong mahal ko..

Naisugod namin si Ezar sa Hospital at himala daw na bumalik ang pulso niya pero comatose siya, halos dalawang buwan na. Sana nga ay magising na siya dahil miss na namin siya ni Zaem.

"Papa!" Masayang nilapitan ni Zaem si Ezar na parang natutulog lang. "Papa, very good po ako sa klase, marami na din po akong friends. Papa malapit na po Father's day tsaka birthday ko po kaya gising kana po."

"Oo nga Ezar, gising na." Umupo ako sa upuan malapit dito at hinaplos ang pisngi niya. "Miss kana namin ng Anak mo. Alam mo bang nag-iipon si Zaem para sa Father's Day? Dahil gusto ka niyang bigyan ng regalo."

"Ang tagal nyo na pong tulog, gising kana po." Ngumuso si Zaem. "Nalulungkot ako lagi Papa kasi hindi kita makalaro, tapos si Mama po laging umiiyak kasi miss kana niya. Magpapakasal pa po kayo ni Mama diba? Bahala ka po, hahanap ako ng bagong Pap–"

"–Don't you dare."

Nagkatinginan kami ni Zaem at parehas nanlaki ang mga mata namin.

"S-Sorry for waiting.." Dahang dahang nagmulat ng mata si Ezar.

"Papa ko!" Pumalahaw ng iyak si Zaem at maingat na niyakap ito. "Papa ko!"

"My young man..."

Pinindot ko naman ang button na malapit sa kama ni Ezar bago siya niyakap.

"Welcome back my love.." Umiiyak pero nakangiti kong sabi. "Huwag mona kaming paghintayin ng ganon ah?"

"N-Never.."

Napahiwalay lang kami ng dumating ang Doctor, chineck siya nito saglit.

"Doc, kamusta na po siya?" Tanong ko.

"He's now fine pero magsasagawa kami ng ilang pang test para masiguradong wala ng problema." Nakangiting tugon nito

"Don't smiled at her!" Masungit na sabi ni Ezar kaya parehas kaming natawa nung Doctor.

"Tanginamo Carter!" Tinaasan siya ng gitnang daliri nung Doctor. "Tagal kitang inalagaan tapos susungitan mo lang ako."

"I don't fvcking care about you Chua!"

Napailing lang yung Doctor. "I'll go now."

"Thank you po."

Tuluyan ng lumabas yung Doctor, nilapitan ko naman si Ezar at mahinang hinampas sa braso.

"Ang sungit sungit mo!" Natatawang sita ko dito.

"I missed you and Zaem so much." Sa halip ay sabi nito. "Fvck that Buenavista. Dahil sa kanya ang tagal ko kayong hindi nabantayan."

"Okay lang po yun, ikaw naman binantayan namin." Sabi ni Zaem. "Wag mona po ulit gawin yun ah? Bahala ka po, hahanap ako ng bagong Papa."

"I won't do that again." Tugon ni Ezar. "Gusto ko ako lang ang Papa mo okay?"

Tumango naman si Zaem at hinalikan siya sa pisngi.

"Pagaling kana po mahal ko." Malambing kong sabi. "Alalahanin mo may kasal pa tayong naudlot."

"And honeymoon." Dagdag nito na ikinatawa ko lang.

Bumukas ang pinto at iniluwal non ang mga kaibigan niya at kapatid niya, nandito din ang mga pamangkin niya

"Tito!" Masayang sabi ni Xyra

"Gising na ang pogi ko pong Tito." Sabi naman ni Xyna.

"Walanghiya ka." Pabiro siyang sinuntok ni Quen sa tiyan. "Hindi ko matutukan yung mag iina ko dahil sayo."

Sinamaan siya ng tingin ni Ezar. "I'm your boss!"

"Ako ang boss ngayon!" Dinilaan siya ni Quen

"We're happy that you're okay now Kuya." Nakangiting sabi ni Xyrene.

"Oo nga Kuya, wag mo ng ulitin." Sabi naman ni Xyrelle.

"Masyado kayong sweet diyan." Singit ni Archer at tinampal sa balikat si Ezar kung saan may sugat. "Saktan nyo dapat ang walanghiyang yan!"

Natawa na lang ako ng magbardagulan sila samantalang si Zaem ay umaawat...

Tumingin sakin si Ezar and he mouthed 'I love you'

"I love you too Mahal.."






A/N: SAYA MANG PRANK HEHE

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon