Chapter 1 - Broken Hearted

169 11 9
                                    


Alas dyis ng umaga.

[Mau, punta ka dito sa ‘min ngayon. Ngayon na.]

Text ko kay Maureen kahit nanginginig ang mga kamay ko sa nararamdaman. February 14, unang heartbreak ko sa ka-MU ko na taga-Bicol.

Maya-maya nakarinig na ako ng mga yabag ng paa. Si Maureen na ‘yon. Nakita kong lumitaw na ang ulo niya sa pintuan namin at agad akong umiyak at umupo naman siya. Niyakap ko siya nang mahigpit.

“Mau, iniwan niya na ‘ko, Mau!” sabi ko habang humagulgol. Narinig kong umiiyak na rin siya. Umiiyak na kaming dalawa. Alam kong naaawa siya sa akin.

“May girlfriend siya, Mau! Ang sakit!”

Nag-iyakan pa kami.

Ilang minuto pa ay nahimasmasan ako. Nagpapasalamat ako sa buhay ni Maureen dahil sa tawa ko’t iyak, nand’yan siya lagi.

“Uwi ka na. Maligo ka na. Sabay tayo sa school.”

“Sige, dito na ako dadaan mamaya.”

May naging ka-MU ako. Sa Facebook ko lang nakilala. Hindi ko alam bakit na-attach ako sa kanya gayong wala siyang masyadong pinapakita sa Facebook. Sa katunayan, parang dummy account ang ginagamit niyang account. Pero siya naman daw iyong nasa profile picture niya na naka-side view. Lagi lang kaming magkausap sa Messenger, dahil do’n lang siya active. Wala kaming interactions sa Facebook.

Siya si Ken. Typical na lalaki. Nag-promise ng forever sa isang babae pero ang ending, nauwi sa sorry. We even discussed each other’s future together. Sakto, gusto niyang maging Psychiatrist. Ako naman gusto kong maging Psychologist. Bagay kami sa case na iyon.

Magka-MU kami nang ilang buwan from October. Pero ngayong February 14, araw ng mga puso. Pero para sa akin, araw ng mga manloloko iyon. Sabi pa niya, ayaw niya munang magka-girlfriend daw kasi he is into studies pa. Well, academically inclined nga naman talaga siya dahil may mga times na tinatanong ko kung ano’ng ginagawa niya. Ang sagot, nag-aadvance reading.

Ngayong araw, nalaman kong may girlfriend pala si Ken kasi kanina, nag-message ako sa kanya. I greeted him. Sabi ko, “Happy Valentine’s Day!”. Excited pa naman ako sa magiging tugon niya. Gaya ng iba, we always expect na ibabalik din sa atin ang energy na binibigay natin sa tao.

Pero nagunaw ang mundo ko nang mabasa ko ang reply niya.

[Sino ‘to?! Girlfriend ito ni Ken. Sino ka?!”

Ilang segundo pagkatapos kong mabasa iyan, hindi pa ‘ko nakagalaw. Isang minuto siguro ‘yon bago ko mapagtanto kaya umiyak ako sa sahig na parang bata na hindi binilhan ng lollipop.

Within those months pala na magkausap kami ni Ken, cool off lang pala sila ng girlfriend niya. At kasi nga cool off sila, itong si Ken kumausap ng ibang babae. Pampalipas siguro. Oo, gano’n nga. At ako ang malas na babaeng iyon. Ngayong araw nagkabalikan sila. Gusto kong magmura, e, ‘no.

Nagdecide na ‘kong maligo at maghanda papuntang school. Nang matapos ako, inaantay ko nalang Maureen para sabay na kami. Malapit lang naman ang bahay nila so lagi kaming nagsasabay. Bestfriend ko iyang si Maureen. Nagkakilala kami noong Grade 8 palang kami. Ngayon, Grade 12 na kami.

Nag-cecellphone muna ako habang naghihintay kay Maureen. Hindi ko mapigilan. Na-notice ko nalang ang sarili na pumunta sa timeline ni Ken. Wala talaga akong nakikitang posts. Hindi siya active. Nagbabakasali sana ako baka i-post niya ang jowa niya kung talagang totoo nga.

Iyan tayo. Kahit nasasaktan na, pipiliin pa ring masaktan.

Maya-maya ay dumating na si Maureen. Nag-liptint pa siya pagkapasok niya sa bahay. Ganoon lagi ang gawi namin. Either sabay kaming mag-liptint or nauna na ‘ko sa kanya.

Ngumiti lang nang hilaw si Maureen nang makita niya ang namamaga kong mga mata sa kaiiyak.

Isang oras ang makalipas, dumating na kami sa school.

***

“Uy, ’wag! ‘Wag niyo ngang ginaganyan si Lexi. Iiyak ‘yan, ih!” depensa ni Maureen sa akin.

Pangiti-ngiti lang ako sa mga ka-circle ko sa classroom habang kinukutya nila ako. Alam na nila na broken hearted ako.

“Uy! Nako, iiyak ‘yan! Ikaw ba naman iniwan. Iiyak ‘yan!” tukso ni Mark sa akin.

Tumawa ako nang mahina at hindi ko namalayang naluha pala ako nang kaunti. Ang sakit talaga. Ang sarap umuwi. Tumayo ako at nagtungong CR. Pagkadating ko do'n, agad akong umiyak. Silently.

Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ka-sakit. Para akong nawalan ng mahal sa buhay, literally. I remember sinabi ni Ken sa akin na may maikling days nalang daw siya sa mundo kasi according to him, may sakit siya sa puso. Naniwala ako do’n. Hindi ko maiwasang maisip na sana mawala nalang siya nang tuluyan sa mundo dahil sa ginawa niya sa akin. Pero na-correct din ako ng konsensya ko. Mali pa rin ang mag-wish ng illness sa taong nanakit sa atin.

Pero kasi, ginamit niya ako. Malay ko nga baka hindi totoo na may sakit siya sa puso at sinabi niya lang na mawawala siya 3 months after kasi baka hindi dahil namatay siya, kun’di dahil babalik siya sa girlfriend niya. Matalino. Kainis. Nabuhos ko kung anong makakaya ko para sa kanya. Time ko, attention ko, effort ko, at higit sa lahat, ang pagmamahal ako. Para akong nagmahal ng bula. Una, malinaw pa. Pero kalaunan, mawawala rin bigla.

Minsan napapatanong nalang ako, “May utak ba siya para maisip na kapag gumamit siya ng panakip butas, eh, masasaktan talaga?” Or baka talaga wala siyang puso para madama iyon. Ewan ko ba. Isa lang masasabi ko: masama ang tao. ‘Kainis!

Bumalik na ‘ko sa classroom. Pagkabukas ko ng pinto, sinalubong ng paningin ko ang mga mukha ng mga kaklase ko. As usual. Kung hindi sanay sa ganitong set up, siguro mahihiya kasi lilingon talaga sila kung sino ang papasok.

Umupo na ‘ko.

“Okay ka lang?” mula sa likod na tanong ni Mau sa akin pagkaupo ko.

“Oo,” mahina kong tugon.

Maya-maya napansin ko si Jeff na pumunta sa harap ng klase. Ngumiti pa siya. Ganyan talaga si Jeff, palangiti.

“Guys, may practice tayo bukas for Intrams.”

Narinig ko mula sa mga kaklase ko ang excitement lalo na sa bandang likod na mga babae. Iyong mga lalaki naman na magkaka-circle lang, iyong iba walang reaction. Ang iba naman, ngumiti. Marahil ay another burden na naman sa kanila ang pagpractice ng sayaw dahil hindi sila sanay.

Blangko lang ang reaksyon ko. Natutuwa ako. Normally, natutuwa talaga ako kapag may activities ang campus. Kasi sa Intrams, makakalaro na naman ako ng table tennis. Pero ngayon, gusto ko munang mabagot. Paano ngayon ‘yan, lagi kong naiisip si Ken. Makakapagfocus kaya ako sa pagpapractice namin? ‘Kainis ulit!

***

Dismissal na. Sabay ulit kami ni Mau. Lagi kaming nagsasabay papunta sa school or pauwi from school.

Tahimik lang kami sa tricycle. Hindi niya muna ako kinausap dahil alam niyang wala akong gana.

Hindi ko mapigilan na gumapang ang mga luha sa pisngi ko. Na-mimiss ko si Ken. At the same time galit ako. Pero at the same time naaawa ako sa sarili ko. Bakit kailangan akong saktan? I have never caused any pain to others. Bakit ako pa?

Ang busy ng mundo. Habang nakatulala ako, nakikita ko ang mga nagtitinda na busy sa costumers. May mga estudyante ring naglalakad sa daan. May mga nanay na siguro galing sa Palengke. May nahagilap pa akong nakasimangot na babae sa loob ng bus. Kung ano man ang pinagdaanan niya, parehas kaming nababagot. Sa unahan may nakita pa akong magkasintahan na naglalakad sa gilid ng kalsada. Halatang masaya at mahal nila ang isa’t isa. Umiwas ako ng tingin sa kanila. Hindi ako natuwa kaya umirap ako.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now