Chapter 3 - Usap Lang Sana

48 4 8
                                    


Limang buwan na ang nakalilipas. Masasabi kong medyo okay na ako mula sa pagiging broken hearted ko kay Ken pero may mga times pa ring naiisip ko siya pero hindi na ako naiiyak, nalulungkot na lang. Kaya ko nang iwaksi ang idea kapag sa oras na naiisip ko siya.

Tumingin ako sa dingding namin at nakita ko ang dalawang medal na nakasabit doon. Ngumiti ako. Nung Intrammurals namin, nanalo ako sa female caterogy sa table tennis. Sa by pair category naman, nanalo kami ng partner ko. Paano ring hindi ako mananalo sa larong iyon, e, iyong kalaban ko hindi naman marunong. Kumbaga, wala na silang choice kung sino ibabato nila. Basta may representative lang sila, okay na. Walang challenge.

“Pfft,” I said.

Linggo ngayon at wala akong masyadong gawin. Naisip ko mag-download ng dating app hindi para maghanap ng boyfriend kun’di para may makausap. Sa totoo lang, gusto kong kumausap sa hindi ko kakilala at pag-usapan namin ang misteryosong mundo. Madaldal ako sa mga ganoong tao, kung online lang naman.

[You are matched with Gladys!]

👤: hello?

Babae. Gladys. Hmm, I wonder anong ginagawa nito dito.

You: Hi. Anong ginagawa mo dito?

👤: Naghahanap ng kausap. Teka, babae ka ba?

You: Oo, bakit?

👤: Bakit hindi nakikita ang gender mo dito?

*Your chatmate ended the chat*

Wow! Alangan namang i-set ko lang sa lalaki lang ang makakausap ko, ‘di ba? Walang respeto, in-end pa nang hindi nagpapaalam! For sure, boyfriend ang hanap no’n. Ang cheap niya naman kung ganoon!

[You have a new chat!]

👤: Hi, babe?

Aba. Halatang desperado.

You: Naghahanap ka lang ng jowa dito, ano? Ang cheap.

*Your chatmate ended the chat*

Natawa ako. Prangka talaga akong tao. Nakakainis kasi itong mga desperada at desperado maghanap ng jowa. Hindi pa matino kausap. Pa-easy-easy lang.

[You have a new chat!]

👤: hello

You: Hello!

👤: Anong ginagawa mo dito?

You: Naghahanap lang ng kausap.

👤: Same. So taga-saan ka, Lex? Is that your name? Lex?

You: Ah, yes.  At taga-Bulacan ako. Matagal ka na ba dito?

👤: Medyo lang. Ikaw?

You: Bago pa.

👤: I see. Can I have your Facebook name?

Natigilan ako. Hindi ko talaga forte ang pagbibigay na Facebook name kasi alam ko kung saan papunta ‘to—magkakachat kami at after few years, magkakalimutan. ‘Yon lang ‘yon.

You: Lexi Flora

I just saw my complete naming flashing on screen and then I read “sent”. Hindi ko alam bakit binigay ko pero bahala na.

👤: Thank you. You have a nice name.

Kinilig ako kaunti sa compliment niya.

You: Haha. I-end ko na ito ha?

*You ended the chat*

Iyon lang at hindi ko na siya hinintay na makapagreply.

Maya-maya may na-receive akong message request at agad ko ring binuksan iyon.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now