Chapter 10 - Begging To Move On

26 6 1
                                    


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makakapaniwala sa narinig kong sermon kahapon. So far, ‘yon na ang favorite preaching ko. Gusto kong pairalin ang pride ko sa tuwing bibigkas ng nakakaguilty ang preacher na si Paul Washer pero sa oras din naman na iyon ay mare-rebuke din ang pride ko. In short, wala akong ibang tatakbuhan.

Naisip ko si Hannah, close friend ko sa CCM, I decided to share to her the sermon kasi we never heard about it sa church namin.

“Han, may ishe-share ako,” message ko sa kanya.

“Ano ‘yan?”

“https://youtu.be/uuabITeO4l8”

“https://youtu.be/t1BWSOVNm4A”

“Ano ‘to about?”

“Basta, panuorin mo. Shocking Message title n’yan, at literal na masha-shock ka talaga kapag napanuod mo ‘yan. ‘Yang pangalawa, buong Gospel ‘yan. Hindi mo pa ‘yan narinig sa buong buhay mo.”

“Sige, sige. Salamat, Lex. Kailan ka ulit babalik dito?”

“Siguro ngayong Sunday na, Han.”

Alam ko na ngayon ang buong Gospel at sigurado akong hindi pa narinig ni Hannah ang buong message ng Gospel na nasa video ni Paul Washer dahil “Jesus died for sinners" lang ang nalalaman namin sa church namin at ‘yon lang ‘yon.

***

“Ba’t tulala ka d’yan?” biglang tanong sa akin ni Mau, sumunod sa kanya si Jen. Nakita kong lumabas ng classroom si Vince at Marga, bibili yata ang mga ‘yon sa canteen.

“Eh, anong gagawin ko rito, sasayaw?” pilosopong sagot ko. Nasa lobby kami ngayon at umupo ako sa gilid para makita ang mga sasakyan sa baba. Kitang-kita ko rin ang kalangitan at medyo color pink ito. Gusto ko sanang picturan kaso bawal maglabas ng cellphone, baka may teacher na lalabas tapos makita ang cellphone.

“Nagbibilang ka ba ng mga sasakyang dumadaan?” ani Jen at tumawa. Mahilig talaga siyang mang-asar kaya nasanay na ‘ko sa kanya.

“May iniisip lang ako.”

“Si Kristoff na naman ‘yan, hula ko,” wika ni Mau.

“This time, Mau, hindi mo ‘ko kilala. I wasn’t really thinking of him pero since na-mention mo ngayon, I am now wondering kung kumusta kaya siya."

“Kalimutan mo na ‘yon! Hanggang ngayon ba you still think of him? Aba! Tapos ikaw hindi niya iniisip? O, ano ka ngayon?”

“Che. Hindi nga kasi siya ang iniisip ko lately. It was something else..”

“Something else or someone else?” ani Jen at tumawa ulit. Mahilig talaga siyang mang-asar.

“Kasi nalilito ako. Kung bakit ‘yong mga napanuod kong sermon ni Paul Washer compared to the preaching sa church namin, bakit ang layo? To be honest lang, ah.”

“Paul Washer? Sino ba ‘yan? Isa pa, talaga bang Christian ka na kahit wala si Kristoff do’n?” sunod-sunod na tanong ni Maureen.

“Sira! Hindi Christian ang isang tao kung sa tao siya tumitingin, kahit nga sa sarili niya,” depense ko pa.

“Ahm, I don't get you. Balik muna ako sa loob,” sabi ni Jen.

“Pasok na tayo. May ise-send ako sa inyo mamayang gabi.”

Plano kong i-send sa kanila ang Gospel na video ni Paul Washer. Hindi na muna ang Shocking Message kasi hindi pa naman sila nakapag-profess ni Christ. Uunahin dapat nila ang Gospel bago ang Shocking Message.

***

Alas otso na ng gabi nang mapagpasiyahan kong humiga na. Medyo maaga akong inaantok ngayon, dulot siguro ito sa PE namin kanina na nakakapagod. I really hate exercises kahit pa sinasabi nilang nakatutulong ito sa health. Ayoko pa rin, nakakakapagod.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now